13/08/2026
Patuloy na inilalapit ang libreng serbisyong pangkalusugan sa mga kabataang Batangueño!
Sa ilalim ng HEARTS Program, patuloy na isinasagawa ng Provincial Health Office ang Operation Tuli 2026 sa iba’t ibang komunidad. Sa pamamagitan ng libreng tuli at health teaching, mas nagiging accessible sa mga kabataan ang maayos na serbisyong pangkalusugan.
Sa pangunguna ni Governor Vilma Santos-Recto, patuloy na inilalapit ang libre at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat Batangueño.