
18/07/2025
WORST AIRPORT IN THE WORLD?
NAIA, trending na naman… at hindi dahil sa magandang serbisyo.
Isang pasaherong nawalan ng alahas—kasama ang wedding ring nila ng asawa—ang muling nabigyan ng dahilan para kwestyunin ang seguridad sa paliparan.
"July 14th, I received an anonymous text saying my ring was hidden under the table at Gate 104. The APD quickly responded and recovered it..."
Pero teka, hindi lang basta “nahanap” ang singsing.
“The fact that this ring was not simply ‘found’ but strategically placed back in a location tied to the original incident suggests a deliberate effort to conceal the truth—or quietly undo a wrong.”
Masakit isipin na ang airport na sumasalubong sa milyun-milyong Pilipino at dayuhan taon-taon ay tila hindi ligtas sa mismong mga tao na dapat ay tagapangalaga nito.