28/08/2025
Madalas mong makita si tatay na tahimik lang.
Hindi agad makabili ng gusto mo.
Hindi masunod ang mga hiling mo.
Akala mo wala siyang pakialam.
Pero ang totoo...
May mga ama na umiiyak ng palihim, dahil hindi nila maibigay ang gusto ng anak nila.
May mga tatay na nagtitimpi lang habang pinapagalitan ng asawa, kahit pagod na pagod na sila.
May mga lalaking mas pinipili pang maglakad pauwi para lang may madala silang tinapay para sa inyo.
Alam mo ba?
Minsan, pinapagalitan siya ng amo niya.
Minsan, pinapahiya siya sa trabaho.
Pero tiniis niya ‘yon… para sa pamilya.
Hindi mo lang alam, pero baka ilang beses na siyang nagutom para lang may makain ka.
Baka ilang beses na siyang nilamig dahil inuna niyang bilhan ka ng damit kaysa sarili niya.
At baka ilang beses na siyang napaiyak… habang tulog ka.
Kaya bago mo siya simangutan…
Bago mo siya sumbatan o sigawan…
Subukan mong tumingin sa kanya.
Pansinin mo yung mata niya.
Baka may luha siyang pinipigil para lang huwag kang mag-alala.
Hindi man niya agad natutupad lahat ng gusto mo, hindi ibig sabihin na wala siyang pakialam.
Kaya niyang magsakripisyo. Tahimik lang siya.
Para sa lahat ng tatay…
Sana ang bawat patak ng pawis mo ay palitan ng pagmamahal at pasasalamat.
Kasi kahit hindi mo sinasabi, ramdam namin: Mahal mo kami.