24/10/2025
💬 “Sometimes, true commitment means…”
Mapupuyat ka — pero hindi ka malalate. 😅
Aminin natin, kapatid… madalas hindi talaga natin alam ang tunay na ibig sabihin ng commitment.
Kapag nag-commit ka sa ministry, madaming sacrifices.
Hindi palaging emosyon mo ang masusunod.
Madalas, kailangan mong lunukin ang pride — o mas mabuti pa, iwaksi na, kasi nasa kay Kristo ka na. 🙏
May mga panahon na sabay-sabay ang gawain, nakakastress, nakakapagod… pero kapatid, kung hindi naman emergency o trabaho,
madalas, excuse na lang talaga ang dahilan.
Sa gabi nga, nagpupuyat tayo kakascroll, nood, o tambay sa social media —
pero kapag sa ministry, biglang antok na, pagod na, busy na. 😅
Kapatid, kung alam mong may ministry ka,
oo, mapupuyat ka minsan,
pero piliin mo pa rin na huwag malate.
’Yan ang tunay na may commitment! 💪🔥
Ang ministry ay hindi para sa mahihina ang loob, balat-sibuyas, o maraming dahilan.
Kasi sa totoo lang, kung sa school o trabaho nga ayaw nating malate dahil baka mapagalitan,
bakit sa Church parang okay lang?
Tandaan, ang Diyos mismo ang boss mo dito. 👑
Kaya mga kapatid, ipanalangin natin na maging totoo tayo sa ating mga commitments kay Lord.
Hindi dahil sa “attendance,” kundi dahil sa pagmamahal natin sa Kanya. ❤️
✨ “Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for men.” — Colossians 3:23
Love you all, mga kapatid! 💕
Let’s keep serving with joy, passion, and discipline.
-COCCCM