Pinoy Stories
- Home
- Philippines
- Quezon City
- Pinoy Stories
Read online stories only here!
20/01/2016
--
Ilang araw ang lumipas. Ilang araw na finocus ko ang sarili ko sa practice. Ilang araw na tinatakasan ang mga kaibigan ko. Ilang araw na iniinda ang sakit nang mag-isa.
Mali. May kasama pala ako. Nand'yan ang co-artists ko. Nand'yan si Direk.
Nand'yan ang pangarap ko.
Pero kahit na nand'yan sila, hindi pa rin nababawasan ang pangungulila ko sa bestfriend ko. Sa mga kaibigan ko.
"Okay, lunch break, lunch break! 15 minutes lang." utos ni Direk. Finally. Paspasan na kasi ang practice namin, dahil bukas na ang competition. Mamaya nga ay ipe-perform namin sa stage ang buong k'wento.
Kinuha ko na ang pagkain sa bag ko. Ilang araw na akong gumigising ng mas maaga sa normal 'kong gising para lang makapagluto ng pagkain ko. Ayoko kasi silang makasabay kumain. Tsaka hangga't maaari hindi ako lumalabas ng club room. Laking pasasalamat ko pa nga dahil excuse lahat ng kasali.
"Oh, Lex. Dito ka ulit kakain?" tanong ni Kyle nang buksan ko ang tupperware . Tumango lang ako tsaka siya naupo sa tabi ko. Hindi na ako nagulat nang maglabas rin siya ng tupperware sa bag niya. Ilang araw niya na akong sinasabayan. Salamat nga sa kanya dahil sinasamahan niya ako, kahit papa'no hindi obvious na mag-isa na lang ako.
"Room date again, huh?" Nakangising tanong ni Sasha. Sabay na lang kaming natawa ni Kyle. Wala na sa aming epekto ang mga pang-aasar nila. Aware naman kasi akong si Viella ang mahal niya, 'yun nga lang pinipilit niya ang sarili niyang iwasan si Viella. Gusto niya raw kasing sanayin ang sarili niyang mabuhay nang wala siya, para kapag umalis na siya, masasaktan man siya, ay 'di na gano'n kalala.
'Di ko nga akalain na kinakaya niya 'yon dahil silang dalawa ang bida. Kapag eksena, sobrang lapit nila, kapag tapos na, aakalain mong nasa magkabilang mundo sila, 'di man lang nakikita ang presensya ng isa't isa. Kahit si Viella hindi ko na rin maintindihan, dati dikit siya ng dikit kay Kyle pero ngayon sinasabayan niya sa pag-iwas. Feeling ko tuloy may iba pang nangyari.
"Wala ka pa rin bang balak makipag-ayos sa kanila?" biglang tanong ni Kyle habang kumakain kami kaya saglit akong napahinto. Nagkibit-balikat na lang ako at ngumiti.
Gustung-gusto ko na silang makasama ulit. Pakiramdam ko kulang ang isang Lexi Anne Constantino kapag wala sila. Kaso ano'ng magagawa 'ko, hindi ko pa rin kaya, e. Masakit 'yung ginawa nila. Masyadong masakit to the point na hinahayaan ko lang ang sarili 'kong mas masaktan sa pangungulila sa kanila kahit na p'wede namang pansinin sila para ako sumaya.
"Patuloy mo pa rin ba siyang iiwasan kahit na hindi mo naman talaga kaya?" balik-tanong ko sa kanya. Ngiting mapait lang ang isinagot niya. Kung masama lang ako ay baka tinawanan ko na siya ngayon kasi nararanasan niya na 'yung nangyari sa'kin dati dahil sa kanya.
"Tubig oh, pinagdala na kita para 'di ka na bibili." Natawa na lang ako nang iabot ang mineral water. Ilang araw na rin kasi kaming tumatakbo lagi pababa para lang bumili ng tubig. Minsan pa nga akong muntik madapa kakamadali. Bawal kasing ma-late, at dalawang minuto na lang yata no'n bago magsimula.
Niligpit ko na ang pinagkainan ko't uminom ng tubig. May limang minuto pa.
"CR muna, ako." sabi ko kay Kyle na tapos na rin palang kumain.
"Samahan na kita." sabi niya. Nanlaki tuloy ang mata ko.
"Kung anu-ano na naman iniisip mo, sa labas lang ako."
"Okay."
Mabilis kaming naglakad pababa dahil sarado ang CR sa third floor. Hassle. Buti na lang talaga at may limang minuto pa. Thank, God.
"Naks! Lumalablayp si Miss President!" sigaw ng kung sino kaya sabay kaming napalingon ni Kyle sa pinanggalingan no'n.
PERO pinagsisisihan ko na lumingon pa ako. Bago pa man may tumulong luha ay nakita ko na lang ang sarili 'kong niyayakap ni Kyle. Hindi ko tuloy alam kung nago-overreact lang ba ako, o ano, e. Nakita ko lang naman kasing masayang magkahawak-kamay si Zac at Misha.
"Sshh. Tama na." Kumalas na si Kyle sa yakap at pinunasan ang mga luha 'ko. 'Di ko tuloy alam kung nahihirapan si Kyle dahil kada punas niya, may tumutulo na namang panibago. Pinilipit ko siyang pigilan ang luha ko pero walang epekto.
"Nakakatawa, 'no? Ang weird ko! Umiiyak dahil lang do'n? Ang babaw ko!" Para sig**o akong baliw na natatawa habang umiiyak.
"You're not."
"Anong hindi! Kasi naman, e. Ba't ba nagkakaganto ako? Ha-ha." Kahit anong pigil ko sa luha ko, patuloy pa rin. Nakakahiya na nga kasi ang dami nang nakakakita.
"Tara!" Bago pa 'ko makasagot ay nahila na ako ni Kyle. Sa paghila niya, naalala ko ulit si Zac. Mahilig manghila 'yon, e.
"Ba't tayo nandito?" Tanong ko kay Kyle na binubuksan ang gate sa gilid ng building. 'Wag mong sabihing...
"Trust me. You'll feel better after this." Bago pa 'ko makasagot ay nahatak na niya ako palabas. Wala nang oras para tumanggi pa. Ang alam ko lang, kailangan ko munang takasan ang lugar na 'to.
"Saan tayo pupunta?" 'Yung kaninang sakit parang biglang napawi. Langya! Ikaw ba naman ang tanungin kung saan pupunta, e siya ang nagdesisyong lumabas kami ng school. Sinong hindi matatawa. Wala sanang makakita sa'min, dahil kung hindi baka magka-record pa kami sa guidance. Mga pauso kasi nito, e!
Para kaming ewan na naglalakad na 'di alam ang pupuntahan. 'Di ko maintindihan kung ano ba talagang trip ng lalaking 'to, e. Miski kasi siya natatawa sa ginawa niya, sa sarili niya.
"Kain tayo!" suhestiyon niya.
Napanguso na lang ako, 'yung totoo... Kakakain lang namin, 'di ba? May lahi talagang baboy 'to, e.
"'Yang mga tingin mo, tigilan mo 'ko d'yan. Biik!" Awtomatikong umangat ang palad ko sa braso niya. Akala ko sasabihin niya, masakit, e. Si Zac kasi 'pag hinahampas ko, laging na-aray. Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala na naman siya, nag-flashback tuloy ulit sa isip ko 'yung nangyari kanina. Haaay.
"Balik na lang tayong school."
Napakunot-noo na lang ako. Sabi kakain, tapos hindi naman pala. Sayang effort!
"Kain muna tayo!" Aba, gusto ko pang kumain, e. At isa pa late na rin kami sa practice. Tiyak na mapapagalitan kami, kaya ba't 'di pa namin lubos-lubusin.
"'Wag na! Tara na!" sabi niya pagkatapos ay inihilamos ang kamay niya sa mukha ko. Kung 'di rin bastos, e.
"May naghihintay sa'yo. Kailangan na nating bumalik." malamig niyang sabi. Tila nagbago ang ihip ng hangin. Napatingin ako sa cellphone na hawak niya, pero agad rin niyang iniwas kaya hindi ko nabasa kung ano man ang nabasa niya. Ano naman kaya 'yon... Bakit gano'n na lang ang reaksyon niya?
"Matatapos na 'yung sakit. Malapit na." aniya ulit nang may tipid na ngiti.
ANO BA TALAGANG NANGYARI?
Kung kanina ako 'yung kino-comfort niya, ngayon parang ako naman yata ang dapat mag-comfort sa kanya. Gusto 'kong magtanong pero parang may nakapaskil na papel sa mukha niya't nakasulat ang DON'T YOU DARE ASK ANY QUESTIONS, kaya nanahimik na lang ako habang palihim na sumusulyap sa kanya.
Buti na lang at nakabukas pa rin yung side gate, dahil kung hindi, baka hindi na kami makapasok dahil malamang ire-report kami ng guard sa main gate. Eh kung tutuusan 'di namin kasalanan kung bakit kami nakalabas. Kung binabantayan rin sana nila 'yung side gate, 'di ba.
Palingon-lingon ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin pero 'yung kasama 'ko diresto lang ang tingin sa nilalakaran, akala mo nga wala siyang kasama, e.
"Una na ako." sabi niya nang makita namin si Misha.
"Ako nang bahala sa kanya. Salamat, Kyle." tipid na ngiti ang isinagot ni Kyle bago ako tinalikuran. Lalo tuloy akong naguluhan kung ano ba talagang nangyayari. Naiwan akong kasama si Misha. Lokong 'yon, iniwan talaga ako! Humanda siya mamaya.
"Tara na?" tanong niya nang 'di na namin natanaw si Kyle. Kahit hindi ko maintindihan ay naglakad na rin ako kasabay niya. Gusto kong magtanong pero feeling ko wala akong makukuhang sagot sa kanya kaya nanahimik na lang ako.
Tahimik lang rin siya pero ipinagtaka ko ang sinabi niya nang makarating na kami sa tapat ng Glee Club Room.
"Hindi ko intensyong sirain kayo, kaya heto, babawi ako." Ngiti niya lang ang huli 'kong nakita dahil mabilis akong napiringan ng kung sino man. Tatanggalin ko sana pero may biglang humawak sa magkabilang kamay ko.
"Trust me. 'Wag mo munang tanggalin, please." Masyado yata akong nadala sa lungkot ng boses ni Misha. Wala akong nagawa kun'di sundin na lang siya. May tiwala naman ako sa kanya. Maya-maya rin ay naramdaman ko na lang na may umaakay sa'kin. At tingin ko'y papasok sa room nila.
ANO BA TALAGA 'TO?
Gusto kong isigaw ang tanong na 'yon pero 'di ko ginawa dahil unti-unting nanlalamig ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako na 'di ko maintindihan. Wala naman sig**o silang gagawing masama sa akin, 'di ba? Shet lang.
"Upo ka." Parang asong sumunod lang ako sa nagsalita. Inalalayan pa rin nila 'ko hanggang sa makaupo.
ANO 'TO!
"Bago mo tanggalin 'yan, pakinggan mo muna ang sana ang sasabihin ko." Nakapiring o hindi. Nakikita o hindi. Malayo man o malapit. Kilalang-kilala 'ko ang boses na 'yon. Darn it!
Pinaplano niya bang ipahiya ako?
"Sorry kung nasaktan kita nitong mga nakaraang araw. Hindi naman 'yon ang ibig 'kong sabihin, e." So, magsosorry na lang kailangan gan'to pa? Pero aaminin ko, parang may nabunot na isang tinik sa puso ko nang marinig 'yon.
"Pakinggan mo sana 'to. Tanggalin mo na 'yan. Hehe." Bakas ang kaba sa boses niya. Kinakabahan ba siya dahil baka hindi ko siya patawarin? P'wes, nagkakamali siya. Hindi ko siya kayang tiisin. Feeling ko naiiyak na ako. Hindi ko na lang tatanggalin sig**o 'yung piring, 'no? Baka makita nilang maluha-luha na ako. Nakakahiya. Alam ko maraming tao sa bawat sulok ng k'wartong ito.
"Ako na nga." Hindi ko na napigilan nang may biglang humila ng panyo. Tumambad tuloy sa'kin si Zac na nakangiti't umiiling pa. Nakita niya yata 'yung luha sa mata 'ko. Napangiti rin yung iba sa paligid. Nakakahiya, shet! Ano ba 'to...
Pinandilatan ko ng mata si Zac senyales na ayoko na dito, pero ang loko hindi ako pinansin. Maya-maya'y may nag-abot sa kanya ng gitara. Don't tell me...
Bago pa 'ko makaangal ay nagsimula na siyang mag-strum. M-Marunong siya? Bakit 'di ko alam, 'to? Nakakatampo na talaga siya...
"Sabi mo gusto mo 'yung lalaking marunong mag-gitara, 'di ba?" sabi niya habang nakatingin sa'kin ng diretso. Seriously...
Nahihiya na talaga ako sa mga taong nakatingin. Pero ni hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko. 'Yung tipong may nagdidikta sa'yong manatili at saksihan ang susunod pang mangyayari...
"Sabi mo rin, gusto mo 'yung marunong kumanta..." sabi niya ulit kasabay ng matamis niyang ngiti. Darn it! Bakit lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko? May sakit ba 'ko?
"Nag-iisang pag-ibig," Kakasimula niya pa lang ay nagtilian na agad ang mga tao sa paligid. S**z! Lamunin ako ng lupa, ngayon na! Miski ako napanganga. 'Di ko akalaing marunong siyang kumanta. At 'di lang basta marunong, magaling pa. Ilang taon niyang tinago sa'kin, 'to. Yung totoo?
"ang nais makamit yun ay ikaw..." A-Ano? Nilingon ko si Misha, nginitian niya lang ako bago sinabing humarap ulit ako kay Zac. Shet lang, bakit pakiramdam ko may kakaiba sa ngiti niya.
"Nga pala, wala kaming relasyon." bulong ni Misha kaya lalo ako nakaramdam ng kaba. Pero aaminin 'ko, natutuwa ako sa bagay na 'yon. Ibig sabihin, na-misunderstand ko lang talaga? Ang tanga ko talaga.Haay.
"Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo,
San ka man sana'y maalala mo,
Kailan man asahan di mag kalayo"
Patuloy pa rin siya sa pagkanta at sa pag-strum ng gitara, pero 'yung tingin niya... ni hindi naalis sa'kin. Nakakailang tuloy. Kaso 'di ko magawang magawang iwas-tingin.
"Tanging ikaw lamang ang aking iibigin" Jusko! Kung 'di lang sig**o maingay dahil sa tilian baka narinig na nila kung gaano kalakas at kabilis ang tibok ng puso ko.
"Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik..." Natawa na lang ako nang bigla siyang mag-iwas ng tingin. Yung totoo? Haha!
"Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan,
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw " sambit niya't humarap na naman sa akin. Muli na naman siyang ngumiti. Heto na naman 'yung feeling na tila hinihipnotismo ng bawat ngiti at tingin niya.
Patuloy pa rin ang hiyawan habang patuloy pa rin sa pag-awit si Zac. Ayaw talaga magpaawat, eh.
"Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik " Kung kanina matino pa ako, ngayon hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit may tumutulong luha mula sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit sinasalubong ko pa rin ang bawat ngiti at tingin na binibigay niya sa akin. At 'di ko rin alam kung bakit sobrang saya, puro saya, 'yun lang ang nararamdaman ko ngayon.
At hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ko nang tapusin niya na ang kanta niya para mayakap ko na siya.
"Tanging ikaw lamang ang aking iibigin..." Nakakahiya pero hindi ko na nagawang pigilan ang sarili 'kong bumuhos ang luha. Halo-halong emosyon. Ni hindi ko na ma-identify, pero isa lang ang alam ko... masaya ako. Sobrang saya.
***
"Thank you, Lexi." sabi niya kaya napakalas ako sa yakap.
"Aray ko, ah. Nanghampas ka na naman." Na-miss ko 'to. 'Di ko maiwasang 'di mapangiti dahil na-miss ko talaga ang bestfriend ko.
"Ako kasi ang dapat magpasalamat, 'di ikaw." Nakangusong sabi ko. Ako naman talaga dapat, di ba? 'Di ko talaga akalaing gagawin niya 'to, para lang magkaayos kami. Ang swerte ko pa rin talaga sa kanya. Never pumalya ang effort niya mapangiti lang ako. Never pumalya ang presensya niya mapasaya lang ako.
"Mali ka." nakangiting sabi niya at pinitik ang noo ko. Lokong 'to. Brutal na talaga siya. Saklap, e.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Ako ang dapat magpasalamat kasi pinakinggan mo ako. Ako ang dapat magpasalamat kasi nagustuhan mo ang ginawa ko. Ako ang dapat magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko. Ako na yata ang pinaka thankful na lalaki dahil ang swerte ko sa'yo." litanya niya. Napangiti na lang ako.
Mali ka. Ako ang swerte, ako ang swerte kasi never kang umalis sa tabi ko. Kasi lagi ka pa ring nand'yan kahit na paulit-ulit 'kong binabalewala ang nararamdaman mo. Tama nga sig**o si Laine, tama nga ang sinabi niya kahapon na "Nagtatanga-tangahan ka lang. Alam mong mahal ka niya, pero pilit mong niloloko ang sarili mo't pinapaniwala dahil ayaw mo. Oo, naiintindihan 'kong si Kyle kasi ang gusto mo pero sana naman ngayon maintindihan mo na ring si Zac ang laman ng puso mo."
Muli 'kong niyakap si Zac.
ZAC, at hindi bestfriend, mas lalong hindi Parekoi. Dahil tingin ko, ayoko na ring maging bestfriend niya lang.
- END OF -
SONG: HILING
https://www.youtube.com/watch?v=mcF2BR_t3Wo
17/01/2016
BABALA: ( Este paalala pala ^^)
Ang mga susunod na kabanata ay hindi na dapat palampasin. XD
--
"Ate, kumusta kayo ni Kuya Kyle?" Nakakagulat na tanong ni Angelica. Kuya. Kailan pa sila naging close para tawagin niyang kuya. At kailan pa ulit siya naging maging mabait sa kanya, at kailan pa siya nagtanong sa'kin ng medyo magalang? 'di yata ako na-inform sa bagay na 'to.
Lumilipas ang mga araw, at mas lalo akong naguguluhan sa mga tao sa paligid ko.
"Don't get me wrong, Ate. Ayoko pa rin siya para sa'yo." Sabi niya at huminto sa paglalakad. Alam ko naman 'yon. Kaya nga hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sinabi niya dating 'wag akong aalis sa tabi niya.
"Ayos naman kami. Friends." Sagot ko at hinila na siya, dahil baka ma-late kami. Ang bagal kasi maglakad. Hindi ako sanay. At mahirap baguhin ang nakasanayan.
"Speaking of..." Napalingon naman ako sa tiningnan ni Angelica nang sabihin 'yon. At 'yon nga, nakita ko si Kyle, kasabay si Viella. So, okay na pala talaga sila? Sabi na, e. Yung sigawang narinig ko nung nakaraang araw, lilipas rin 'yon. Kasi kung mahal mo, 'di mo magagawang tiisin. Mag-away man kayo ngayon, bukas okay na. Kasi 'pag natiis mo siya, ibig sabihin nagsawa ka na.
Si Zac kaya... posible kayang nagsawa na siya sa'kin?
"Nga pala, ano 'yung dahilan kung bakit sinabi mong 'wag akong aalis sa tabi niya?" Curious kong tanong nang maalala ang pakiusap niya.
"Ah. 'Yun ba..." Bakas sa boses niya ang pag-aalangan na sabihin. Hindi ko na lang sig**o pipilitin, mukhang okay na rin naman siya ngayon, e. Kasama niya naman si Viella, so may magpapagaan ng loob niya kung may problema siya.
"Sige na nga. Sabihin ko na. Kasi ate ano, sabi ni Angel aalis na daw si Viella pabalik ng America kaya ayo'n nung nakaraang araw halos magbasag si Kuya Kyle ng mga vase sa bahay nila sa sobrang lungkot sa nalaman. Kaya naisip namin, bukod kay Viella, ikaw lang naman ang pwedeng makatulong sa kanya." Nakaramdam naman ako ng awa kay Kyle. Kaya pala umiyak siya sa'kin nung araw na 'yon. Kaya pala gusto niya 'kong makausap, sig**o gusto niyang samahan ko siya.
Hmm. Pero ayos na kaya siya ngayon?
Mukhang okay na naman kasi sila ni Viella, hindi na sig**o siya aalis. Okay na rin 'yon, para 'di masaktan si Kyle. Ayoko namang maranasan niya rin ang naranasan ko nang iwan niya ako. Hindi naman ako gano'n kasama para hilingin 'yon.
Pero sana talaga, ayos na siya.
Kasi kung hindi, baka hindi ko rin siya matulungan. Sarili ko nga hindi ko maintindihan, e.
"Ate, mahal mo pa ba siya?" Tanong ni Angelica na nakapagpahinto sa akin. Mahal ko pa ba? Hindi ko alam e, hindi ko pa maisip ang bagay na 'yon. Hindi ko maisip ngayon. May mga panahong nasasaktan ako 'pag nakikita sila, may mga panahong parang wala lang.
"Eh, si Kuya Zac?" Nagulat ako sa tanong niya pero agad ring nalungkot. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang tanong niya.
Hindi ko pa rin kasi maintindihan. Ang gulo niya, kasasabi niya lang na ayaw niya pero patuloy siya sa pangungulit. Sumasakit tuloy ang ulo ko.
Paakyat na sana kami papunta sa kanya-kanyang room namin nang hilahin ako ni Angelica papunta sa kung saan. Napahinto kaming pareho sa tapat ng bulletin board.
"Naka-post na raw 'yung resulta ng audition niyo, e. Yieeh. Excited na akong malamang ikaw ang lead actress." Napailing na lang ako sinabi niya. She expects me to get the role, huh? Mukhang mabibigo siya.
Agad ko kasing nakita ang pangalan ng nakakuha ng lead role.
DRAMA CLUB- AUDITION RESULTS
Lead Actor:
Del Castillo, Kyle Tristan R.
Lead Actress:
Paz, Viella Ameenah A.
"Siya pala." sabi ko na lang.
"Paanong siya ang nakuha? Hindi naman siya nag-audition, e! Unfair 'to, unfair!" Pagmamaktol ng pinsan ko at tinalikuran ang bulletin board. Mas disppointed pa yata siya kaysa sa'kin. Loka-loka lang talaga!
Tatalikod na rin sana ako nang bigla kong makita ang nakasulat sa supporting roles.
Supporting Actor:
Lopez, Gino A.
Supporting Actress:
Constantino, Lexi Anne B.
Literal na nanlaki talaga ang mata 'ko. Natanggap ako? I mean, paanong... Lead role ako nag-audition, 'di ba? Pero...
"Omg, Ate! Kasali ka pa rin!" Tuwang-tuwa at nakuha pang pumalakpak ni Angelica. Feeling ko tuloy sinasaniban siya. Ano kayang nakain nito at naging gan'to, well, okay na rin sig**o kaysa naman sinusungitan niya ako.
"'Di ka ba masaya?" Nagsisi ako kung bakit pinuna ko pa 'yong kilos niya. Langya, ito na naman 'yung kilay niyang napakataas, at mata niyang nanlilisik na naman.
"'Di ka talaga marunong mag-appreciate." Bago pa man ako makasagot ay nakaalis na siya, ang hirap talaga intindihin ng babaeng 'yon. Kanina masaya, tapos nagalit, tapos ngayon nagtampo? 'Yung totoo, pinagtitripan niya ba 'ko?
"Oh hi, supporting actress. Pinapatawag tayo ni Celix." 'Di ko pa man nililingon ay kilala ko na kung sino ang nagsalita. Mula sa lengwahe hanggang sa tono ng boses niya.
"Okay, Viella. Susunod na lang ako. Pakisabi."
"Whatever. Bilisan mo na lang." sabi niya at saka naglakad na paakyat sa hagdan. 'Di ko napansing kasama niya pala si Kyle, ngitian niya ako kaya nginitian ko na rin lang siya. Mali naman sig**ong singhalan ko siya at sabihing naiinis akong magkasama sila. Wala naman akong karapatan at hindi rin naman gano'n 'yung na-feel ko nang makita silang magkasama. Na-weirdohan tuloy ako sa sarili ko, unexpected reaction. Hmm. Sig**o epekto rin 'to nang nalaman ko, na mas gusto ko na lang na makita silang magkasama kaysa malaman na nasasaktan si Kyle dahil wala si Viella.
"Congratulations, Lex!" bati ni Celix nang makapasok ako sa Club Room. As expected babatiin niya ako, pero bakit feeling ko, disappointed siya? Nginitian ko lang siya bilang pasasalamat pero feeling 'ko naiilang siya at kating-kati magsalita.
"'Wag ka sanang magalit ah, hindi naman ako ang nagdecide kung sino ang mapupunta sa lead role, e." Pagpapaliwanag niya. Medyo natawa na lang ako dahil sa itsura niya. Nginitian ko na lang ulit siya, at naintindihan niya namang ayos lang sa akin 'yon.
Natigilan kaming pareho nang pumasok sina Kyle at Viella, nagkatinginan pa nga kami. Naupo na silang dalawa at sumunod na rin kami ni Celix. Tahimik lang ang club room dahil kaming apat pa lang ang nandito. Walang nagsasalita. Kalmado lahat. Maliban kay Viella na tila naiirita na dahil late ang ibang cast. Well, hindi nila kasalanan 'to, hindi naman kasi sinabing may meeting ng gan'to kaaga.
"We're here!" sigaw ni Alyssa at saka sinenyasan ang mga kasama niya para pumasok na. Isa-isa 'kong tiningnan ang mga dumating, karamihan galing sa drama club at iilan lang ang naligaw na hindi myembro. Sig**o ay nasa 25 kami ngayong nasa loob ng club room.
Pagkaupo nilang lahat ay nag-umpisa na ring magsalita si Celix at sinabing magkakaroon agad ng practice pagkatapos ng klase. Darating din daw ang direktor na magha-handle sa'min, kaya walang dapat ma-late dahil ayaw no'n ng hindi marunong sumunod sa patakaran.
Kaya naman expected na naming 'di magiging madali ang practice dahil doon pa lang ay malalaman mo na kung gaano ka-strikto ang direktor.
Pagkatapos nang meeting ay agad akong umakyat papuntang room. Magulo't maingay ang inabutan ko, kabaliktaran sa gusto ko. Gusto ko sanang mag-relax dahil feeling ko stress ako nitong mga nakaraang araw. Napabuntong-hininga na lang ako bago naupo sa p'westo ko. Ni wala pa nga 'atang nakapansin sa pagpasok ko. Busy na naman sila sa kani-kanilang mundo, at ako, ito na naman mananahimik dahil wala akong t'yaga makipagsabayan sa kanila.
"Lex, oh!" Kasabay nang boses na 'yon ay nakita ko na lang ang isang burger na nasa desk ko.
"UY, honey, tara na! Mamaya ka na makipagdaldalan d'yan."
Hindi na 'ko nakapagsalita dahil wala nang Zac sa harapan ko, nakaalis na... kasama si Misha. Nakaramdam na naman ako ng inis sa nangyari, parang gusto ko siyang tawagin at sabihing tabihan niya ako at k'wentuhan niya, kaso hindi ko magawa. Ayoko naman kasing nag-uutos, at isa pa ang Zac na kilala ko, may kusa. Laging nand'yan kapag mag-isa ako. Mali pala. Kasi lagi siyang nand'yan kaya hindi ko naranasan ang pag-iisa.
"Kailangan mo na yatang umamin." Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Laine na nakangiti.
"Ano na namang pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong ko. Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago muling nagsalita.
"Sige, kung ayaw mo, maglaro na lang tayo. Isang tanong, isang sagot." Ito na naman siya. Kapag may gusto siyang malaman, dinadaan niya sa laro. Tumango na lang ako bilang sagot kahit na naguguluhan pa rin sa kung ano bang gusto niyang malaman.
Nginisian niya ako bago pinaalala muli ang number 1 rule ng laro niya. "Bawal magsinungaling."
"Si Zac ba ang dahilan?"
"Yes." Nasabi ko na rin sa kanya 'to kahapon, bakit kailangan pang ulitin, haay.
"Ano'ng naramdaman mo nang sabihin niya ayaw ka na niya maging parekoi?" Nasa hotseat na naman ba ako?
Kahit na ayoko ay sinagot ko pa rin ng buong katotohanan. "Nasaktan."
Napakunot-noo na lang ako nang ngumiti siya matapos akong sumagot. Don't tell me nahawa na siya kay Zac kaya natutuwa rin siyang malaman na nasasaktan ako?
"Mahal mo pa ba si Kyle?" Si Zac ang topic, 'di ba? Pa'no napunta kay Kyle? Pinagti-trip-an niya na naman yata ako. Hmp.
"Ewan ko." Walang bakas ng gulat at tila expected niya na ang isasagot ko.
"Okay. 'Yun lang ang tanong ko." Napanguso na lang ako. Akala ko naman may kasunod pa.
"Zac, tara dito! Laro tayo!" Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa narinig ko. Langya! Ano bang plano ni Laine?
"Wait, wait! What game is that? Sali us!" sigaw ni Louise, at nakita ko na lang na kasunod na sila ni Zac na papalapit sa p'westo namin ni Laine.
"Magiging masaya 'to. For now, Zac's turn muna, right Laine?" tumango lang rin si Laine sa sinabi ni Louise.
Naupo na rin sina Vince at Rai sa gilid namin, tila interesado sa pauso si Laine. Tss.
"Ayaw mo na bang maging parekoi si Lex?" Si Zac ang tinatanong pero sa'kin nakatingin? Pinagti-tripan talaga ko nito, e.
"Oo. Ayoko na." Direstahan niyang sagot. Tumingin pa siya sa'kin ng diretso kaya mas lalo kong nakumpirma. Sigurado at totoo. Sana ay hindi ko na lang siya nilingon, mas lalo akong nasaktan dahil sinabi niya 'yon sa harap ng mga kaibigan namin. At nakangiti pa siya. Proud pa siyang sabihin? Proud pa siyang saktan ako?
"Can't believe nagiging honest ka na sa kanya. Finally." side comment ni Louise.
So, alam na nila? Matagal na nilang alam? At hinayaan lang nilang akalain kong bestfriend pa rin ako ng bestfriend ko?
'DI ko na kaya ang naririnig ko kaya tumayo ako. Pero agad rin akong pinigilan ni Zac at pinaupo. So, gusto niya pang saktan ako, ha? Harap-harapan?
"Shet Lex, ano'ng nangyari? Ba't ka naiiyak? May masakit ba sa'yo?" 'Di ko namalayan ay nangingilid na pala ang luha ko kung hindi lang napansin ni Zac.
"At may gana ka pa palang itanong 'yan, ha? Sig**o naman sobrang saya niyo na kasi naipahiya niyo na 'ko. Okay na ba, sapat na ba 'yon? O kulang pa?" Walang sumagot. Tahimik lang sila pero alam 'kong nagulat sila sa nasabi ko.
Bago pa man tuluyang bumuhos ang luha ko ay tumakbo na 'ko palabas. Sobrang tanga ko na kung ipapahiya ko pa mismo ang sarili ko sa kanila. Sobrang tanga ko na kung mananahimik pa 'ko do'n habang unti-unti ng nadudurog ang puso ko.
Inayawan ng bestfriend mo. Pinagkaisahan ng mga kaibigan mo. Ang swerte mo naman yata, Lexi.
--
A/N: Sino dito gustong batukan si Lexi? Taas ang kamay! Hahahaha.
16/01/2016
Hoho. Balik na tayo sa POV ni Lexi ;P Enjoy! :)
--
LEXI ANNE
FROM Kyle Tristan :)
Okay ka na ba?
Ilang minuto pa rin akong nakatitig sa message niya. Blangko ang pag-iisip. Hindi malaman kung ano'ng isasagot. Kung sasabihin bang okay lang ako para hindi na siya mag-alala o sasabihing hindi para mag-effort ulit siyang pagaanin ang loob ko.
Okay na po ako :) Thank you.
Send!
May girlfriend nga pala siya. Ha-ha. Lagi ko na lang kasing nakakalimutan. Paano ba namang hindi, e kung umasta siya sa'kin akala mo walang Viella sa buhay niya.
Pero hindi... assumera lang sig**o talaga ako. Gaya ng sabi niya dati...
"Assumera ka kasi." Sa totoo lang status niya 'yan sa facebook. Ang sakit marinig sa kanya 'yon, kahit na hindi niya kasi sabihin kung sino ang tinutukoy niya, alam ko na ako 'yon. Ako lang naman kasi ang babaeng malapit sa kanya dati. Ako lang naman kasi laging laman ng status niya, dati.
Ilang minuto ang lumipas at wala na 'kong na-receive na text na mula sa kanya. Sig**o busy na siya kausap si Viella. Sino nga ba naman ako para paglaanan niya ng oras, 'di ba?
***
"Good Morning, Lexi." Napakunot na lang ako ng noo sa sinabi ni Zac. Puno ng pagtataka sa pagbati niya. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Galit siya. Inis siya sa akin. 'Yon ang ibig sabihin noon, pero bakit siya nakangiti? Is he being sarcastic? Pero bakit naman halos maningkit na mata niya sa sobrang pag-ngiti. Minsan talaga napapailing na lang ako sa lalaking 'to, e. Hindi ko na rin siya maintindihan, dati, minsan lang, pero ngayon... madalas na.
Come to think of it... Hmm. Nagsimula siyang maging weird nung nagsimula na lagi na silang magkasama ni Misha, e. Baka nga. Sig**o siya nga ang dahilan.
Hmm. Ah alam ko na, sig**o kasi bawal niya na kong tawaging gano'n dahil kay Misha, naalala ko dati na inamin sa'kin ni Misha na naiinggit siya dahil may endearment daw kami ni Zac. I see, kaya nga sig**o gano'n.
Natigilan ako sa pag-iisip nang pitikin niya ako sa noo. Nagiging brutal na talaga siya, naku po. Epekto rin ba 'to ni Misha? Hmm. Parang hindi naman yata maganda. Naisip ko tuloy, hahayaan ko pa ba siya kay Mish? Baka kasi lumala pa, e.
"Loko. 'Di ako galit sa'yo." May lahi na rin yatang mind reader ito? Pa'no niya nalamang 'yun 'yong dahilan ng reaksyon ko? Wenks. Epektoulit ni Misha, 'to? Imba naman pala si Misha, e. 'Di ko tuloy malaman kung good thing nga ba si Misha sa kanya. Tsk tsk. Ako 'yung kinakabahan para sa bestfriend ko, e.
"Ano pala?" Nakangusong tanong ko. Ayaw niya na bang tawagin akong Parekoi? Ayaw niya na ba 'kong maging best friend? Nagkaka-gap na ba talaga kami, dahil kay Misha? Parang ang unfair naman yata, pero ano'ng magagawa ko, girlfriend 'yon, kaibigan lang ako. Shet naman, oh. Bakit hindi ko naisip na darating 'yung panahon na mangyayari 'to? Ang bigat tuloy sa puso.
"Bakit ka nalungkot? Hindi ba p'wedeng ayaw na kasi kitang tawaging Parekoi?" Natatawang sabi niya kay ibinaling ko na lang ang paningin sa kabilang direksyon.
So, 'yon nga ang dahilan? Bakit naman gano'n? Itatapon niya na ba pinagsamahan namin para kay Misha?
Ang sakit naman marinig no'n.
Nilingon ko ulit siya na nakangiti ng todo, natutuwa pa yata siyang balewalain na lang 'yung pagkakaibigan namin.
Napabuntong hininga na lang ako bago pumunta sa upuan ko at pinagmasdan ang mga dahong masayang sumasayaw sa hangin labas ng bintana. Ang unfair talaga!
"Huy, bakit? May nasabi ba 'ko?" Napatitig na lang ako sa Zac na nasa harapan ko. Sasanayin ko na lang rin sig**o ang sarili 'kong tawagin siyang Zac.
"Wala."
"Weh? Eh, bakit ka gan'yan?"
"Ayaw na kasi sa'kin ng parekoi ko, kilala mo ba 'yon? Ang unfair niya, 'no?" Walang ganang sabi ko habang nakaharap pa rin sa puno sa labas.
"Ayaw agad? Hindi ba pwedeng ayoko na kasing maging parekoi mo?" Sabi niya at pumunta sa tapat ng bintana para harangan ang tinitingnan ko.
"Kita mo na!" Sabi ko at saka siya humalakhak. Napakamot na lang ako ng ulo sa isip ko. Pagtawanan daw ba ako? Napakabait naman pala ni Zac Ethan Presscott. Hmp.
Dumating na 'yung adviser namin kaya hindi na nasundan pa 'yong pag-uusap namin. Mabuti na rin 'yon, baka kasi 'di ko mapigilan ang sarili 'kong isigaw sa kanya 'yung hinanakit na nararamdaman ko. Haay!
Sa kalagitnaan ng klase 'di ko maiwasang mapalingon sa mga kaklase 'kong kabadong-kabado dahil nag-uumpisa nang magtawag ng pangalan 'yung teacher namin. Graded recitation. Kinatatakutan ng lahat ng estudyante. Kabilang na ako doon. Pero hindi sa panahon ngayon.
Lahat sila nag-iiwas ng tingin para lang hindi matawag. Haay. 'Di ba nila alam na kapag iniiwasan ang isang bagay, lalo silang nahahalata? Pero 'di ko rin sila masisisi, minsan kasi umaasa pa rin tayong sa pag-iwas natin, makakatakas tayo.
Matakasan ko kaya rin kaya 'yung mga kabiguang nararamdaman ko?
Malamang hindi. Ang ibang tao magagawang mong lokohin, pero ang sarili mo, puputi muna ang uwak bago mangyari 'yon.
Nawala ako sa isipin nang biglang tumunog ang bell. Lunch break na. Ang pinaka-paborito ng lahat ng estudyante. Tulad ko.
"Guys, may baon kayo?" tanong ni Vince na pilit kinukuha ang atensyon nung dalawang busy maglandian. As usual, wala na namang pakialam sa mundo. Umiling lang kami nina Laine sa tanong ni Vince at bumaba na papuntang canteen, iniwan 'yong dalawang may sariling mundo.
"Ano'ng kakainin natin, guys?" Aktibong tanong ni Zac. Tila nakainom ng isang litrong energy drink sa sobrang taas. Sabay kaming napangiwi ni Laine, bahagya pa 'kong natawa dahil sa pareho naming reaksyon. Ngayon alam ko na talaga kung bakit ko naging kaibigan 'to.
"Ang sama niyo naman sa'kin, ayaw niyo ba akong maging masaya, ha?" Tiningnan lang siya ni Laine at Vince nang may pagtataka.
Masaya. Naalala ko na naman 'yung kanina. Paano niya naatim na maging masaya nang may nasaktan siyang iba? Bigla ko na naman tuloy naramdaman 'yung feeling na iwanan. Wow, just wow. Wala na ba talagang permanente sa mundo? At kahit pagkakaibigan nagwawakas na? Expectations truly hurts the most. I thought friendship lasts forever, but it is not.
"Deep thoughts? Kain muna tayo. K'wento mo mamaya." Bulong ni Laine at saka ako hinila palapit sa mesa na pupwestuhan namin. Wala gana akong naupo kaya napailing na lang si Laine sa inasta. Alam kong naiinis siya sa inaasal ko, ayaw niya kasing nagkakaganito ako.
Naupo na kaming apat at naghintayan kung sino unang o-order at kung sino'ng maiiwan para bantayan ang pwesto.
"Ano'ng gusto mo, Lex? Libre ko." Imbis na matuwa dahil ililibre niya ako dahil minsang lang mangyari 'yon, ay nanlumo ako. For the second time this day, tinawag niya na naman ako sa pangalan ko. Bakit niya ba ginagawa sa'kin, 'to?
"Siomai na lang ibili mo d'yan. Stress yata, e. Dagdagdan mo na rin ng rice, kailangan niya 'yon." Sabi ni Laine at lumipat sa upuan sa tabi ko, kanina kasi katapat ko siya habang si Zac, 'yung katabi ko.
"Elle, ba't ka lumipat?"
"'Wala ka na do'n, Bry! Samahan mo na lang do'n si Zac, order mo na rin ako."
'Di na nakakontra pa si Vince sa babaeng 'to, pakiramdam ko tuloy kawawa ako ngayon dahil naiwan kaming dalawa dito. Ako, na walang ganang nakatingin sa kung saan at si Laine na alam 'kong matalim ang tingin sa akin ngayon at naghahanap ng kasagutan.
No choice na tuloy ako kun'di magsalita. "Kapag ba bigla kang inayawan ng kaibigan mo, ano'ng mararamdaman mo?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kawalan.
"Sa'n ka na naman ba nangalakal at nakakuha ka ng ganyan klase ng tanong?" Hindi ko man siya nakitang sinasabi 'yan, alam 'kong nakangiwi siya at naiinis sa drama ng tanong ko. Hindi na lang ako sumagot, wala akong ganang sabayan siya, o barahin man lang siya.
"Okay, fine. Kung sa akin nangyari 'yon? Sig**o sa una malulungkot ko, pero saglit lang. Have you heard the line nothing stays the same? Everything's bound to change, kaya tatanggapin ko na lang." sagot kaya napalingon ako sa kanya. Paano niya nasabi ang bagay na 'yon? Am I seeing another side of Laine? Or sadyang hindi ko pa rin siya lubusang kilala gaya ni Zac? Balak niya rin ba akong iwan?
"Wala akong balak iwan o kalimutan ang pagkakaibigan natin, kaya 'wag mo 'kong tingnan ng ganyan." sabi niya na pinipilit akong paniwalaan siya.
May gusto pa akong itanong pero hindi ko na nagawa dahil dumating na rin sina Vince, dala ang pagkain namin.
"Thank you." sabi ko nang matanggap na ang binili sa'kin ni Zac. Napansin 'kong napatigil si Laine sa pagkain, tiningnan ko lang siya pabalik at tiningnan niya lang ako ng may pagtataka. Batid kong naiintindihan niya na kung sino ang tinutukoy ko kanina nang lingunin niya rin si Zac na nagkibit-balikat lang. Okupado man ang pag-iisip ay napapansin ko pa rin ang nangyayari kaya hindi nakakatakas sa'kin ang nangyayari sa paligid ko. Ang pangungulit ni Vince at pagkairita ni Laine. Ang pagtitinginan ni Laine at Zac pati na rin ang pagsulyap ni Zac na nakangiti pa. Masaya pa siya sa nangyayari sa'kin, ha?
Natapos akong kumain ay nanatili parin ang pagiging tahimik ko. Nakikitang 'kong nagtataka na rin si Vince sa'kin kaya naman pinilit 'kong ngitian siya nang muli niya akong tingnan.
"Si Misha nga pala, Zac?" pambabasag ni Vince sa katahimikan.
Misha na naman. Siya na naman.
Pero kahit na ayokong marinig ang pangalang 'yon, nilingon ko pa rin si Zac para malaman ang reaksyon niya. Kibit-balikat lang ang isinagot niya kaya hindi na rin nadugtungan ni Vince ng isa pang tanong. Alam 'kong sinusubukan niyang pasiglahin ang matamlay na atmosperang bumabalot sa'min. Si Vince 'yan, e. Kahit na mas tahimik pa siya sa akin, 'di siya pumapalyang sumubok na pasayahin kami kapag may problema.
"Ano bang problema, Lex? May sakit ka ba?" For the third time. Sanay na talaga siyang tawagin ako sa pangalan ko lang. Umiling lang ako't ngumiti bago inaya silang umakyat na dahil malapit na rin namang magsimula ang susunod naming klase.
Maraming minuto ang lumipas at wala pa rin ang g**o namin sa Araling Panlipunan. Nakaramdam ako ng pagkabagot kaya kinuha ko na lang diary ko, ngayon ko na lang sig**o isusulat ang entry ko para sa araw na 'to.
Everything bound to change? Nothing stays the same? Totoo ba talaga, 'to? Sig**o sa iba oo, kasi kung talagang mahalaga sa iyo ang isang bagay hindi mo naman hahayaang mangyari 'yon. Hindi naman magbabago kung gugustuhin mo. Life is a matter of choice.
Napatigil ako sa pagsusulat ng may mapansing aninong papalapit sa'kin. Bago ko pa naman maisara ang notebook ko ay nasa harap ko na si Zac. Puno ng pagtataka. May lungkot sa mata.
Malungkot ba siya dahil hindi siya pinapansin ni Misha? Kaya ba nandito siya sa harap ko ngayon para mapunan ang pagkukulang ngayon ng girlfriend niya? O para pagselosin lang siya?
Nilingon ko tuloy si Misha. Busy sa pakikipagkwentuhan. Tila walang pakialam kung nandito ngayon sa harap ko ang boyfriend niya.
"Kung balak mo siyang pagselosin, sorry hindi yata effective. Hanap ka na lang ng ibang gagamitin." sabi ko at saka tumayo palabas ng classroom. Susunduin ko na lang ang lecturer namin, baka kasi nakalimutan niya lang na naman na may klase siya sa'min ngayon.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ng room ay may humawak na sa braso ko.
"Si Zac na. Mag-usap tayo."
Bago pa man ako makatanggi ay kinaladkad na ako ni Laine pabalik sa loob ng classroom at pinaupo sa kadulu-duluhan. Binaliktad niya rin yung upuan sa harap na row para magkatapat kami. Face to face. Pakiramdam ko tuloy nasa kawali ako. At anytime, gigisahin na ng babaeng gutom na gutom sa impormasyong itinatago ko.
Kahit ako naguguluhan sa mga inaakto ko. Sa nararamdaman ko. Kaya naman 'di ko alam kung dapat ko na bang i-kwento. Pakiramdam ko kasi mas okay na palipasin ko muna ng kaunti, paglahuin muna 'yung tampo ko sa bestfriend ko.
"Ano'ng nangyari sa inyo ni Zac?" Tingin ko'y sa pagkainip ay siya na ang unang nagsalita.
Bago pa man tuluyang masunog ako sa mga tingin ni Laine ay dumating na ang lecturer namin. Lihim akong natuwa dahil mauudlot ang pagkukwento ko na agad rin namang napawi nang magpaalam ang lecturer naming may inaasikaso daw siyang importante kaya hindi muna siya magka-klase.
Naman, ay! Mas importante pa ba 'yon sa pagtuturo niya? Gusto ko sanang isigaw pero nakakahiya naman, kaya no choice akong hinarap ulit si Laine na nakataas ang kilay sa akin, humugot pa ako ng buntong hininga bago nagpasyang magsalita.
"Ayaw niya na sa'kin." sabi ko bilang sagot sa tanong niya kanina.
"Then?" Gusto talaga kompletong impormasyon, eh 'no?
"'Yon nga, hindi na niya tinatawag na parekoi. Ayaw niya na sa'kin." Pagpapaliwanag ko, pilit na kinukuha ang simpatya niya.
"Pa'no mo naman nasabi?" 'Yung totoo, kakasabi ko lang, e!
"Ayaw niya na nga akong tawaging parekoi." Muli na naman niya akong tinaasan ng kilay at tinitigan. Tila binabasa ang kaloob-looban ng utak ko.
"Dahil lang do'n? Parang ang babaw naman yata." Hindi ko alam kung sinasadya niya o ako lang talaga 'tong naaasar sa mga sinasabi niya.
"Eh kasi nga po 'di ba po, bestfriend ko po siya po at mali naman yata pong itapon niya na lang po ang pinagsamahan namin po."
"Nakukuha ko naman ang ipinupunto mo. Ang 'di ko maintidihan ay kung bakit ganyan reaksyon mo. Naiintindihan mo ba talaga ang ibig niyang sabihin sa ayaw ka na niyang tawaging parekoi?" Sabi niya na humawak pa sa noo niya't minasahe ito. Napakunot noo na lang ako. Ang gulo kausap!
"Oo. Ibig sabihin ayaw na niya sa'kin."
Bahagya siyang napangisi kaya lalo tuloy akong naguluhan. May nasabi ba 'kong ikakangisi niya? Aish!
"Okay, sige na. Sabihin na nating ayaw na nga niya sa'yo. So, ano nang plano mo?" Tanong niya habang nakangiti. Kung nasa mood lang ako nabatukan ko na 'to.
"Wala. Wala naman akong magagawa, eh. Alam ko namang para kay Misha kaya ayaw niya na. Girlfriend siya, kaibigan lang ako. Kaya ano'ng magagawa ko, 'di ba?"
"Girlfriend, eh? Si Mish-baby?" Biglang singit ni Louise. Napakunot tuloy ako. Mish-baby? So, close sila.
"Alam mo, dapat sig**o isipin mo nang mabuti kung bakit gan'yan naramdaman mo."
"Tama, we'll give you time. Basta sabihin mo sa'min agad kapag nalaman mo na ang sagot. Mahirap na, baka mahuli ka pa." Napakamot na lang ako sa ulo. Naguguluhan sa sinabi nila.
"Girlfriend pala, e." sabi ni Laine at saka sila umalis ni Louise na tumatawa.
Pinagtatawanan nila 'yung feelings ko? Ha? Ano?
Address
Online Stories St
Quezon City
Website
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Category
Listing takedown request
Tell us why this listing should be removed. Our team will review your request.