24/07/2026
Napakabigat sa dibdib at nakagagalit basahin ang kwento at trahedyang ito tungkol sa pagpanaw ng 10 taong gulang na bata. Hindi lang ito simpleng kwento ng pagluluksaโito ay maliwanag na patunay ng nag-aagaw-buhay at bulok na sistema ng kalusugan sa ating bansa.
Bilang isang magulang, napakasakit isipin ang takot, pag-aalala, at walang katapusang pighati na pinagdaanan ng pamilya habang nakikipagpaligsahan sa oras para lang mailigtas ang buhay ng isang 10 taong gulang na bata.
Mga Napakapait na Katotohanang ng Traheadyang Ito:
Buhay laban sa Birokrasya at Negosyo:
Hindi katanggap-tanggap na sa gitna ng medical emergency, ang pamilya pa ang pinaghahanap ng driver at kasamang nurse, habang pinapabayad ng napakalaking halaga (โฑ15,000 + gasolina) para sa ambulansyang wala man lang batayang kagamitan tulad ng cardiac monitor. Ang serbisyong pangkagalingan ay dapat na nagliligtas ng buhay, hindi nagiging dahilan ng dagdag na pasanin.
Kulang sa Pasilidad at Kakayahan:
Ang kawalan ng ICU sa isang lungsod, ang paglalagay ng maling sukat ng tubo sa bata, at ang kawalan ng mga doktor o bukas na pasilidad dahil lamang araw ng "Sabado" ay malinaw na kapabayaan (medical negligence) at kulang na suporta mula sa gobyerno. Hindi nagpapahinga ang sakit at peligro sa buhay kapag Sabado o Linggo.
Inprasktraktura at Aksyon na Huli Na:
Ang sirang kalsada, kawalan ng maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga ospital, at kawalan ng nakahandang ambulansya (dahil nagpa-change oil o walang driver) ay nagdulot ng napakaraming nasayang na orasโmga oras na sanaโy naging dahilan upang mabuhay pa ang bata.
"Ilan pa ang kailangang mamatay bago may magbago?"
Ang tanong na ito ng ina ay sumasalamin sa sigaw ng napakaraming Pilipinong nawalan ng mahal sa buhay dahil lamang sa kawalan ng mabilis at maayos na serbisyong pangkalusugan.
Hinding-hindi dapat tinitipid o ginagawang negosyo ang buhay ng tao. Ang ganitong mga kaganapan ay nangangailangan ng mabilis at seryosong imbestigasyon mula sa Department of Health (DOH) at sa lokal na pamahalaan ng Samar upang panagutin ang mga nagkulang at tiyaking hindi na ito muling mangyayari sa iba pang pamilya.
Nakikiramay ako nang buong puso sa pamilya ni Maโam Mariel Pedraza. Ang kanila sanang boses ay maging gising-tunog sa mga namamahala upang magkaroon ng tunay na reporma sa ating healthcare system.
Napakabigat sa dibdib at nakagagalit basahin ang kwento at trahedyang ito.
โ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก๐๐๐ซ๐ ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌโ
( Originally posted in Waray by Maโam Mariel Pedraza, and has been translated into Tagalog to ensure that it can be understood by a broader audience.)
๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐๐.
Anak, sabi ng lola mo, may sore throat at lagnat ka mula pa kagabi. Dinala ka namin sa ospital dahil napansin ng Tito mo na iba na ang kulay ng mga labi mo at nahihirapan ka nang huminga. Pagdating natin sa ospital, agad kang nilagyan ng oxygen, pero hindi nagtagal ay nag-seizure ka.
Humingi sila ng pahintulot sa akin kung papayag ba akong ma-intubate ka dahil hirap ka nang huminga. ๐ญ Sinabi ko, โOo, basta mailigtas ka.โ Hindi mahalaga ang gastos. Pipirmahan ko ang kahit anong papel, mailigtas ka lang, anak.
Na-intubate ka, pero doon na nagsimula ang kalbaryo. Bigla silang nag-panic at kinailangan kang i-CPR. Sinabi nilang kailangan kang ilipat sa Tacloban City dahil kailangan mo ng ICU. Wala kasing ICU sa Catbalogan. (Tacloban is 2.5 hours drive) Pero ang mas masakit, wala raw driver ang ambulansya! At humihingi pa sila ng โฑ15,000 para sa emergency transfer.
Naghanap kami ng tulong sa Sawang. Pinapunta ko ang mga kapatid ko para maghanap ng ambulansya. Sa City Hall naman, sinabi nilang nagpa-change oil pa ang ambulansya at alas-dose pa ito available. Isa lang ba ang ambulansya ninyo?
Lumapit kami sa Bureau of Fire Protection pero hindi raw sila puwedeng lumabas ng Catbalogan. Nagtanong din kami sa Samar Provincial Hospital, pero wala rin daw silang driver. Nasaan ang mga driver ninyo? Totoo bang wala, o ayaw lang ninyong bumiyahe?
Halos mabaliw na kami sa takot habang nakikita naming salitan ang mga nurses sa pag-CPR sa iyo anak. ๐ญ๐ญ Napakasakit. Kami pa mismo ang namroblema kung sino ang sasamang nurse sa ambulansya dahil wala raw available at lahat ay naka-duty. Hindi raw sila puwedeng magpa-refer. Isipin ninyo iyon, pati nurse na sasama sa biyahe, pamilya pa ang naghanap. Umiyak pa kami sa aming kapitbahay na nurse para lang may makasama ka.
Malapit nang alas-dose nang dumating ang driver at nakahanap pa sila ng isa pang nurse. Ilang oras ang nasayang? Ang mga oras na iyon sana ang maaaring nakapagligtas sa buhay ng anak ko.
Naisakay ka rin sa ambulansya. Pero dahil sa sobrang sira at lubak-lubak na mga kalsada ng Samar, natanggal ang tubo mo. Napilitan silang huminto sa Calbiga pero walang doctor. Huminto rin sila sa Pinabacdao, wala ring doktor. Sabado raw kasi. ๐ญ
Naalala ko ang lola ko, namatay noong 2023 dahil sarado raw ang blood bank dahil Sabado. Business days lang ba bukas ang blood bank?!
At ang pinakamasakit sa lahat, masyadong maliit ang tubo na inilagay sa iyo anak ko. Hindi iyon ang tamang sukat para sa isang 10 taong gulang na bata.
Nakarating ka sa Tacloban, pero idineklara kang dead on arrival. ๐ญ๐ญ Wala man lang ibinigay na malinaw na diagnosis ang ospital ng Samar.
Nagbayad kami ng โฑ15,000 para sa emergency transfer, humingi pa sila ng โฑ1,000 para sa gasolina at โฑ1,000 para sa driver. Wala pang cardiac monitor ang ambulansya. Nasaan ang inyong awa? Nasaan ang inyong konsensya? Negosyo na lang ba ang tingin ninyo sa buhay ng tao?
Napakaraming problemang hindi inaaksyunan, ang tubig sa Catbalogan, ang bulok na sistema ng mga ospital, ang mga sirang kalsada. Hanggang kailan na lang ba tayo mananahimik? Ilan pa ang kailangang mamatay bago may magbago? ๐ญ
Kung walang ICU, sana meron man lang mabilis at kumpletong ambulansya. Catbalogan lang ba ang ganito? Buong Samar? O buong Pilipinas?
-- statement of ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ซ๐๐ณ๐, Catbalogan, Samar.
๐ ๐ ๐ก๐จ๐ฉ๐ ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ซ๐๐๐๐ก ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฉ๐ซ๐ข๐๐ญ๐ ๐ ๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐ฐ๐ก๐จ ๐๐๐ง ๐ญ๐๐ค๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง.