22/09/2025
ACPNP NARTATEZ: SALUDO SA PROPESYONALISMO AT DISIPLINA NG KAPULISAN SA RALLY KAHAPON
Alinsunod sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko, pinupuri ng Philippine National Police (PNP) ang kahanga-hangang pagganap ng kanilang mga tauhan sa anti-korapsyon rally na ginanap kahapon, Setyembre 21, 2025.
Kahit na naging mahirap ang sitwasyon at maraming nasugatan, nanatiling kalmado at disiplinado ang mga pulis at ipinatupad ang maximum tolerance upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Ani Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.:
"Saludo ako sa ipinakitang totoong tapang at dedikasyon ng bawat isa sa inyo sa kabila ng mahirap na sitwasyon. Ang inyong propesyonalismo ang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Binigyang-diin din niya ang pananagutan:
"Kasabay nito, inutos ko na imbestigahan ng maayos ang mga naaresto sa rally. Ang nararapat na kaso ay isasampa para managot ang mga lumabag at matiyak na patas at responsable ang pagpapatupad ng batas."
Dagdag naman ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Randulf T. Tuaลo:
โHinarap ng ating mga kapulisan ang mahirap at tensiyadong sitwasyon, subalit sa kabila nito ay nanatili silang kalmado, maayos at matapat sa pagpapatupad ng batas habang pinoprotektahan ang publiko.โ
Tinitiyak ng PNP sa publiko na ang mga responsable sa marahas na kilos sa rally ay haharap sa buong bigat ng batas, habang ang kaligtasan ng lahat ay nananatiling pangunahing prayoridad.