Kapamilya Knights

Kapamilya Knights ABS-CBN K-Knights establishes itself as one of the leading Kapamilya pages disseminating unb ABS-CBN K-Knights, Kapamilya!
(214)

We're also on Twitter and Instagram !

01/10/2025
01/10/2025
26/09/2025

Our Philippine Musical Icons are BACK on ! ๐ŸŽญ

Handa na bang harapin ng ating 8 celebrity performers ang ating jury?

โญ๏ธ The Megastar โ€“ Ms. Sharon Cuneta
โญ๏ธ Mr. Pure Energy โ€“ Mr. Gary Valenciano
โญ๏ธ The Chief of OPM โ€“ Mr. Ogie Alcasid

Muli natin silang makakasama sa pag-transform ng ating weekends sa Your Face Sounds Familiar โ€” brand new season this October 4 & 5! โค๏ธ๐Ÿงก

21/09/2025

VICE GANDA, MAY PANAWAGAN KAY BBM

Sa gitna ng "Trillion Peso March" na ginanap sa People Power Monument sa EDSA nitong Linggo, Setyembre 21, may panawagan si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa nakaupong lider ng bansa na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa gitna ng lumalalang isyu ng katiwalian at ghost projects.

"Kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo lahat ng magnanakaw! Nakatingin kami sa'yo, 'Pangulong' Bongbong Marcos, at inaasahan ka namin, hindi dahil sa idol ka namin, kundi dahil sinuswelduhan ka namin at inaasahan namin na tutuparin mo ang inuutos naming mga employer mo!" ani Meme Vice sa harap ng makapal na kumpol ng tao na dumalo sa naturang anti-corruption rally.

Isa rin kasi ang award-winning host-actor-comedian sa mga nangungunang taxpayer sa bansa, kaya naman hindi natin masisisi ang kanyang naramdamang galit dahil lang napupunta ang ang mga ibinabayad nilang buwis sa bulsa ng ilang kawatan sa gobyerno sa halip na gamitin nang maayos sa mga mas kapaki-pakinabang na mga proyekto.

20/09/2025

SARAH G.: "PINAPAIKOT-IKOT LANG TAYO, TAMA NA!"

Isa sa mga nagtanghal ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa opening ceremonies ng UAAP Season 88 sa University of Santo Tomas nitong Biyernes, Setyembre 19.

Sa kalagitnaan ng performance ng isa sa kanyang signature hits na "Ikot-ikot", ipinadama ni Sarah G. ang kanyang pagkadismaya sa mga nagaganap sa bansa ngayon lalo pa at talamak ang isyu ng katiwalian. Nagbigay rin siya ng pahayag para sa mga kabataan na sana ay sila ang susi sa pagbabago ng bulok na sistema sa ating lipunan.

"Parang panloloko sa bansa natin, pinapaikot-ikot lang tayo, tama na! Hindi naman lingid sa kaalaman natin na napakaraming nangyari na kaguluhan, kasinungalingan, panloloko ang ginagawa sa ating bansa. Let us all be reminded na kayo, I don't want to put pressure on you, ang ating mga kabataan, kayo ang pag-asa ng ating bansa, ng ating bayan. One day, kayo ang magbabago ng bulok na sistema ng bansang ito," ani Sarah G. sa harap ng nasa 36,629 na dumalo mula sa walong paaralan na miyembro ng UAAP.

"Wag kayong mawalan ng pag-asa. 'Wag tayo mawalan ng pag-asa, kumapit tayo sa hope at patuloy na magtiwala na balang-araw, mababago rin ang bulok na sistema na 'yan," dagdag pa ng singer-actress.

Umaasa rin ang premyadong performer na magkakaroon ng job opportunities ang bansa para sa lahat, upang hindi na mangangailangan na mangibang-bansa ang mga Pilipino para lang magtrabaho.

"Uunlad din ang ating mahal na bansang Pilipinas, (na) hindi na natin kailangang umalis ng bansanpara makapaghanap ng magandang trabaho dahil nandidito na lahat ng oportunidad. Patuloy nating ipagdasal ang ating bansa," sambit pa ni Sarah G.

Nasa UST ang multi-awarded talent, na nag-aral din doon noong siya ay nasa high school, upang opisyal na simulan ang bagong season ng nasabing collegiate league, na binubuo ng walong paaralan. Bukod sa UST, kasama sa UAAP ang De La Salle University, Ateneo de Manila University, University of The Philippines, Far Eastern University, University of The East, Adamson University at National University.

โ„น๏ธ ยฉ ABS-CBN Sports

Credits: Senator Risa Hontiveros
11/09/2025

Credits: Senator Risa Hontiveros

26/08/2025

MARLO MORTEL, PASOK NA RIN SA SERYENG "WHAT LIES BENEATH"

Pasok na rin ang Kapamilya actor at singer na si Marlo Mortel sa upcoming series na "What Lies Beneath".

Ito na rin ang kanyang pagbabalik-serye sa ABS-CBN, matapos ang kanyang special appearances sa "FPJ's Batang Quiapo" at "Nag-Aapoy Na Damdamin".

Makakasama na niya ang isa sa lead stars nito na si Janella Salvador, na noon ay sinuportahan ng mga Kapamilya ang kanilang tambalan na , mula pa sa mga araw nila sa "Be Careful With My Heart" at "Oh My G". Sila pa ang cover sa sikat na novel na "I Love You Since 1892" na matagal sanang pangarap ng marami na magkatotoo bilang serye ngunit naunsyami ito hanggang sa nakuha ng Viva ang rights mula sa author nito upang gawing serye sa VivaOne.

Kaya ngayong nasa "What Lies Beneath" na rin si Marlo, ang tanong, posible kaya na sa naturang serye na mag-reunion ang MarNella?! Yan po ang ating aabangan.

26/08/2025

MAYMAY ENTRATA, TODO NA ANG TRAINING AT PAGHAHANDA PARA SA SERYENG "ROJA"

Habang abala para sa kanyang mga performances sa na magaganap na sa Agosto 30 (Agosto 31 oras sa Pilipinas), ibinahagi ni Kapamilya actress at host Maymay Entrata na todo na ang kanyang paghahanda at training para sa upcoming Kapamilya action serye na "Roja".

Kakaibang Maymay nga ang mapapanood ng mga Kapamilya sa kanyang pagbabalik-serye at kita sa mga ipinakitang clips at screenshots kung gaano siya kapursigido na magsanay upang mahasa lalo ang kanyang kakayahan bilang aktres.

Sa ulat ng TV Patrol kagabi, Agosto 25, ikinuwento ng PBB Lucky Season 7 Big Winner na matagal na niyang gusto ang sumabak sa action para sa isang proyekto, kaya naman ganoon na lang ang kanyang excitement sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Makakasama ni Maymay sina Donny Pangilinan, Kyle Echarri at iba pang mga bigating bituin sa industriya.

Isa ang sa mga bagong aabangan ng mga Kapamilya very, very soon! ๐Ÿ’ซโค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

26/08/2025

We all know where your heart really belongs, and like you, we are all happy that you're back in STAR MAGIC! ๐Ÿ’ซโค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

It's a full circle, and we're looking forward on what's in store for you.

Welcome home, KapamILYa... Bela Padilla!

Address

Sgt. E. A Esguerra Avenue, 1103
Quezon City
1017

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 5am - 12pm
12:30pm - 7pm
Friday 4am - 12pm
12:30pm - 10pm
Saturday 12am - 11:59pm
12:01am - 12am
Sunday 12am - 11:59pm
12:01am - 7:59am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapamilya Knights posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category