14/05/2025
Tanong: Ano ang grado na ibibigay ninyo sa kasalukuyang UP CSWCD Student Council?
John Larossa: 1.75 – Nakikita ko ang kanilang pagtaguyod sa konseho, pero para sa akin, kailangan pa ng mas nagkakaisang kolehiyo. Para sa susunod na konseho, dapat mas i-engage ang mga hindi pa naaabot, lalo na’t mababa ang student participation.
Justine Paul: 1.5 – Bilang FSTC, personal kong nakikita na ine-exhaust talaga nila ang effort para sa mga estudyante. Ngunit mababa pa rin ang student participation. Kapag may general assembly, onti lang ang dumadalo. Kailangan itong tugunan ng susunod na council.
Jose Basco: 1.5 – Kahit hindi sila kumpleto sa simula, nakapag-appoint sila ng mga kailangang opisyal para sa mga proyekto. Gumawa sila ng paraan upang magampanan ang kanilang tungkulin.
Allysa Dulay: INC – Kulang ang mga posisyon sa kasalukuyang konseho, na naging balakid sa student functioning. Kailangan ng konkretong aksiyon upang palakasin ang student representation at mabuo nang buo ang konseho.
Maxene Lati: 1.25 – Karapat-dapat silang pagpugayan dahil hinawakan nila ang accountability, gaya ng pag-uulat ng kampanya at pagpapakita ng plano. Ngunit may mga puwang pa para sa pagbuti, at malaking hamon ang haharapin ng mga susunod na uupo.