09/05/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐๐๐๐ ๐จ๐ฆ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ !: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ - ๐ก๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ฝ๐ฎ!
Naihalal bilang bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika si Cardinal Robert Francis Prevost ng Estados Unidos, madaling araw ng Mayo 9 dito sa Pilipinas.
Matapos ang itim na usok sa naunang dalawang botohan ng mga kardinal, puting usok na ang lumabas sa tsiminea ng Sistine Chapel na indikasyon na may napili nang bagong Santo Papa ang 133 cardinal electors na bahagi ng conclave.
Ang 69-anyos na si Prevost ang ika-267 na Santo Papa at kauna-unahan na nagmula sa Estados Unidos. Siya rin ang kauna-unahang Agustinong Papa at ikalawang Santo Papa na mula sa Amerika.
Si Cardinal Prevost, o kilala ngayon bilang Papa Leo XIV, ay ipinanganak noong ika-14 ng Setyembre, taong 1955 sa Chicago, Illinois. Ang kaniyang pamilya ay may lahing French, Italian, at Spanish.
Pinili niya ang pangalang Leo bilang pagpupugay kay Papa Leo XIII na nakilala bilang tagapagtaguyod ng katarungang panlipunan, partikular ng mga mahihirap at manggagawa. Ang 'Rerum novarum' na isinulat ni Leo XIII ang itinuturing na pundasyon ng makabagong katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika.
Si Prevost ay nag-aral sa Minor Seminary of the Augustinian Fathers at nakakuha ng degree sa Mathematics sa Villanova University sa Pennsylvania noong 1977. Kumuha rin siya ng Pilosopiya sa nasabing pamantasan.
Siya ay nagtapos ng Teolohiya sa Catholic Theological Union sa Chicago. Sa edad na 27, siya ay nag-aral ng Canon Law sa Roma sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas (Angelicum).
Siya ay naordinahan bilang Agustinong Pari sa Roma noong ika-19 ng Hunyo taong 1982 at naging Prior Provincial ng Order of St. Augustine's Province of Our Mother of Good Counsel noong 1999. Noong 2001, siya ay nahalal bilang Prior General ng mga Agustino.
Naglingkod din si Cardinal Prevost bilang isang misyonero sa bansang Peru. Ginugol niya ang maraming taon sa nasabing bansa upang gampanan ang iba't ibang tungkulin. Noong 2014, itinalaga siya ni Papa Francisco bilang Obispo ng Dioseses ng Chiclayo sa Peru.
Noong 2023, bumalik si Prevost sa Roma matapos hirangin bilang Prefect ng Dicastery for Bishops, ang opisina ng Vatican na may pangunahing tungkulin upang kilatisin ang mga obispong itinatalaga ng Santo Papa.
Nang sumunod na taon, hinirang siya bilang isang cardinal. Siya ay naging kasa-kasama ni Papa Francisco sa mga Apostolic Journey nito at sa mga sesyon ng Synod of Bishops on Synodality.
Ang kanyang episcopal motto ay โIn Illo uno unum,โ mga katagang sinabi ni San Agustin na sa tagalog ay โBagama't marami tayong mga Kristiyano, sa iisang Kristo tayo ay iisa.โ
Nakikita siya ng marami bilang isang moderate liberal, balanse sa pagitan ng mga konserbatibo at progresibo. Siya ay progresibo patungkol sa mga isyu ng lipunan ngunit siya ay konserbatibo pagdating sa doktrina ng simbahan.
Sa isang panayam kay Prevost noong 2023 sa Vatican, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ebanghelisasyon upang matulungan ang simbahan na lumago,
"We are often preoccupied with teaching doctrine ... but we risk forgetting that our first task is to teach what it means to know Jesus Christ."
("Bagama't madalas nating inuuna ang pagtuturo ng doktrina, maaari nating makalimutan na ang pinakamahalagang tungkulin natin ay ituro kung paano makilala si HesuKristo.)
Ayon kay Rev. Mark Francis, matalik na kaibigan ni Prevost noong dekada '70, ang bagong Santo Papa ay isang taong palakaibigan, laging nakangiti, mahilig tumawa, at may malalim na malasakit sa mga mahihirap.
Para naman kay Jesus Leon Angeles, lider ng isang grupong Katoliko sa Chiclayo na nakakilala kay Prevost noong 2018, ang Santo Papa ay napakasimpleng tao na handang tumulong sa mga nangangailangan. Dagdag pa niya, si Prevost ay mayroong katangi-tanging kakayahan sa pamumuno ngunit hindi nakakalimot at handang makinig sa lahat.
Inaasahan ng mga tao na ipagpapatuloy ni Papa Leo XIV ang mga nasimulan ni Papa Francisco, lalo na ang adbokasiya sa pangangalaga ng kapaligiran, pagtulong sa mga nangangailangan, pag-angkop ng Simbahan sa modernong mundo, at higit sa lahat, ang pakikinig sa mga marginalized na grupo, partikular na ang mga LGBTQIA+.
โ๏ธ Miguel Palaroan
๐งโ๐ป Janvi Estrada