
05/09/2025
Ang antolohiyang ito ay binubuo ng mga “inagaw na tingin,” mga saglit na sulyap sa mga tao, lugar, at insidente na isinulat upang muling ibalik sa mambabasa ang mga bagay na madalas nating hindi tinitingnan o sadyang hindi natin napapansin. Sa mga tinging ito nagsisimula ang pagsusulat, at sa muling pagtitig ng mambabasa ito nagkakaroon ng saysay.
Bilang mamamahayag mula pa noong dekada 70, isinabuhay ng may-akda ang pagtanaw at pagtalima sa mga totoong karanasan—mula sa loob ng mga sinehan at simbahan, hanggang sa mga lansangan at rally, sa mga batang tumatakbo’t naglalaro o nagtutulak ng pangarap sa gitna ng kahirapan. Sa bawat artikulo, may tinig na muling binuhay, may damdaming ipinadama, at may katotohanang hinayaang umalingawngaw.
Tampok sa antolohiyang ito ang piling nonfiction na naisulat ng may-akda mula sa iba’t ibang publikasyon tulad ng Asia-Philippines Leader, TV Weekly, Metro Magazine, Mr. & Ms., Expressweek, Veritas, at National Midweek.
Sa pamamagitan ng Agaw-Tingin, muling binibigyang-halaga ang sining ng pagmamasid, pakikinig, at paglalahad, mga pundasyong nagpanday hindi lamang sa isang premyadong screenwriter at nobelista, kundi sa isang manunulat na may malasakit sa tao, sa katotohanan, at sa sariling wika.
©2025
You may view and purchase the book here:
UP Press website: https://press.up.edu.ph/product/agaw-tingin-koleksiyon-ng-nonfiction-ni-ricky-lee/
Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/i5228440785.html?spm=a1zawj.24863640.table_online_product.1.76561e13Cx6BqO
Shopee (will be available on Monday): https://shopee.ph/product/276147505/43567582960/