Globo Pranings - We Love SSFKA

Globo Pranings - We Love SSFKA This is the OFFICIAL Page of Globo Pranings Texting Group. Know more about the GP Ladies. Join now!

Remaining Slots 28Deadline of registration: April 4, 2018
26/03/2018

Remaining Slots 28
Deadline of registration: April 4, 2018

= REGISTRATION EXTENDED UNTIL APRIL 8, 2018 =

STALLION SERIES 11th Anniversary

WHEN: MAY 20, 2018, 11:00 AM
VENUE: PRECIOUS PAGES BUILDING, Sto. Domingo Ave. Quezon City

Details:
- Meet and Greet with the Writers of Stallion Series: Sonia Francesca and Sofia
- Booksigning Event after the program.
- Grand Meetup of all Stallion Fans
- Games, Photo Booth and Program
- Snacks and Freebies

~ 100 SLOTS AVAILABLE ~
Registration Fee: 200.00
Registration Period: January 3, 2018 to April 8, 2018
Note: Pre -registration. Only pre-registered members are allowed to enter the Event's Hall.

Registered Participants: https://www.facebook.com/notes/stallion-riding-club-phr/2018-stallion-day-registered-participants/1723618324348919/

------------
PRE-REGISTRATION PROCEDURE

1. Send your Registration Fee thru the following Payment Methods
**~ Palawan Express/ML Kwarta Padala/Cebuana Lhuillier/LBC
Receiver's Name: Armylyn-Joana Lauren
Address: Pandi, Bulacan
Mobile No: 09278326320

**~ BPI Bank Deposit and Online Fund Transfer
Account Name: Armylyn-Joana Lauren
Account Number: 4549-1802-19

2. Kapag nakapagbayad na kayo ng Registration Fee, ipadala ang Proof of Payment as Message sa Stallion Riding Club PHR Page. (https://www.facebook.com/pg/OfficialStallionRidingClubs).

** Paano magpadala ng Proof of Payment? **
a. Para sa Palawan Express, ipadala ang picture ng resibo sa page. Kailangan nakikita ng malinaw ang Control/Transaction Number, Amount at Pangalan ng nagpadala.
b. Para sa BPI Bank Deposit, isulat ang inyong full name sa Deposit Slip. Ipadala ang picture ng deposit slip sa page b,
c. Para sa BPI Mobile/Online Fund Transfer, ilagay sa remarks ang mga sumusunod: (SD2018Fee - Pangalan). Ipadala ang screenshot ng Transaction sa page.

3. Kasabay na ipapadala ng Proof of Payment ang inyong Registration Form. (Check the form below)
=== Registration Form ===
Date:
Nickname
Full Name:
Contact No:
Location/Address:
Favorite Stallion Character: (For Souvenir, Isa lang po ang pwedeng piliin ^_^)

4. Payment of Registration fee must be done on/before April 8, 2018.

5. Ang Organizer na in-charge sa Pre-registration ay ico-confirm ang inyong Slot . Ang Tickets ay makukuha sa Registration Area sa mismong araw ng Stallion Day event.

6. Once na-send na ang inyong Registration Fee, hindi na po ito pwedeng i-refund. Hindi niyo rin po pwedeng ibenta sa iba ang slot ninyo.

=====
For Donation (Cash or Food), please contact:
~* Armylyn-Joana Lauren
FB Account: facebook.com/rawrmmy
Contact No: 09278326320

=====
For Reservation and Inquiries, please contact the following:

~* Official SRC~PHR
Page: https://www.facebook.com/OfficialStallionRidingClubs/
Group: https://www.facebook.com/groups/OfficialSRCGroup/

~* Armylyn-Joana Lauren
FB Account: facebook.com/rawrmmy
Contact No: 09278326320

=====
Event Page: https://www.facebook.com/events/1351764791596122/

04/03/2018

= REGISTRATION EXTENDED UNTIL APRIL 8, 2018 =

STALLION SERIES 11th Anniversary

WHEN: MAY 20, 2018, 11:00 AM
VENUE: PRECIOUS PAGES BUILDING, Sto. Domingo Ave. Quezon City

Details:
- Meet and Greet with the Writers of Stallion Series: Sonia Francesca and Sofia
- Booksigning Event after the program.
- Grand Meetup of all Stallion Fans
- Games, Photo Booth and Program
- Snacks and Freebies

~ 100 SLOTS AVAILABLE ~
Registration Fee: 200.00
Registration Period: January 3, 2018 to April 8, 2018
Note: Pre -registration. Only pre-registered members are allowed to enter the Event's Hall.

Registered Participants: https://www.facebook.com/notes/stallion-riding-club-phr/2018-stallion-day-registered-participants/1723618324348919/

------------
PRE-REGISTRATION PROCEDURE

1. Send your Registration Fee thru the following Payment Methods
**~ Palawan Express/ML Kwarta Padala/Cebuana Lhuillier/LBC
Receiver's Name: Armylyn-Joana Lauren
Address: Pandi, Bulacan
Mobile No: 09278326320

**~ BPI Bank Deposit and Online Fund Transfer
Account Name: Armylyn-Joana Lauren
Account Number: 4549-1802-19

2. Kapag nakapagbayad na kayo ng Registration Fee, ipadala ang Proof of Payment as Message sa Stallion Riding Club PHR Page. (https://www.facebook.com/pg/OfficialStallionRidingClubs).

** Paano magpadala ng Proof of Payment? **
a. Para sa Palawan Express, ipadala ang picture ng resibo sa page. Kailangan nakikita ng malinaw ang Control/Transaction Number, Amount at Pangalan ng nagpadala.
b. Para sa BPI Bank Deposit, isulat ang inyong full name sa Deposit Slip. Ipadala ang picture ng deposit slip sa page b,
c. Para sa BPI Mobile/Online Fund Transfer, ilagay sa remarks ang mga sumusunod: (SD2018Fee - Pangalan). Ipadala ang screenshot ng Transaction sa page.

3. Kasabay na ipapadala ng Proof of Payment ang inyong Registration Form. (Check the form below)
=== Registration Form ===
Date:
Nickname
Full Name:
Contact No:
Location/Address:
Favorite Stallion Character: (For Souvenir, Isa lang po ang pwedeng piliin ^_^)

4. Payment of Registration fee must be done on/before April 8, 2018.

5. Ang Organizer na in-charge sa Pre-registration ay ico-confirm ang inyong Slot . Ang Tickets ay makukuha sa Registration Area sa mismong araw ng Stallion Day event.

6. Once na-send na ang inyong Registration Fee, hindi na po ito pwedeng i-refund. Hindi niyo rin po pwedeng ibenta sa iba ang slot ninyo.

=====
For Donation (Cash or Food), please contact:
~* Armylyn-Joana Lauren
FB Account: facebook.com/rawrmmy
Contact No: 09278326320

=====
For Reservation and Inquiries, please contact the following:

~* Official SRC~PHR
Page: https://www.facebook.com/OfficialStallionRidingClubs/
Group: https://www.facebook.com/groups/OfficialSRCGroup/

~* Armylyn-Joana Lauren
FB Account: facebook.com/rawrmmy
Contact No: 09278326320

=====
Event Page: https://www.facebook.com/events/1351764791596122/

22/09/2017

In celebration of Stallion Series' 10th Year Anniversary, STALLION DAY IS COMING ON NOVEMBER 18, 2017! We are inviting all Stallion Series fans to join the Stallion Day Celebration!

Details:
- Meet and Greet with the Writers of the Popular PHR Series: Sonia Francesca and Sofia
- Mini-Booksigning
- Grand Meetup of all Stallion Fans
- Games, Photobooth (w/o Print. Photos will be uploaded in our page)
and Program
- Snacks and Freebies

VENUE
PRECIOUS PAGES CORP. New Building
Address: 16 Sto. Domingo Ave, Quezon City, 1114 Metro Manila

~ LIMITED 200 SLOTS AVAILABLE ~
Entrance Fee: 150.00
Registration Period: September 21, 2017 to October 30, 2017
Payment Period for Entrance Fee: Must be done 3 days after sending the Registration Form (Para permanent na mapunta sa inyo ang Slot)
Payment Deadline for Shirt Orders: November 5, 2017

*****************************

A. REGISTRATION PROCESS

1. Limited lang po ang slots para sa Stallion Day. 200 Slots lang po ang available para sa mga gustong sumali sa event.

2. Para mag-register sa STALLION DAY event, paki-sagutan ang REGISTRATION FORM.

== REGISTRATION FORM ==
Date: (Indicate the date you filled up this form)
Full Name:
Nickname:
Contact No:
Home Address:
Email Address:
FB Account:
Favorite Stallion Character:
Will Order Shirt?: (Yes or No, if Yes fill up the follow-up questions. Please check the Shirt details on Section B. Shirt Order of this post )
Quantity:
Color: (Maroon and Beige only)
Tshirt Size: Maroon ~ Gildan Shirt (Small to 2XL), Beige ~ Softex Shirt
Stallion Character: (Kung oorder po kayo ng Shirt, paki-enter ang Stallion Character na magiging design ng shirt ninyo)

3. Ipadala ang nasagutang REGISTRATION FORM sa mga sumusunod na accounts:

~* Official SRC~PHR
Page: https://www.facebook.com/OfficialStallionRidingClubs/

~* Joan Lauren
FB Account: facebook.com/rawrmmy
Contact No: 09278326320

4. Ang lahat ng nagpa-rehistro sa Stallion Day ay may PENDING STATUS. Bibigyan po namin kayo ng THREE (3) Working Days para mabayaran ang ENTRANCE FEE para permanenteng mapunta sa inyo ang SLOT. Maaari niyo pong i-check ang Status ng Reservation ninyo sa LINK na ito: http://bit.ly/SDReservationStatus

[Dalawa po ang table na nasa link, Isa sa Reservation Status at Isa para sa PERMANENTENG RESERVED SLOTS.]

Mga Status ng Registration
i. PENDING - Registered pero hindi pa bayad ang Entrance Fee
ii. RESERVED - Registered, Paid Entrance Fee and Reserved na ang slot sa inyo.
iii. CANCELLED - Hindi nakapagbayad kaya cancelled na po ang slot.

5. For CANCELLED slots, kailangan niyo pong magpa-register ulit. Ilalagay po ulit kayo sa queue. FIRST COME, FIRST SERVED basis po tayo.

6. Non-refundable po ang payment sa Entrance Fee.

*****************************

B. SHIRT ORDER

1. Muli pong binubuksan ang pag-order ng STALLION SHIRTS. Deadline of Order and Payment for Shirt: November 5, 2017. Maaari pong mag-order ang lahat, sasama man kayo o hindi sa Stallion Day. Sa mga hindi makakapunta sa Stallion Day, maari po kayong mag-order at ang shipping fee ng Shirt ay inyo pong sasagutin. Sa mga makakarating sa Stallion Day, makukuha niyo ang inyong Shirt Order sa mismong araw ng event.

- Shirt Design: Will be posted soon ~
- Shirt Color: Maroon and Beige
- Available Sizes: Gildan Shirt (Small to 2XL)
- Price: 300.00 (excluded ang shipping fee sa mga hindi kukunin ang shirt sa Stallion Day)
- You can request your favorite Stallion Character for the shirt design.
- Makukuha ang Stallion Shirt order sa mismong araw ng Stallion Day (November 18)
- LBC Shipping Fee:
a. Metro Manila - P150
b. Luzon - P165
c. Visayas - P175
d. Mindanao - P180

2. Kung kayo po ay mag-oorder lang ng SHIRT at hindi makakadalo sa Stallion Day, pakisagutan po ang SHIRT ORDER FORM

== SHIRT ORDER FORM ==
Order Date:
Full Name:
Contact No:
Home Address:
Email Address:
FB Account:

Quantity:
Color: (Maroon and Beige only)
Tshirt Size: Maroon ~ Gildan Shirt (Small to 2XL), Beige ~ Softex Shirt
Favorite Stallion Character:

3. Payment of Shirt Order must be done on/before November 5, 2017. Automatic cancelled po ang order kapag hindi po na-send ang payment sa nasabing deadline.

*****************************

C. MODE OF PAYMENT

1. BPI Bank Deposit and Online Fund Transfer
Account Name: Armylyn-Joana Lauren
Account Number: 4549-1802-19

2. LBC/PALAWAN
Receiver's Name: ARMYLYN-JOANA LAUREN
Address: Pandi, Bulacan
Contact No: 09278326320

*****************************

D. PROOF OF PAYMENT

*Kapag magsesend po kayo ng Proof of Payment (Bank Deposit), pakisulat ang inyong FULL NAME sa Deposit slip. Paki-picture-an ang deposit slip at i-PM dito sa page.

*Kapag magsesend po kayo ng Proof of Payment (Online Fund Transfer), pakilagay sa remarks ang mga sumusunod: (SDEntranceFee - Your Name here). Paki-screenshot po at isend ang image sa page na ito by PM.

*Kapag nag-send po kayo ng Tracking Number for Remittance Payment, paki-send ang PICTURE ng RECEIPT at ipadala dito sa page by PM. Dapat po ay makikita ang TRACKING NUMBER at AMOUNT sa pic na ipapadala ninyo.

*****************************

For Reservation and Inquiries, please contact the following:

~* Official SRC~PHR
Page: https://www.facebook.com/OfficialStallionRidingClubs/

~* Joan Lauren
FB Account: facebook.com/rawrmmy
Contact No: 09278326320

*****************************

SAMPLE REGISTRATION FORM

== REGISTRATION FORM ==
Date: September 23, 2017
Full Name: Lee Shin Yang
Nickname: LSY
Contact No: 09999999999
Home Address: Seoul, SK.
Email Address: [email protected]
FB Account: facebook.com/LSYangA
Favorite Stallion Character: Lee Shin Yang

Will Order Shirt?: YES
1. Quantity: 1
Color: Maroon
Tshirt Size: M
Favorite Stallion Character: Lee Shin Yang

2. Quantity: 1
Color: Beige
Tshirt Size: S
Favorite Stallion Character: Lee Shin Yang

***************************

Sample SHIRT Order Form

== SHIRT ORDER FORM ==
Order Date: September 23, 2017
Full Name: Lee Shin Yang
Contact No: 09999999999
Home Address: Seoul, SK.
Email Address: [email protected]
FB Account: facebook.com/LSYangA

1. Quantity: 1
Color: Maroon
Tshirt Size: M
Favorite Stallion Character: Lee Shin Yang

2. Quantity: 1
Color: Beige
Tshirt Size: S
Favorite Stallion Character: Lee Shin Yang

*****************************

20/11/2015

Happy birthday to our beloved Sonia Francesca! :)

20/04/2015

As for the initial annoucement about the free shirt, di na po ito matutuloy. Nagahol kasi kami sa oras dahil sa naging pagbabago ng venue. Patawad po.

20/04/2015

What: Water Sports Festival, 2015

Who: GP members (open for current and ex members), Sun Lunatics members are also welcome to join and JEWELS members.

When: May 9-10, 2015. From 6pm of Saturday to 6pm of Sunday

Where: Dona Salud Resort, Pansol Laguna

Kanya-kanya po ang pamasahe. Hindi kasi kakayanin ng funds kung lahat tayo libre. Hehe! Estimated transportation fee from Cubao to Pansol is 150, ayon kay Eros. So maghanda na lang po tayong lahat ng 500php.

Tentative meeting place: Gateway, Cubao. Dun kayo imi-meet nina Ate Sonia Francesca at Madei Santos. Wala pang time kasi di pa kmi nag-uusap about this. Expect po na magkakaroon ng changes dito. I'll announce about it as soon as possible.

Bring the ff:

Toiletries. Alam na to. Yung pang-personal hygiene nyo like sunblock, toothbrush and paste, sabon, shampoo, deodorant, etc.

Two sets of clothes. Wag kalimutan ang un**es, ha? Pagsusuotin ko kayo ng plastic pag wala kayong masuot na panty. Yahaha!

Towel.

Preferred Swimwear

Slippers. Baka may mag-paa senyo. Haha!

Personal medicine kit (para sa mga hikain, may allergies sa pagkain, may cancer--oooops!).

Ayan po. Kung may mga katanungan, tumawag o magtext sa numerong 09068898068 or 09059290461. O maaaring magsadya sa opisina ni Eros sa----oooops! Joke. Anyway, maraming salamat po.

18/04/2015

Attention to all the participants of the SPORTS FEST.

Due to some circumstances, there are changes on the venue and date of the event. The Sports Fest will be held on May 9-10 from 6pm to 6pm of the following day. The venue will be at Dona Salud Resort, Pansol Laguna.

Here's the link to view the pictures of the resort.

http://www.saludresort.com/rooms/aida/villa

Further inquiries, contact Mhelai Felipe. Thank you.

25/01/2015

Calling to all Globo Pranings members out there (current and ex-members)!

We're going to have our very first GP Sports Festival and swimming party on May 16-17, 2015. It is a celebration of Pranings' and GP's anniversary. And since it is a sports fest, expect that you are going to run, jump and will get wet. Bawal po ang killjoy.

The venue of the event is in Marikina, near Sonia Francesca's place. We will disclose the full details of this at a later date.

Attire for the sports fest is t-shirt, jogging pants and rubber shoes.

There will be a registration fee of 100 pesos, but it will be given on the event itself.

We will give a Shirt for the attendees. Free rin ang lunch, meryenda, dinner and even the stay at the resort for the swimming party. Pero kung generous kayo, you can help us by bringing foods or snacks.

2 days and 1 night event po ito. So we will expect for you to bring the following:

1. Personal toiletries (shampoo, soap, toothpaste, toothbrush, deodorant, etc)

2. Dirty-white shirt (yung luma na po pero maayos pang tingnan, susuotin po ito for a specific game sa SF)

3. Your preffered swimming attire

4. Spare clothes (at least 2 sets, kasama na ang undergarments)

5. Towels and bath towels

Ayon. Ang opening ng Registration for the tentative attendees ay iaannounce na lang rin at a later date. For updates and other inquiries you can message me here on facebook or text me at 09068898068 or 09059290461.

Come and join the fun!

20/08/2014

Hi everyone! I know most of you are waiting for this update, and we apologize for putting it up a day late! We had some technical difficulties for one, and we also received a whopping 855 nominatio...

30/06/2014
08/06/2014

Happy 7th year Anniversary, Globo Pranings! Next time, mag-celebrate tayo ng anniversary natin!!! - TeMy

05/05/2014

Calling all lagalags na Pranings out there!

What: SM PAMPANGA RAID (haha!)
When: May 10, 2014

Inform lang ako kung sasama kayo. You know my number. LOL!

Trip lang maggala.

~ Ate Army

27/03/2013

FIC-DUGTUNGAN WEEK 2

[Participants: From Lilac Dorm: Ein (as Dunkey Fontanilla), Gladys (as Paolo); From Pink Dorm: Mellody (as Melvin Osias), Jelen (as Rachel Osias); From White Dorm: Giselle (as Tommy Fontanilla), Mhelai (as Jersey Samaniego)]


1 [EIN]


PASPAS sa pagmananeho si Dunkey papuntang Mall of Asia Arena para sa unang major concert ng Sentinel nang taong iyon. She was going to cover the event for Philippine Stats, the magazine where she now has a regular column. Plus, she's meeting her husband Ran at the concert arena. Manonood din ito bilang suporta nila sa kapatid nitong si Tommy, Sentinel's vocalist.

Halos paliparin na niya ang kotse makarating lang agad sa concert venue. May assignment pa kasi siyang naunang puntahan bago dumeretso sa concert. Nang sa wakas ay makarating sa MOA Arena, pahirapan naman sa parking. Napakaraming tao at sadyang limitado ang parking space. Nang sa wakas ay makakita ng paparadahan, mabilis na tinunton ni Dunkey ang espasyo. Only to hit another vehicle na tila nakasabay rin niyang mag-claim sa libreng spot.

"Patay," tanging nasambit niya at naihilamos ang mga kamay sa mukha niya.


o0o

2 [Giselle]

Busy ang mga bandmates ni Tommy dahil ilang oras n lng magsisimula na ang concert nila, samantalang siya aligaga. Isang tao lang naman ang hinihintay niya, ang nobya niyang si Sassa. Tumanggi kasi itong magpasundo ngunit hindi naman siya makapagconcentrate sa rehearsal. Nagpasabi na itong papunta na pero hindi pa rin siya mapakali, idagdag n siguro ang kanyang kaba.

"Tsk." aniya.

"Water, Sir?" ani ng kanyang assistant.

"Later." then he let out a deep sigh.

"What's wrong." ani ng manager nila.

"Hayaan mo siya, Hellene, my loves. Ma-i-stress ka lang." ani ng nobyo nitong si Raijin.

Kinuha niya ang kanyang gitara at lumapit sa bandmates nya. "Where were we?"

"Anong 'we'? Kami lang!" pagtataboy ng mga ito sa kanya.

"Oh hi, Sassa!"

Lumingon si Tommy only to find out na niloloko lamang siya ni Hellene.

"Nice one, my loves."

"Concentrate, guys."

He strum his guitar. Asar 'tong mga kasama niya.


oOo

3 [Mellody]

Nagmamadaling sumakay ng elevator si Melvin. Tumawag kasi ang kanyang mahal na esposa na nasa parking lot na ito ng mall. Binisita nya kasi ang isa sa mga branch ng kanyang restaurant sa ikalawang palapag.

Napangiti siya ng maalala ang pinag usapan nilang mag asawa noong isang araw.

"Hon, kailangan mo ng dagdagan ang kaban ng yaman mo kasi magkakaroon na tayo ng baby reptile," sabi ng misis nya.

"Talaga?" di mkapaniwalang wika nya. Tumango lng ang esposa nya, sabay hirit ng: "Basta ang pangako mong manonood tayo ng concert ng Sentinel boys, ha?"

Natawa nalang siya sa katabilan ng misis nya.

Sa kakamadali niyang makababa na sa parking lot hndi nya kaagad napansin ang babaeng kasalubong nya na hndi na magkandaugaga sa mga bitbit nitong flowers at chocolates.

"Hey watch out!"


oOo

4 [Jelen]

Nasa parking lot na si Rachel ng MOA Arena at kakatawag nya lang sa kanyang asawa upang ipaalam na dumating na sya. Nangako itong manunuod cla ng concert ng Sentinel ng gabing un.

Instead na bumaba na ng kotse, minabuti nya munang ipikit ang kanyang mga mata. Lately nagiging antukin na sya at naging mas matakaw. Well, normal lang daw yun sa taong buntis. Nasa stage sya ng paglilihi. Nakaidlip na sya nang biglang nakarinig ng malakas na kalabog. Napadilat sya bigla.

"Ano kaya iyon?" sabi niya sabay baba ng kotse.

Nakita nya ding bumaba ang driver ng nabanggang kotse.

"Oh no! My car!" palahaw nito at binalingan ang nakabangga dito. "hey! you! bumaba ka dyan! tingnan mo ginawa mo sa kotse ko!"


oOo

5 [Lai]

"Kids! Wont you cut it out?" nanggigigil na saway ni Jersey sa mga makukulit niyang pamangkin. "Iiwan ko kayo rito."

"Eh, Tita," sagot ni Jigger. "diba, you promise dad that you won't leave the house?"

"Oo nga po," segunda ni Trigger. "Saka mommy said that liars go to hell. Gusto mo po bang pumunta run?"

Sasagot na sana sya nang unahan siya ni Jigger magsalita.

"Tita, paano nga po pala makakapunta ng hell?"

"Curious rin po ako," si Trigger. "Sasakay po ba tayo ng plane?"

"Or ship?"

"Bus?"

"Puwedeng po bang magbike papunta run?"

Napakamot na lang si Jersey sa kanyang ulo habang pinakikinggan ang inosenteng mga tanong ng kambal. They're really annoying but nevertheless, lovable. Di rin maipagkakamaling matatalino ang mga ito. Kunsabagay, di na yun nakapagtataka. They are the sons of a couple with very interesting characteristics. Bukod run, may maganda, matalino at sexy'ng tita ang mga ito.

"Ako iyon! Hehe," aniya.

"Tita Jersey is talking to herself again," narinig nyang wika ng isa sa kambal.

"Siguro, tama si Tito Marx na nahawa na sya sa mga pasyente nya."

"Then, she will be dangerous!"

"Ipaconfine na lang natin sya kina daddy sa ospital, kapag nangyari yun."

Naningkit ang mga mata nya dahil sa narinig. Bwisit talaga ang Marx na yun. Kung anu-ano ang itinuturo sa kambal.

Pagsasabihan na sana nya ang mga pamangkin na huwag magpapapaniwala sa mga sinasabi ng unggoy na Marx na iyon nang may kumatok sa pinto. Agad na binuksan iyon ni Trigger at marahil, pinapapasok nito ang bisita kaya niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.

"Tita Illiana!" sigaw ni Jigger. "Ang girlfriend ni Tito Van!"

"Jigger!" saway niya rito at binalingan ang bagong dating.

"Pasensya ka na sa isang 'to, ha?" nahihiyang wika nya.

Ngumiti si Illiana. "Sus, para namang di ko pa kabisado ang ugali ng mga kutong-lupang yan."

Natawa siya. "Bakit ka nga pala napasugod rito?"

May kinuha ang babae mula sa dala nitong purse. "May kliyente akong nagbigay sa akin ng tickets sa concert ng Sentinel tonight. And since dalawa ang tickets, I'm inviting you. Alam ko naman na fan ka ng Sentinel."

Nanlaki ang mga mata nya. Tama si Illiana. She's a big fan of Sentinel. Ito ang unang oportunidad na mapapanood nya ang mga ito sa isang live kaya hinding-hindi niya ito palalagpasin.

Ngunit...

Napatingin sya sa kanyang mga pamangkin. Malalagot siya sa Kuya Alec nya pag iniwan nya ang pair of little devils na ito.

"Dont worry about the twins," wika ni Illiana na marahil ay nabasa ang nasa isip niya. "Marx already volunteered to look after them. I asked him earlier and he said, 'yes'."

Totoo nga ang sinabi ni Illiana. Dahil di nagtagal, dumating ang unggoy -este, si Marx. Matapos ang usual na iringan nila, dinala na nito ang mga pamangkin nya sa bahay nito, na katapat ng bahay nila.

"Ang cute nyo talagang dalawa," komento ni Illiana nang makaalis ang binata at ang kambal.

Inirapan nya lang ito at nagmamadaling umakyat na para gumayak. Matapos ang labinglimang minuto, ay nasa daan na sila papuntang Mall of Asia.

Pagdating nila sa parking lot ng mall, agad nilang naispatan ang isang bakanteng lot. Iminaniobra ni Illiana ang sasakyan papunta roon, ngunit naunahan sila kaya they decided to look for another available space.

Hindi pa man sila nakakalayo nang may marinig silang malakas na tunog ng nagsalpukang metal. Nagpreno si Illiana at sabay nilang nilingon ang pinanggalingan.

"Oh, God! May nagbanggaan!" bulalas ni Illiana.

Napahawak si Jersey sa kanyang dibdib. Nagpasalamat sya sa Diyos. Buti na lang at hindi sila ang nauna sa space na yun. Kung hindi, sila ang nasa kalagayan ng taong nakauna sa kanila.

Pinagmasdan nya ang nangyayari sa di kalayuan. Salamat sa liwanag ng mga lamp post, kitang-kita nya ang nangyayaring pag-uusap ng mga drivers. Napakunot-noo siya nang makilala ang babaeng lumapit sa mga nag-uusap.

"Si Rachel yun, diba?" wika ng kasama nya na isinatinig ang iniisip nya. Napansin rin siguro nito ang paglapit ng esposa ng kapitbahay nila sa mga may-ari ng sasakyang nagbanggaan. "Melvin's other half?"

"Oo," sagot nya. Taga-Rancho Estate rin ang babae. Saka nya naalala ang balitang kumakalat sa village na nagdadalangtao na ito.

"Tara, lapitan natin," yaya ng kaibigan niya.

Agad syang pumayag kaya sabay silang bumaba ng sasakyan at tinakbo ang distansya palapit kay Rachel at sa mga kausap nito.

oOo


6 [Glays]


"HI."

Napaangat ang ulo ni Paolo nang marinig ang tinig na pumakaw sa atensiyon niya. Hinihintay niya si Maita, ang kanyang kasintahan sa labas ng convenient store kasama ang mga cute na cute na pamangkin niya. Dumaan lamang sila doon para bumili ng maiinom ng mga bata. Nangulit ang mga ito dahil nauuhaw na raw sila. Pumayag na rin siya dahil malayu-layo pa ang SM Mall of Asia.

Dapat nga ay magde-date sila ni Maita nang sila lamang na dalawa ngunit hindi naman niya maiwan ang mga pamangkin. Napakamot na lang siya sa ulo nang humabol ang mga ito sa kanya kanina. He had no choice but to take them with him.

"I'm Sassa," sambit ng babae na nilingunan niya. "Don't get me wrong, I'm not a bad person," dinukot nito sa pantalon ang ID nito. Sinipat niya iyon nang sandali at ibinalik sa mukha nito ang paningin. "I just have a favor to ask of it's okay with you. Please, kailangan ko lang kasi nasiraan ako ng kotse. My phone is drained, I can't make a call. Pwede bang mahiram ko sandali ang phone mo? I'll just pay the call after."

Pinagmasdan niya ito. Hindi naman niya maramdamang masamang tao ito. Naniniwala siyang importante nga lang siguro ang pupuntahan at tatawagan nito. Nakita niyang hinugot nito ang cellphone at iniumang ito sa kanya. It was the latest iPhone.

"Let's exchange for a while. Hindi ko talaga itatakbo ang phone mo. Swear," anito.

Nangingiting kinuha niya ang iPhone. "Okay, I believe you now." Iniabot niya ang Blackberry niya rito.

"Thank you, uhm, what's your name?"

"Paolo."

Ngumiti ito nang matamis. "Thank you so much, Paolo."

Ginantihan niya ito ng ngiti. Habang pumipindot ito sa cellphone niya ay lumabas na sina Maita, akay-akay ang maliliit na chikiting. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Sassa. Agad na lumapit ang mga ito at hinalikan siya sa labi.

"Kai-kun, you shouldn't watch!"

"It's okay, Hitomi-neechan. Mom and Dad does the same, right?"

"Un!"

"Then it's okay."

Hindi niya pinansin ang usapan ng dalawang bata. Ang tanging nasa isip niya ay ang malambot na labi ni Maita at ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Kahit na sila na ay hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa sistema niya. Mukhang mas lumala pa nga. Hahabulin pa sana niya ang mga labi nito nang tapusin nito ang halik ngunit nagsalita ito.

"Sino siya?"

He smiled widely. Mukhang nagseselos ito. Lalo tuloy itong gumaganda sa paningin niya. Tumingin muna siya sa babaeng nakalagay na ang aparato sa tenga nito bago niya sagutin ang nobya.

"She's Sassa. Humingi lang siya ng tulong. Her car's down and she needed to call someone. Pinahiram ko 'yung phone ko kasi empty bar na raw ang phone niya."

Tumangu-tango si Maita nang ipakita niya rito ang iPhone na hawak niya.

"Akala ko ipinagpalit mo na ako, eh. Kikidnapin ko ang mga chibi na ito, baka akala mo."

He gave her a peck on the lips. "Hindi ko gagawin 'yun."

Sabay silang napalingon nang mapagtantong may kausap na pala si Sassa.

"...Malayo pa ako sa MOA, Hellene. Nasira 'yung kotse ko. Please tell Tommy don't worry. Gagawa ako ng paraan... Yes, please... Baka kasi sumugod dito ang lalaking 'yun at iwanan ang concert... Okay. See you later."

Humarap si Sassa sa kanila. He gave her phone and so was she.

"Thank you, Paolo," anito. "Magkano ang bill?"

Umiling siya. "Okay lang. Rich ako," biro niya rito. "By the way, Sassa, this is Maita. Fiancee ko."

"Oh, hello, Maita," she took Maita's hand and shook it. "Your fiance is cool." Ngumiti ito nang maluwang. "But my boyfriend is much cooler, no offense meant."

Natawa si Maita. "Okay lang. Ganyan talaga pag umiibig. Sa MOA rin pala ang punta mo. Papunta rin kami run ngayon. Nasabi ni Pao na nasiraan ka ng kotse. Want a lift?"

"Gusto ko sana pero nahihiya ako sa inyo. Inabala ko na nga kayo."

"It's okay, Ojou-chan," ani Kai rito. The boy even held Sassa's hands and lead her to where the car was parking.

"Kai-kun is in love with Sassa-ojou-chan," Hitomi said beaming. "Look, he's trying to become ouji."

Wala nang nagawa pa si Sassa kundi sumunod sa pamangkin niya. Mukhang wala nang balak pakawalan ni Kai ang dalaga habang si Hitomi ay tumatalon-talon na sinusundan ang mga ito.

Napapailing na sinundan na lang nila ni Maita ng tingin ang mga ito. Sumunod na rin sila at baka mapaano sa mga galamay nito si Sassa.


---

"OJII-CHAN, let's watch the concert. Sassa-ojou-chan said we could," pangungulit ni Hitomi kay Paolo.

"Oo nga. This is the only thing I can do para naman makabawi ako sa inyo. I promise you, you will enjoy the concert," sabi ni Sassa.

Nobya pala ito ni Tommy, ang sikat na bokalista ng banda ng Sentinel. Hindi niya ganoong kilala ang banda ngunit naririnig niya ang pangalan nito. May tickets ito na dala kaya maari silang ipasok nito.

"How about the kids, are they allowed inside?" ani Maita.

"Yep. Don't worry, the band is safe for children to see," sagot ng dalaga.

Kai tugged his shirt. "We'll come right?" Nagmamakaawa ang mga mata nito.

He sighed in resignation. "Okay, we'll watch."

Narinig niyang tumili ang mga bata. They went to Sassa and hold her hands.

Lumapad ang ngiti ni Sassa. "Okay, kids. Let's go watch a great concert!"

"Ikkemashou!" sabay na sambit ng mga bata.

"Hala ka, ipinagpalit na tayo, Pao," nakangising sabi ni Maita sa kanya.

Pinindot niya ang ilong nito. "Okay lang, basta masosolo kita, eh."

"Echosero."


oOo

7 [EIN]


"Hey, you! Bumaba ka diyan at tingnan mo ang ginawa mo sa kotse ko!" sigaw ng driver ng kotseng nabangga ni Dunkey. Paatras pala ito at galing sa kabilang side kaya hindi niya napansin.

Agad na bumaba si Dunkey ng sasakyan matapos i-compose ang sarili. Mukhang hindi madadaan sa pakiusapan ang babae.

"Er.. Miss, naku, pasensiya na at hindi ko napansin ung kotse mo," mahinahong saad ni Dunkey rito. Maganda ang babae at mukhang sosyal. Tila pamilyar pa nga sa kanya ang hitsura nito.

"Sorry doesn't cut it for me, dear," anang babae sa pagalit na tono. "Didn't you know how much MY car costs? More importantly, don't you recognize me?" tinanggal nito ang suot na Ray-Ban's at nakataas ang kilay at nakapamaywang na tiningnan si Dunkey mula ulo hanggang paa.

Nag-init ang ulo ni Dunkey sa iginawi ng babae ngunit sinubukan niya pa ring magpakahinahon. Kailangan na niyang makarating sa MOA Arena dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang concert nina Tommy.

"Eh, pasensiya na talaga, Miss. If you want, babayaran ko na lang yung damage," kinuha muna niya ang wallet sa loob ng sasakyan at naghanap ng tarheta doon. "Here's my calling card. You may reach me there. Tapos saka natin pag-usapan ang danyos."

Tila bored na inabot nito ang card mula sa kanya at tiningnan. "Donata Villanueva-Fontanilla, huh?" anito. "What a stinky name," dugtong pa nito saka pinunit ang tarheta.

'What the hell?!'

"Is something the matter, ladies?" anang isang tinig na nagpakalma pasumandali kay Dunkey. It was a petite and beautiful woman. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa.

"Sino ka naman?" sikmat ng walang modong sosyalera na nakikilala na ni Dunkey ngayon.

"Ah! Aren't you Heiress Llamanzares, the socialite-heiress? And you're Dunkey Fontanilla. Wow! It isn't everyday you get to meet some well-known people," nakangiting sabi pa ng babae sa kanila. "Hi, ako nga pala si Rachel Osias."

"Who cares? And to put ME on the same level as HER? UGH!" tila naaalibadbarang sabi ng maarteng babae.

"That's it! I'm tired of your crap, lady. What the hell do you want?"

"Hindi ninyo ba pwedeng pag-usapan ito like two civilized people?" mahinahong saad ni Rachel sa kanila.

"Not that I'm not trying to, Rachel. But this woman pi**es me off big time," ani Dunkey rito.

"Just give me 100,000 bucks in cold cash now and I'll let you go," ani Heiress.

"At saan sa palagay mo ako kukuha ng ganoong kalaking halaga, Miss Heiress? Isa pa," lumapit si Dunkey sa sasalyan nito. Isang puting-puting Audi A8 pala iyon. 'Kontra sa ubod ng itim na budhi ng may-ari.' "Hindi naman aabot sa ganoong halaga ang pagpapagawa rito."

True enough, isang maliit na gasgas sa pintura lang ang damage na natamo ng kotse nito.

"I don't really care. You hit my car, you pay for the damages, like, right now. 'Cause I'm gonna call the police and have you arrested," mayabang na banta nito sa kanya.

Exasperated na si Dunkey sa maarteng babae. But she resolved not to stoop down her level.

"I only have my credit card and checkbook here. Wala na talaga akong magagawa, Miss, so could you please just take my card and call me some other time? I have more pressing matters to attend to," Dunkey said in the calmest voice she can muster.

Dunkey went back to her car to retrieve her wallet kaya't hindi niya na napansin na sinundan pala siya ni Heiress.

"Hey!" narinig niyang sabi ni Rachel. "Aw!"

"Pay up, bitch! I don't care how but pay me right now!" tungayaw ng babae nang makalapit sa kanya.

"Be reasonable, Miss Heiress. Mas mapapadali ang lahat kung makikipag-cooperate ka na lang," tugon ni Dunkey, letting the B word slip.

"Er, girls?" narinig niyang nagsalita si Rachel. Kalmado ito ngunit may edge sa tinig.

Nang dumako rito ang tingin ni Dunkey, nanlaki ang mga mata niya dahil nakaupo na ang babae sa malamig na semento at sapo nito ang tiyan.

"Oh, my God. Rachel!" agad niya itong dinaluhan. "Are you alright? May masakit ba sa'yo?"

"Ahm... My baby..."

Pakiramdam ni Dunkey ay lumobo ang ulo niya nang mapagtanto ang sitwasyon ng babae. "Ikaw," baling niya kay Heiress. "Call an ambulance. Baka mapano ang baby."

"Huh?" tila nawala sa ito sa sarili ng ilang saglit, pagkatapos ay saka nagmamadaling tumakbo patungo sa kotse nito. Sabay pinaharurot iyon palayo.

Nakaramdam ng galit si Dunkey sa ginawa ng babae ngunit mas importante ang kalagayan ni Rachel. She did what first came to mind.

"Saklolo! Help!"

oOo

8 [Giselle]

"Towel." walang ganang utos ni Tommy sa kanyang PA.

May last minute rehearsal pa sila sa ilang kanta. Nang saglit na iwan sila ni Hellene saka umamin ang mga kabandmates sa kanya na may kanya-kanyang composed songs ang mga ito para sa mga fiancees nito. At mukhang hindi lang siya ang nakapaghanda.

Laging may mga naiisip na pakulo ang mga kabanda niya para sa mga kasintahan ng mga ito. At hindi siya papatalo. Hindi siya magsasawang ipahayag ang pagmamahal niya kay Sassa.

"Tommy the pogi! Natawag ata si Sassa." untag sa kanya ni Jacob, kasalukuyang nag-be-break sila.

Dali-dali niyang sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang caller. Napakatahimik ng kabilang linya. Na-alarma siya.

"Hello, Sassa? Where are you? Kanina pa kita tinatawa--"

"I'm not your fiancee." ani ng baritonong boses sa kabilang linya.

"Kuya Ran?" pangungumpirma niya.

"Yeah." walang ganang sagot nito. "I can't contact my wife. Nandiyan na ba siya?"

"Si Ate Dunkey? I don't know. Hindi pa siya tumatawag."

"I see."

"Are you coming?" tanong niya.

"Yes."

"Okay."

Dumaan ang maikling katahimikan.

"May sasabihin ka pa?" untag niya sa kabilang linya. Gusto ng ibaba ng binata ang tawag upang ma-contact ang nobya.

"I'm gonna be late. So, goodluck bro."

"Thanks, man." aniya. Then he hung up.

Nakakapagtaka naman, hindi macontact ng kapatid niya ang asawa nito. Gayundin ang Sassa niya. Hindi naman na-le-late sa usapan ang mga ito lalo na kapag ganitong may concert ang banda.

"Tommy." ani Hellen. Nakabalik na pala ito.

"Hi, My loves! Saan ka galing? Namiss kita agad--"

"Sassa called me up. She's on her way here. Lowbat ang cellphone niya, she told me to tell you she's okay." ani Hellene at hindi pinansin si Raijin.

Nakahinga siya ng maluwag. At least makakampante na siya.

"One more thing." anito na seryoso ang boses. "May nakakuha ng atensiyon ng security sa parking lot a while ago. If I'm not mistaken your brother's wife is involve."

"Woah! Ang galing ng my loves ko! Pati yun alam mo eh kanina lang kausap ni--" hindi na natapos ni Raijin ang sasabihin nang abutin ni Hellen ang drum sticks nito at akmang ihahampas sa nobyo.

"Shut up! Tatamaan ka talaga." anito sa maawtoridad na boses.

"Yes ma'am!" ani Raijin at sumaludo pa ngunit mahahalata ang pagkasindak.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Tommy.

"Don't worry, your sister-in-law is fine, everything's fine. The security will handle it. For now focused first, don't disappoint your fans." ani Hellen.

He knows Hellene, may isang salita ito.

Nabawasan ang kaba niya ng marinig na ayos lang ang sister-in-law niya. Nakahinga na din siya ng maluwag ng malaman ang nangyari sa nobya at papunta na nga ito.

He needs her girlfriend badly. Without Sassa imposibleng ma-please niya ang fans. It's as if something is missing without her by his side.

"Tara mga 'pre! Last round!" masiglang pag-aya ni Lancer.

Gumaan ang pakiramdam ni Tommy at animo'y sinaniban ng kung ano that made his adrenaline rush. He knows this feeling, this kind of feeling whenever he's on stage performing. And what more later?


oOo

9 [Mellody]

"Hey, watch out!" sigaw ni Melvin sa babaeng kasalubong niya, pero huli na ang lahat dahil nasagi na siya nito. Nagsipaglaglagan na ang mga bitbit nito.

"Naku! Ano ba yan. Kung kailan ka nagmamadali, saka pa nagkakaroon ng mga aberya," bulong ng babae.

Tinulungan niya itong damputin ang mga dala nito.

"Sorry, Sir," anito. "Hindi ko kayo napansin, eh."

"Okay lang," nangingiting wika niya habang pinagmamasdan ito. Natataranta ito sa pagdampot ng mga bitbit nito. "Para kanino ba ang mga iyan?"

"Para sa love of my life ko," sagot nito at tumingala pa. Nakangiti ito na tila nakikita roon ang tinutukoy.

Napapalatak na lang siya sa kalutangan nito. 'Parang si Misis, lang', sa isip-isip niya.

Noon tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya iyon sa bulsa ng suot na slacks at sinagot ang tawag.

"Yes, Hon? Papunta na ako riyan. Namiss mo naman ako agad--"

"Eer... Sorry to cut your dialogue for your wife..."

Kumunot ang noo ni Melvin nang hindi ang pamilyar na boses ng asawang si Rachel ang nagsalita sa kabilang linya. "Who is this? Where's my wife? Did something happened to her?" sunud-sunod na tanong niya.

"Calm down, Mister Osias. Rachel's fine. Ano... May nangyari lang na konting aksidente." The woman from the other line, who introduces herself as Dunkey Fontanilla, proceeded to give him information on what happened to his wife.

Dahil sa mga naririnig mula sa babae sa kabilang linya ay dali-dali siyang nagpaalam sa babaeng lutang at sumibad ng takbo papunta sa parking lot ng mall. Pagdating niya roon, agad na hinanap niya kung nasaan ang misis niya at ang kasama nito. Nakita niya ito na nakaupo sa hood ng isang gray na kotse at may kausap na maliit na babae.

'That must be the woman who called me'.

Nilapitan niya ang mga ito.

"Honey, are you okay?"


oOo

10 [Mhelai]

Ilang hakbang na lang ang layo nila nang mapatigil sa pagtakbo si Jersey.

"S-san...da..li..." aniya. Hingal na hingal sya kahit di naman ganun kalayo ang tinakbo niya.

"Geez, Jersey," bulalas ni Illiana. "Ang hina mo talaga sa takbuhan."

Nagpeace sign lang sya sa kasama at humugot ng ilang malalalim na buntong-hininga. "Lakad na lang tayo," aniya.

"Hay, naku," Illiana rolled her eyes.

Ngumiti sya at muli sanang magsasalita nang isang sigaw ang marinig nila.

"Saklolo! Help!"

Agad syang naging alerto sya at tumingin sa direksyong pinanggalingan ng sigaw. Nanlaki ang mga mata nya nang masaksihan nya ang babaeng kasama ni Rachel na nagpapanic habang nakaalalay sa kapitbahay nilang tila namimilipit sa sakit ng tiyan at nakasalampak na sa malamig na semento ng parking lot.

"Oh my God!" bulalas nya.

Muli syang napatakbo palapit sa mga babae. Di na nya inintindi kung nakakasunod pa sa kanya si Illiana.

Nang marating nya ang kinaroroonan ng dalawang babae, agad syang lumuhod sa kabilang gilid ni Rachel.

"Rachel?" aniya. Kontrolado ang labas ng boses nya. 'Good. Be calm, Jersey. You're a nurse.'

Saglit na pinilit ni Rachel na ipokus ang tingin sa kanya sa kabila ng nararamdaman nito. Namumutla ito at pinagpapawisan.

"Jersey..."

"What happened?" tanong nya.

"Bi-bigla na lang su-sumakit ang tiyan ko," sagot nito at bahagyang ngumiti. Humanga siya rito dahil nagagawa pa nito iyon sa kalagayan nito. "Siguro, masyado akong na-hyper dahil sa nangyayaring gulo rito kanina."

She checked the woman's pulse. Medyo mas mabilis iyon sa karaniwan. Tiningnan rin niya ang mga hita ng babae. Walang dugo. Ibig sabihin ay safe ang baby nito. She heaved a sigh of relief. "How are you feeling?" aniya.

"T-terrible."

"Relax and breathe. Come on, inhale-exhale," utos nya.

Sinunod naman sya nito at sunud-sunod ang ginawang pag-iinhale-exhale. Mahigit sa tatlong minuto rin ang lumipas bago nag-improve ang kondisyon nito.

"Ahm..." sabat ng isang boses. Napatingin siya rito. "Malamig ang kalsada. Ang mabuti pa, ilipat natin si Rachel sa ibang lugar." Inilibot nito ang tingin sa paligid.

"Iupo natin sya sa hood ng car na yun," suhestiyon ni Illiana, sabay turo sa itim na sasakyan. "Di naman siguro magagalit ang may-ari."

"That's my car," wika ng di nya nakikilalang babae matapos sulyapan ang sasakyang itinuro ng kaibigan nya. "Kaya hindi magagalit ang may-ari," anito pa sa tonong nagbibiro.

Napangiti sya. She like the woman already. She seems nice and a bit naughty. Her air reminds her of her sister in law.

Pinagtulungan nilang alalayan si Rachel at pinaupo sa hood ng kotse ng bago nilang kakilala.

"Thank you," sabi ni Rachel. "By the way, this is Dunkey Fontanilla."

Namilog ang mga mata nya. "The Dunkey Fontanilla of Philippine Stats?" di makapaniwalang tanong nya at napatingin kay Illiana. Her friend is just smiling. Mukhang nakilala agad nito ang sikat na reporter na napangasawa ni Ran Fontanilla, one of infamous members of the Billionaire Boys Club.

"I am," pagconfirm ni Dunkey. Inabot nito ang kamay nya at kinamayan iyon. "Pero may equally famous ka ring kasama." Inilahad naman nito ang kamay sa kaibigan nya. "Ms. Illiana Pachecco. The famous Model."

Illiana shook hands with Dunkey. "I'm retired already."

"So, I heard. Sayang."

Nagkibit-balikat lang si Illiana saka binalingan si Rachel. "Asan ang kolokoy mong asawa? Bakit pinayagan ka nyang umalis ng mag-isa?"

"Siyanga," pagsegunda niya. "You're just on your third month. Delikado pa para sa inyo ng baby mo ang mga ganitong panahon."

"May dinaanan raw sya kaya pinauna na nya ako rito," sagot ng buntis. "Manonood kami ng concert ng Sentinel."

"Talaga? Yun rin ang sadya namin rito ni Illiana," aniya at nag-isip. "I don't think na dapat nyo pang ituloy ang panunuod. With what happened earlier..."

Bumuntong-hininga si Rachel. "I guess you're right. Tatawagan ko na lang si Melvin at yayayaing umuwi para makapagpahinga na kami ng baby namin. Ayoko ring mawala siya sa amin."

"Ako na lang ang tatawag sa kanya," prisinta ni Dunkey.

Agad namang ipinasa rito ni Rachel ang telepono nito. Madaling nacontact ng reporter ang kolokoy niyang kapitbahay. Matapos nitong makipag-usap sa lalaki, sinabi nito na pasugod na si Melvin sa kinaroroonan nila.

"Doon ko na lang hihintayin sa kotse ko si Melvin," maya-maya ay wika ng buntis. Umakma itong bababa ng hood ng kotse ni Dunkey ngunit pinigilan niya ito.
"Huwag ka na munang kumilos. Dumito ka lang at sasamahan ka na lang muna namin. Maaga pa naman." Binalingan nya si Dunkey. "I take it, you're here to cover the event for Philippine Stats?"

Tumango ang babae. "That's my second reason. The first is to support my brother in law."

Naalala nya na kapatid nga pala ng asawa nito si Tommy, ang vocalist ng Sentinel.

"You better go ahead, then. Kami na ang bahala kay Rachel. I'm a nurse, so she'll be taken cared of."

"Okay." nakangiting sagot nito. "Take care, Rachel."

"Salamat sa tulong."

"Thank you rin. Napaalis nyo ng anak mo ang mukhang perang sosyalera na nabangga ko kanina."

Nagkatawanan ang dalawang babae, bago nagpaalam si Dunkey. Ngunit bago ito nakaalis ay nagkarun ng panibagong problema.

"Anak ng teteng..." narinig nyang wika ni Illiana.
Sinundan nya ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan nya. Napangiwi sya nang may dalawang guwardiya na nasa tabi ng kotse ni Illiana. Ang isa ay panay ang katok sa bintana ng kotse.

Natapik ni Illiana ang noo. "Nakalimutan kong patayin ang makina ng kotse. At bawal iwan sa gitna ng parking lot."

"Patay."

"Puntahan ko na muna ang car."

"You'll be fine?" tanong nya.

"Oo naman," anito. "Gotta go."

Tumakbo si Illiana palayo. Nang marating nito ang kotse, agad itong nakipag-usap sa mga guwardiya. Akala nya, madaling mareresolba ang problema. Ngunit di katagalan, di na nagugustuhan ni Jersey ang nangyayari.

"Susundan ko si Illiana," galit na wika nya nang makitang hinawakan sa braso ang kaibigan. "Dunkey, pakibantayan si Rachel, pwde ba?"

"Sure."

Agad syang sumibad ng takbo, palayo.


oOo

11 [Jelen]

"Honey, are you okay?" bungad na tanong ni Melvin pagkakita kay Rachel, sabay patong ng kamay nito sa impis pa rin niyang tiyan. "Hindi ba dapat nag-iingat ka?nasa dangerous stage ka ng pagbubuntis. Baka mapaano kayo ng baby natin?" alalang sabi pa nito.

"Don't worry, I'm okay now. Masyado lang siguro akong natense kanina," aniya.

"Well, Dunkey here already explained what happened. Pero hindi ko pa ring maiwasang di mag-alala," anito.

"That's understandable," singit ng babaeng nananahimik lang habang nag-uusap silang mag-asawa.

Bumaling siya rito. "You are Dunkey Fontanilla. Thank you for helping my wife," sabay lahad ng kamay nito sa babae. "Im Melvin Osias".

"Nice meeting you, Mr. Osias. Actually hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan."

"Nandito sina Jersey at Illiana," sabad nya sa dalawa.

Napakunot noo si Melvin sa sinabi nya. "Anong ginagawa ng dalawang makulit na iyon rito?" Inilibot ang paningin sa paligid.

"The same reason we're here."

"Kung ganoon, nasan na sila?"

"Ayon sila," aniya at itinuro ang kabilang side ng parking lot kung saan nandoon ang dalawa babae na kausap ang dalawang guard.

"Mukhang naayos na nila ang problema," sabi ni Dunkey nung makita nitong umalis na ang guard at pabalik na ang dalawa babae kung saan sila naroroon.

"Melvin!" si Jersey. "Mabuti naman at nandito ka na." Pinalo nito sa kamay si Melvin. "How dare you! Bakit mo hinahayaan ang asawa mong magbiyaheng mag-isa? Isusumbong kita kay Kuya Alec. Siguradong ipapablacklist ka niya sa Rancho Estate."

"Asa ka. May bahay ako roon," sagot ng asawa niya. " Look, Jersey... Thank you for helping my wife."

"Drama!" biro ni Jersey. "What are neighbors are for? Para ka namang others." Bumaling ito sa kanya. "So, Rachel. Are you sure na okay ka na? Here," she handed her a bottle of mineral water. "Drink."

"Thanks," aniya. "Mas bumuti na ang pakiramdam ko. Lalo na't nandito na si Melvin." dugtong niya at yumakap sa asawa.

Gumanti din ng yakap si Melvin sa kanya at saka hinawakan ang kanyang tiyan as if protecting her and the baby.



oOo

12 [Glays]


NAPAPAKAMOT sa ulo si Paolo habang pinagmamasdan si Kai, ang kanyang pitong taong gulang na pamangkin na nakakapit sa hita ni Sassa--ang babaeng tinulungan nilang makapunta sa MOA Arena dahil nasiraan ng sasakyan--at tila walang balak na pakawalan ito.

"Hey, brat. Let go of my Sassa," nakaangil na sabi ni Tommy Fontanilla, ang bokalista ng Sentinel. Binigyang diin pa nito ang pangalawa sa huling salita.

Bumusangot si Kai. Napailing siya. Mukhang "mapapaaway" ang kanyang pamangkin. Kailangan na ba niyang mangialam o hihintayin niya kung hanggang saan tutungo ang "away" ng mga ito?

Ipinasok muna kasi sila ni Sassa sa backstage upang ipakilala sa nobyo nito. Siguro ay kung mag-isa niyang tinulungan si Sassa ay siya na ang tinitingnan ng matalim ng bokalista. Mabuti na lamang at kasama niya ang kanyang kasintahang si Maita.

Nang salubungin ni Sassa ng halik ang nobyo ay ganoon na lamang ang simangot ng pamangkin. Mukhang crush nito talaga si Sassa. Si Hitomi naman na kapatid nitong siyam na taong gulang ay kaagad na kinagiliwan ng ibang miyembro. Hayun at ang daldal nito habang kausap ang mga lalaki.

"She's my Sassa, too. She's my ojou-chan," sagot ni Kai.

"This means war," bulong niya kay Maita. Napahagikgik naman ang kanyang nobya.

"Yeah. Ang cute nilang mag-away. Wag mo munang sasawayin. Nag-eenjoy ako," sabi nito.

He pouted. "Baka naman naku-cute-an ka lang kay Tommy?"

Nakangising tiningnan siya nito. "Selos?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi, ah."

Sinundot nito ang kanyang tagiliran. "Weh? In-denial ka pa. Aminin mo nang patay na patay ka sa akin."

Madali naman siyang kausap. "Oo. Deads na deads ako sa'yo."

Nakita niyang namula ang mga pisngi nito. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling nakawan ito ng halik.

"Sassa, kids are not allowed here," ani Tommy.

"Hindi, ah. Tanong mo pa kay Hellene," nakangising sagot ni Sassa.

Nakita niyang nag-thumbs-up ang dalaga. Napapangiti na rin siya dahil mukhang sinasadya ni Sassa na mainis si Tommy. Binelatan ni Kai si Tommy. He groaned. Sassa just laughed.

"Tommy!"

Nilingon niya ang pinto. Lahat sila ay napalingon sa bagong dating at tila itinulos na kandila nang makilala kung sino ito.

Nagtatakang tumingin siya kay Maita.

"Kilala mo?"

Umiling ang dalaga. "No, but looks familiar to me."


~*~

Edited Version.

Hindi na natapos ang fic dahil naging busy na ang starter. Pero gusto kong tapusin ito, sa totoo lang. Hihihi!

Address

Quezon City

Telephone

09055004947

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Globo Pranings - We Love SSFKA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share