29/07/2025
Sipat sa karumal-dumal na Giyera Kontra Droga ang hatid sa atin ng likhang-sining ni Eric Paul Roca, na siya ring pabalat ng aming bágong kalipunan ng mga tula.
Kadamay ang mga akdang aming tampok, sáma-sáma nating gunitain ang madilim na sinapit ng sambayanang Filipino sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Tungkol sa Artista
Si Paul Eric Roca ay isang ilustrador at pintor mula sa Pilipinas. Nagtapos siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas. Madalas na tampok sa kaniyang mga likhang-sining ang mga napapanahong usapin sa lipunan na inilalarawan sa estilong surrealismo at alegorya. Kasapi siya noon ng art collective na “Surrounded by Water” at nagkaroon ng eksibisyon ng kaniyang mga likha sa Filipinas, Singapore, at South Korea, at naging bahagi siya ng delegasyon ng mga Filipino na lumahok sa ika-15 Gwangju Biennale festival. Naging ilustrador siya para sa Singapore Press Holdings bilang Editorial Illustrator ng The Straits Times, at bilang Editorial Cartoonist ng Manila Bulletin sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, siya ay kasaping kontribyutor sa Cartooning for Peace na nakabase sa France, The Cartoon Movement sa Netherlands, at Pitik Bulag sa Filipinas.
Mabibili ang "Tokhang-TokHague: Mga Tula" sa halagang ₱300 bawat kopya. Magpadala lámang ng mensahe sa page ng Librong LIRA o puntahan ang aming tindahan sa Lazada: http://bit.ly/45lNGRw
Maaari ring bumili sa Adarna House, Maginhawa St. Eco-Store at San Anselmo Publications, Inc. outlets.