30/01/2026
Ipinahayag ni Senador Risa Hontiveros na nananatiling bukas ang posibilidad ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028, at hindi pa niya tuluyang isinasantabi ang naturang opsyon.
Ayon sa senadora, handa lamang siyang tumakbo kung siya ang mapipiling kandidato ng isang nagkakaisa at solidong oposisyon.
“Tatanggapin ko ang hamon ng pagkapangulo kung ako ang pipiliin ng nagkakaisang oposisyon,” ani Hontiveros.