23/10/2025
✨ Mom Realizations ✨
Last 7th birthday ng anak ko, we decided to have a simple celebration — kami lang tatlo.
Walang bonggang handaan, walang magarbong program, walang maraming regalo, at walang kamag-anak na invited. Pero kita nyo sobrang saya ng anak ko
(Bago namin ito napagdesisyunan, paulit-ulit pa naming tinanong si kaye kung ano talaga ang gusto niya sa birthday niya.)
At first, nalungkot ako. Kasi 7th birthday ‘yun milestone! Pinaghandaan ko, pinag-ipunan, kasi hindi ko rin naranasan mag-cotillion nung bata ako. Pareho pa kami ng asawa ko. Pero alam mo ‘yung feeling na parang si Lord na mismo ang nag-remind sa’yo na minsan kailangan mong bitawan ang gusto mo, para pakinggan kung ano ang makakapagpasaya sa anak mo?
Sabi ng anak ko, “Ayaw ko ng maraming tao mama, gusto ko lang ma mag-swimming sa blue ocean.”
Simple lang. Walang arte. Pero habang sinasabi niya ‘yon, parang tinamaan ako.
Na-realize ko Minsan tayong mga nanay, masyado tayong nadadala ng “dapat ganito,” “dapat ganyan,” kasi yun ang nakasanayan. Minsan, gusto natin magbongga kasi baka isipin ng iba, “ang lungkot naman ng birthday ng anak niya.”
Pero, sino ba talaga ang may birthday? Sino ba dapat ang masaya?
So ayun, nag-book kami ng flight. Kami lang tatlo.
1st time naming mag-eroplano (26 yrs of existence namin mag asawa 1st time!)
1st time naming mag-Boracay.
1st time naming umalis ng malayo layo bilang pamilya kaming tatlo lang.
At doon ko talaga napatunayan, hindi naman namin pala kailangan ng engrandeng selebrasyon para maging masaya.
Masarap pala ‘yung walang pressure.
Masarap pala ‘yung walang kailangang i-please.
Masarap pala ‘yung tahimik lang, pero ramdam mo ang saya ng anak mo.
Sobrang memorable. Sobrang peaceful.
At higit sa lahat, sobrang totoo.
Ang dami kong natutunan sa simpleng desisyon na ‘yon.
💭 Na hindi pala sukatan ng pagiging mabuting magulang ang laki ng handaan.
💭 Na hindi mo kailangang sundin ang gusto ng lahat para lang masabing “magaling kang nanay.”
💭 Na okay lang tumanggi sa mga “dapat” at pumili ng “mas gusto namin.”
💭 Na minsan, masaya din palang humindi — kasi doon mo maririnig ang tunay na boses ng pamilya mo.
At sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na for once, nakinig ako sa anak ko.
Nakinig ako sa sarili kong instinct, hindi sa ingay ng paligid.
Kasi totoo hindi naman pala nakakatakot magdesisyon ng kakaiba.
Hindi pala nakakahiya kapag simple lang.
Hindi pala masama kung ayaw mo ng magarbo.
Ang importante, masaya ka, masaya ang anak mo, buo ang pamilya mo. 💛
⸻
Disclaimer:
This is my own realization.
Depende pa rin talaga sa trip ng bata — may mga batang gustong may party at program, at okay lang ‘yon! 🎉
Hindi ito applicable sa lahat. This is MY story our version of happiness. 🩵