15/05/2024
Totoo talaga to Naku Naku!!!
💪🤣😉
Kase makapangyarihan talaga ang Pera sa totoo lang😁
*Kwento ko lang Experienced ko huh😝😂*
MAIKSI lang to HAHAHA😂
Naranasan ko noon Magkaproblema sa pera (2015-2016) Di ako makakuha kahit may Laman naman B.Account ko pero dahil ATM card ko sa ibang bansa un need ko mag travel pabalik ng abroad at mag kuha appointment para magbigay ng proof kung saan ko ginamit pera dito sa pinas, para magamit ko ulit Card ko dahil 2yrs ako nag stay sa pinas at dahil nagpagawa ko ng bahay ko sa Cavite that time na question nila ang panay kuha ko ng pera dito sa Pinas😢 in short na restrict ang account ko.
Doon mo makikila kung sino ang Tunay at Mga sumasamba lang sa Pera😝
Kawawa mga Anak ko noon katuwang ko sila pati isang Ampon ko na babae.
Ayuko na sana bumalik ng Finl@nd kase ang lungkot talaga doon lalo na pag Winter ang dilim dilim lagi. Tapos mga anak ko ambabata pa sila sila lang maiiwan ko un ang lagi nasa isip ko. "Wala ako maiiwanan sa mga anak ko"
That time kase hindi pa kami mag asawa ng Mister ko ngayon😊
Makikilala ko palang siya Pagbalik ko ng Finl@nd Hahaha😂🤣😂
Kaya Hanggat makakaipon kayo at kaya pa mag hanap buhay kahit sa Online na pagkakakitaan basta marangal😊
Gawin niyo Para kumita.
Kase bandang huli tayo lang din mismo ang pwede magresolba ng mga problema natin pagdating sa PERA.
Dahil yung mga tao nakapaligid sayo ng Meron ka Iilan lang diyan ang Matitira pag nawalan kana!
Kaya matutong Magtira para sa Sarili at Pamilya. Kase pag dika na makapag abroad/ trabaho yong iba dika na nila lilingonin pag wala kana PERA.
Kaya mahirap Ang walang IPON/PERA.