Yuan Santiago

Yuan Santiago 🎥✨ Digital Storyteller on a Creative Spree

05/02/2024

Monday First Screening: An interesting and entertaining film that hits all the right notes! 🎬🌟



Mula sa mga bida ng pelikula, you'll definitely watch this interesting film.

Ano nga ba ang gagawin mo once na-reach mo na ang senior citizen age? Ito ang naging storyline ng pelikula na pinagbidahan ni Ms Gina Alajar at Mr. Ricky Davao.

Simple ang istorya pero malaki ang impact sa mga manonood. Nagsimula ito kay Ms Gina Alajar na isang retired professor. Ipinakita sa kwento ang naging buhay niya pagkatpos mag-retiro sa isang university.

Nakasama niya ang ibat-ibang characters nang minsan ay maging curious siya about the "Monday First Screening" na statement. Doon niya nalaman na ang mga senior citizens ay libre tuwing Monday sa mga sinehan and more than that nakapagkwentuhan sa mga kapwa niyang seniors.

Sa pagtakbo ng kwento, naipakilala ang bawat support roles and at the same time doon din pumasok ang kaniyang love interest na si Mr. Ricky Davao. Marami din silang naging challenges gaya ng hindi pagtanggap ng anak ni Ms Gina kay Mr. Ricky- na lumaon ay na resolve din nila.

It's actually a feel-good movie but it has a deeper meaning dahil mas maiintindihan natin ang struggles ng parents, lola or lolo natin. Hindi madali ang nagiging buhay nila once they reach the age of 60.

Marami ding mga values ang hatid ng pelikula kaya tagos sa puso din ito.

Something different, something new, si Monday First Screening na ito!I'm sure mag-eenjoy ka talaga!

05/02/2024

Share your go-to e-wallet! 💳 What's your favorite digital wallet for seamless transactions? Drop your top pick in the comments below! 👇
GCash GoTyme Bank Grab

05/02/2024

Raging Grace: A unique horror tale with unexpected twists that will send shivers down your spine! 🎬



Isa ito sa pinaka-interesting na horror film this year!You will never expect lahat ng naging twists sa mismong story. Good thing din dahil ang main character dito ay isang Filipina.

Kuwento ito ng isang undocumented Filipina na may anak na babae na nagtratrabaho bilang isang cleaner. Ang theme ay tungkol sa mag-ina na gagawin ang lahat para sa kaniyang anak.

Sa umpisa pa lang ay iispin mo kung kelan lalabas ang multo or spirit. You would think na ganito ang datingan ng kwento but definitely you'll be surprised. Ibang-iba sa mga ineexpect mo sa isang horror-themed movie. Yun ang talagang magbibigay ng interes sayo the whole time.

Umikot ang istorya ng ngakaroon ng trabaho ang bida sa isang terminally ill na matandang lalaki. Nagsilbi siyang "cleaner" and at the same time carer nito. Mula doon ay marami na siyang na-diskubre sa pagkatao nito at yun ang mismong nagpaganda pa lalo sa pelikula. Habang pinapanood mo ito ay talagang hooked ka sa bawat eskena dahil unexpetced ang lahat.

Maganda ang scoring at bagay na bagay ito sa bawat scenes plus ang cinematography ay commendable din.

If you're looking for something different and unexpected, ito ang movie na bagay sayo!

05/02/2024

The Beekeeper: An exceptional and interesting action-thriller that will keep you on the edge of your seat! 🎬🔥



This is definitely a perfect movie for everyone na talagang gusto ng action movies. Sobrang the best ang lahat ng action scenes. Tutok na tutok ka all the time and you wouldn't want to miss a scene.

Isang beekeeper ang bida sa isang "barn" na ang owner ay isang retired professor. Malapit ang retired professor sa bida na itinuring na rin niyang pamilya. Unfortunately, naging biktima ang professor sa isang phishing scam. Nag-suicide ito dahil naubos lahat ang pera nito.

Doon pumasok ang character ng bida na ginawa ang lahat para mahuli ang mga scammers na nang biktima sa taong nag-alaga sa kaniya.

You will admire all the fight scenes and stunts dahil talagang makapigil hininga. Ramdam na ramdam mo ang bigat ng mga action scenes kaya hindi talaga ito naging boring.

Paano niya nagawa na mahuli ang mga scammers? Alamin niyo ang kaniyang tunay na pagkatao when you watch this film.

05/02/2024
05/02/2024

GG: More than a gaming-themed movie, it takes a unique approach by weaving in family and values. A must-watch with a refreshing twist! 🎮🎬



This movie is a must-watch not only for gamers but for everyone!

Napakaganda ng pagkakagamit ng tema para mapaikot ang kwento. This is not your ordinary "gaming movie". May tagos at talagang may values ito kaya swak na swak din sa bawat pamilyang Pilipino.

Kuwento ito ng mga struggles and challenges ng main character na si Donny Pangilinan na isang gamer. Ipinakita ang kaniyang buhay together with his family. Ito marahil ang totoong buhay ng isang gamer na hindi rin naiintindihan ng marami sa atin.

Ipinamulat sa kwento na may sarili silang kakayanan at mga pangarap na dapat nating respetuhin and ma-acknowledge.

Ang sabi ko nga, hindi ito all about gaming. It's also a family story. With the appearances of seasoned actors such as Christian Vasquez, Baron Geisler, Maricel Laxa and Ronaldo Valdez mas pinalawak at pinaganda pa nito ng twist sa kwento.

Donny is such a good actor. Napakalaki ng potential niya dahil sa natural acting niya. Hindi rin natin maiisantabi ang supporting cast na mahuhusay din talaga. It's an array of great casts.

I must also say na maganda ang cinematography and even ang shots na napaglaruan ang ibat-ibang angle na nakadagdag sa ganda nito. Mabilis din ang pacing ng kwento kaya never a dull moment throughout the film.

Siguradong mararamdaman mo ang pelikula dahil tagos sa puso ---- it's really your family at the end of the day!

I hope mas marami pang GG ang maipalabas sa mga sinehan soon.

It's not just for a gamer ---it's also for you --your family!

05/02/2024

Argylle: Buckle up for an unexpected rollercoaster of action and comedy! With twists that keep you on the edge of your seat, it's pure entertainment! 🎬🤣


This movie is definitely entertaining!Everything is unexpected!

Sa umpisa pa lang ng kwento ay talagang alam mong hooked ka throughout the film. Hindi na bago ang storyline about detectives and mga spy sa Hollywood films. Pero this one has a different twist.

Kwento ito ng isang "writer" na based sa takbo ng story ay na prepredict niya sa kaniyang mga sinusulat ang tungkol sa mga assassin and killers especially yung hinahanap nilang isang "master copy". Doon nag-simula ang pag hunting sa kaniya ng isang organization ng mga assassins.

Mabilis ang takbo ng kwento and you'll think na predictable ang mga scenes pero magugulat ka dahil magiging iba ang ikot ng istorya.

It's really a must-see movie this 2024 dahil sinamahan pa ito ng iba't-ibang elements like comedy and of course action. Mahusay ang pagbibigay ng twist at ang mismong plot. Sobrang akamang-akma din ang mg scenes na napaka-witty ng pagkakagawa.

Expected ang mahusay na cinematography, stunts- action scenes plus ang musical scoring.

Ang pinaka-exciting pa dito ang pag reveal ng character ng bida at siyempre kung paano napaikot lahat ng characters and na-connect sa twist na ginawa.

This film is absolutely amazing---for you and your family!Damay mo pa mga friends mo!

15/01/2024

Deadkids: Breaking the mold of ordinary teen movies with a surprising twist you won't see coming! 🎥🌀



Ito ang pelikula na talagang hindi ka mag-eexpect na ganun ang twist. Sobra akong nagulat sa ikot at sa naging tema ng pelikula.

Kwento ito ng magkakaibigan na nag-aaral sa high school. Iba't-ibang side story ang pinakita for each of the character. Minsan, nagkaroon ng pagkakataon na maging "close" nila ang isa sa pinaka-matalinong estudyante nana-bubully din sa nasabing school.

Nagplano ang mga magkakaibigan ng pag-kidnap sa isang popular na "rich kid" ng eskwelehan na kung saan mahilig din itong mang-bully. Nagdemand ng malaking ransom ang mga bata bilang mga "experienced" kidnappers.

Umikot ang kwento noong nagbigay na nang ransom ang tatay ng btiktima. Talagang hooked ka sa pacing ng kwento na aakalain mong "youth" themed lamang ito but in reality it's more than that.

Napakahusay ng cinematography at ang mismong nagsipag-ganap sa pelikula. Masasabi mong kahit ang ilan ay baguhan - talaga namang promising. Idagdag mo pa ang takbo ng kwento na hindi boring at talagang puno ng aksyon. Ibang klase ang naging twist sa kwento na talagang mapapahanga ka.

Marami ding lessons ang mapupulot dito at realization both ng parents at ng mga students. Everything is unexpected. Dito mo sasabihin na unpredictable ang mangyayari sa bawat eksena at talagang mananabik ka sa magiging takbo ng kwento.

Commendable talaga ang pelikula in all aspects at pasok na pasok ito sa Netflix online streaming!

13/01/2024

Marita: Unveiling urban legends with spine-tingling jump scares! 🎬 Brace yourself for a thrilling ride!



Kwento ito ng isang theater actress na hindi matanggap ang pagka "laos" niya na naging dahilan para siya ay magpakamatay at maghiganti.

Ang pelikulang ito ay interesting at talagang may potential. Nagkaroon lang ng problema sa ex*****on kaya medyo nawala ang impact throughout the story.

Kung tutuusin marami ding "jump scares" sa buong pelikula, hindi lang na-maintain ito sa kabuuan kaya naging boring at dragging. Sobrang matagal ang naging pacing ng kwento at nakulangan sa mga eksenang sana ay mas ma-aksyon or mas nakakatakot.

Wala akong masasabi sa husay ng bida na si Louise Delos Reyes, bagay na bagay siya sa kaniya ang role at talagang magaling siya. You will definitely see her as the character mismo. Okay din naman ang ibang casts na mga promising young actors , although, hindi ganun ka relevant ang iba para mas laliman ang istorya.

Maganda din ang scoring na nakakadagdag sa takot at kaba sa bawat eksena and of course ang cinematography. Commendable din naman talaga.

Malaki lang ang naging impact na hindi ganun napalalim ang istorya kasama na ang mga eksena na para sakin ay hindi naman needed. Nawala ang mga na "highlight" sana na scenes at climax.

Masyado ding nagmukhang tao ang character ni Marita na kahit paano sana mas nakakatakot ang make-up or prosthetics - mistulang "teatro" tuloy ang mga eksena niya na parang pinapanood mo lang siya at wala ka sa pelikula.

Even ang ending ay walang impact na parang nag-away na lang si Louise at Marita sa isang scene sa teleserye.

Nakpanghihinayang dahil napaketuhan ng mga factors na ito ang production ng pelikula.

Kung mahilig ka sa mga urban legend, at marami ka ng naririnig sa "university" ninyo - baka kapareha na nito iyon. Manood ka na!

13/01/2024

Shake, Rattle, and Roll Extreme brings a fresh twist with its gripping and bloody theme for a sensational comeback! 🎬💀



Matagal-tagal na din talaga mula noong nag-release ang Regal Entertainment ng kanilang successful horror movie franchise na Shake, Rattle and Roll.

Iba ang naging twist sa mga stories na nakapaloob sa SSR Extreme. Compared sa previous na mga pelikula, talagang "extreme" at mas madugo ang naging concept nito.

Ang unang kwento ay pinagbidahan ni Iza Calzado na kung saan ay isa siyang ina na may dalawang anak at kasambahay na naniniwala sa mga pamahiin. Doon umikot ang kwento na mistulang nagkatotoo ang lahat ng kinukwento ng kasambahay. Maganda ang concept ng storyline na puwede mo pang ngang ma- compare sa hollywood standards. Magaling ang mga actors at ang cinematography din ay mahusay. Even ang scoring ay pasok din. Hindi lang ganoon na "push" ang gustong mga symbolism sa episode na ito dahil hindi tumugma sa mga eksena kaya nawalan ng impact.

Hindi din ganun naging interesting ang second episode na comedy ang datingan na parang na sobrahan kaya nawala ang "scary" factor ng pelikula. Okay sana ang casting, ngunit kinulang lang din ng batikan at lalim sa istorya. Parang naging mababaw masyado na nasayang ang storyline nito.

Nakabawi naman ng bahagya sa third episode na maganda kung tutuusin ang plot. Mas maganda siguro if nagkaroon pa ng mas maayos ng intro sa mga casts kasabay ng mas malalim na challenges pa. Naging magulo tuloy ang pag "connect" sa characters na parang pinilit malagyan ng twist.

Iba pa din talaga ang mga naunang franchise ng SSR, medyo hindi ganoon ang impact ng "Extreme" pero nag-level up naman sa visuals and CGI.

Ibang klaseng tema ng SSR franchise, nasa Extreme na!

13/01/2024

Target exposes the immense power of the internet and the real risks we face in the world of cybersecurity. A must-watch eye-opener!

🌐🔒

This movie is definitely a must-see!Papaikutin ang imahinasyon mo sa galing ng pagkakagawa nito.

Ibang klase talaga ang galing sa storyline ng mga Korean filmmakers. Imagine they were able to conceptualize this idea mula sa isang simpleng online purchase na nagkaroon ng kakaibang twist.

Simple ang naging simula ng kwento, ang bida ay may nabiling sirang washing machine sa isang seller. You would think na mukhang walang kaabang-abang, pero magugulat kayo sa galing ng plot ng story.

Sa movie na ito marerealize mo at halos matatakot at mapapaisip ka sa dangers at risks ng mga online transactions including banking, purchases, and even ang simpleng pag-gamit mo ng social media.

Maganda ang mga action scenes at talagang glued ka all the time dahil hindi boring at talagang unpredictable ang mga eksena. Halos sa buong pelikula ay maapektuhan ka dahil sa pagkakataong maaring mangyari ito sayo o kahit kanino pa.

Pasok din ang cinematohraphy, at musical scoring na bagay na bagay sa bawat mabibigat na scenes. Pati ang mga artista ay mahuhusay kaya kahit "subtitle" ang reference mo - tiyak mag-eenjoy ka talaga.

Nagkaroon ng matinding mensahe ang movie tungkol sa cyber security na kung saan sa mismong pelikula ay halos ikamatay at ikabaliw na ng bida.

Ano kaya ang nangyari? Panoorin mo na!

13/01/2024

In His Mother's Eyes - more than a son and mom tale, it's an excellent film with a unique struggle, inspiring and grounded in reality.

🎬❤️

It's one of the best Filipino films ng 2023. Isa ito sa masasabi ko na comeback ng nag-iisang diamond star - Maricel Soriano at seasoned actor na si Roderick Paulate.

Maganda ang naging concept ng storyline. Hindi lang challenges ng ina sa anak or ang mismong anak sa ina. Naging paksa din ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid na sina Maricel and Roderick - na nagbigay ng twist sa kwento.

Something new and different ang naging approach ng character ni LA na kung saan siya ay isang special child. Naging ina at ama niya sa mahabang panahon ang kaniyang Uncle Bibs (Roderick Paulate). Maganda ang pag-recognize sa character ni LA and at then same time na acknowledge ng tama.

Naging struggle ni Lucy (Maricel Soriano) ang pag "connect" muli sa kaniyang anak na kinailangan niyang iwanan upang magtrabaho sa Japan.

Natural lahat umarte, even ang support, kaya mamangha ka sa ikot ng istorya and at the same time tatablan ka ng matindi sa iyong emotions.

Magaling din si LA at napaka-promising - na nakipagsabayan pa sa mga batikang mga actor. Walang sayang sa pelikula - eksena man o artista.

Hindi lang ang characters nila Maricel at LA ang nagkaroon ng struggle, kung hindi pati ng kay Roderick - which eventually led sa pagpapatawad dahil sa pagmamahal.

Wala ka ring masasabi sa husay ni Maricel na talagang walang kupas sa drama man o comedy - ramdam mong hindi umaarte at tagos sa puso ang lahat ng scenes niya bilang isang ina. Even ang role ni Roderick ay napaka-totoo at natural - alam na alam mo ang galing niya sa harap ng camera. Sa istilo ng kaniyang acting - you'll definitely agree with me na isa siyang batikan.

Idagdag mo pa ang linyahan nila na talagang pinag-isipan at talagang makatotohanan.

Ang pelikula ay may puso, aral at higit sa lahat sumasalamin sa totoong buhay. Matagal-tagal na din na walang ganitong konsepto sa mga Pinoy films kaya ito ay ka-abang-abang.

If you want to be inspired, ito ang pelikula para sayo!

13/01/2024

Aquaman and the Lost Kingdom – an impressive sequel with layers of intrigue that keep you hooked!

🌊🎬

This sequel successfully made a strong comeback! The concept had a big impact sa kabuuan ng production ng film.

Maganda ang naging combination ng kwento sa elements ng comedy and action. Total package kung baga including the visuals, cinematography and CGI. Marami din action scenes na talaga namang on the edge of your seat ka sa mahigit two hours.

It's also a good thing dahil maganda ang naging production design - expected naman din ang ganun sa film na ito and at the same time na maintain naman from the first movie.

Kwento ito basically ng struggles ng bida sa kaniyang duties sa family and sa kaniyang kaharian. Well executed din ang continuity ng scenes both sa kingdom ni Aquaman and sa mundo ng mga tao.

Another notable aspect dito ay ang pagtutulungan ng dating magkatungali na magkapatid. Maraming lessons ang naging message ng pelikula - which is actually good.

Nakulangan lang ako sa labanan sa dulo ng main antagonist na sana ay naging highlight din. Pero mahusay pa din ang pagkakagawa sa pelikula at higit sa lahat, ito ay hindi boring. Maraming "labanan" scenes!

It's a must-see movie for everyone! Something na talaganag ma-eenjoy ng lahat!

13/01/2024

Wonka is an absolute must-see! 🌟 Brace yourself for a heartwarming and inspirational cinematic journey. Don't miss the magic!

🎬❤️

This ranks among the finest films I've come across to date. Hindi na bago ang kwento ng W***y Wonka and The Chocolate Factory pero sa mala "prequel" na concept nito, talaga namang kaabang-abang and truly entertaining ang pelikula.

Timothee Chalamet portrayed the role very well. Bagay na bagay sa kaniya ang character and his performance was amazing. Isang malaking factor ito kaya mas naging makabuluhan ang pelikula and mas naging interesting.

Isa sa mga nagustuhan ko dito ay ang "musical" theme na concept habang kinukwento ang buhay ni Wonka kasabay ng mga challenges niya. Full production value talaga and ma-LSS ka sa kanta including the scene of Hugh Grant singing "Oompa Loompa" na talaga namang nakakatuwa and entertaining.

Malaki din ang naging contribution ng mga back stories ng mismong bida and the rest of the characters - who were brilliant too!

Well choreographed ang mga production numbers na nag-inject din siympre ng humor. Kudos to the team!

Even ang acting ay napahusay at siyempre ang visuals. Sobrang galing at nakamamangha.

And of course, may emotional impact din ito dahil nakaka-inspire at motivating ang goal ng bida na nagmula sa kaniyang nanay. Talagang ma-hohook ka sa bawat eksena.

The film was impressive. Naging ibang level lalo ang Wonka movie na ito!

This is for everyone - siyempre pang buong pamilya!Enjoy!

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yuan Santiago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share