Anino ng Damdamin

Anino ng Damdamin Life story teller

03/08/2026

“Dun ka na sa MASAYA
kung sa'n ka MALAYA”
💔💔💔

Tama sila. Lason nga ang pag-ibig sa babaeng mataas ang pangarap.Sa babaeng may mabigat na responsibilidad, hindi lang s...
25/06/2026

Tama sila. Lason nga ang pag-ibig sa babaeng mataas ang pangarap.

Sa babaeng may mabigat na responsibilidad, hindi lang sa sarili kundi pati sa pamilya.
Sa babaeng butas ang bulsa at hindi kayang magbuhat pa ng ibang tao habang pilit niyang inaahon ang sarili.
Sa babaeng marami pang gustong marating at malayo pa ang lalakbayin.

Oo, lason ang pag-ibig.

Dahil ang pag ibig ay hindi dapat dagdag sa bigat na araw-araw mo nang pasan. Dapat magaan. Dapat payapa, para sa babaeng pagod na sa ingay ng sariling mundo.

Nakakatakot magmahal kapag alam mong hindi ka puwedeng magkamali. Kapag marami ka pang kailangang unahin bago ang sarili mong damdamin.

Pero minsan, maaari rin namang hindi maging lason ang pag-ibig.

Nagiging tinik lang ito kapag ang karelasyon mo ay walang direksyon habang ikaw ay pilit umaabante. Kapag hindi niya kayang intindihin na may mga laban kang kailangang tapusin bago mo kayang magpahinga. Kapag ang karelasyon mo ay hindi mo kakampi, kundi dagdag sa gulo at bigat na pilit mong binubuhat mag isa.

Dahil kapag ang kasama mo ay marunong ding mangarap para sa sarili niya, hindi nagiging pabigat ang pagmamahal. Kapag ang karelasyon mo ay hindi mo rin kalaban, kundi kasama mo sa laban. Yung marunong umalalay nang hindi ka hinihila pababa. Yung kayang sumabay sa takbo mo nang hindi ka pinipilit huminto.

Hindi yung pag ibig na inuubos ka, kundi yung pag-ibig na sabay kayong bumubuo ng mga pangarap na dati ay mag isa mo lang binubuhat.

Alam mo yung masakit?~ yung may trabaho ka pero wala kang pera 🥺
20/04/2026

Alam mo yung masakit?
~ yung may trabaho ka pero wala kang pera 🥺

Minsan, hindi sapat yung nararamdaman mo lang. Kahit gaano mo kamahal yung tao, darating ka sa point na kailangan mong m...
18/04/2026

Minsan, hindi sapat yung nararamdaman mo lang. Kahit gaano mo kamahal yung tao, darating ka sa point na kailangan mong magdesisyon hindi dahil gusto mo, kundi dahil yun ang tama.

Love isn’t always about holding on, sometimes it’s about choosing what’s right even when it hurts like hell.

Alam mo yung pakiramdam na gusto mong ipaglaban, gusto mong manatili. Ang hirap aminin na kahit mahal mo, kailangan mong bitawan. Hindi dahil naubos ang pagmamahal, kundi dahil mas pinipili mo na yung peace mo at kung ano ang makakabuti para sa inyong dalawa.

Making the right decision is never easy.
It will break you.
It will test you,
and it will make you question everything.

Pero minsan, yung tamang desisyon ay yung pinaka masakit kasi yun yung kailangan mong gawin kahit ayaw ng puso mo.

Hindi lahat ng love story meant mag-stay.
Some are meant to teach you,
to change you,
and to prepare you for something better.
And choosing to walk away doesn’t make your love any less real, it just means you’re brave enough to choose growth over comfort.

So if you’re in that moment right now, please… piliin mo kung ano ang tama. Kahit mahirap, kahit masakit, kahit parang hindi mo kakayanin. One day, you’ll thank yourself for choosing what you deserve, not just what you feel.

çtto:

Address

Commonwealth
Quezon City
1121

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anino ng Damdamin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share