
07/09/2025
Kung mahalaga ako, hindi ko kailangang kumatok o magmakaawa para makapasok sa buhay nila kusa nila akong papasukin. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kwento na hindi na ako bahagi. Natutunan kong mas masakit ang pilitin ang mga bagay na ayaw nang manatili, kaysa bitawan sila. Kaya ngayon, mas pipiliin ko ang katahimikan kaysa paulit-ulit na sugatan ang puso ko. Kung hindi nila makita ang halaga ko, yayakapin ko ang sarili ko hanggang matutunan kong muli kung gaano ako kahalaga. Mas gugustuhin ko munang mag-isa, hanggang sa dumating ang mga taong pipiliin ako nang walang pag-aalinlangan. At kapag dumating yun, magiging handa akong mahalin ulit pero sa ngayon, sapat na muna ang ako at ang kapayapaan ko.