07/07/2026
YOU SAY YOU’RE CALLED… BUT ARE YOU AVAILABLE?
Marami ang nagsasabing,
“Lord, gamitin Mo ako.”
Pero kapag dumating na ang tawag…
“Lord, sandali lang.”
Sa Lucas 9, tatlong tao ang gustong sumunod kay Jesus.
Pero lahat may kondisyon.
“Susunod ako… pero…”
“Hayaan mo muna…”
“Pagkatapos na lang…”
At dito tayo madalas bumabagsak.
Hindi sa kakulangan ng calling.
Kundi sa dami ng “pero.”
Ang problema ng maraming Kristiyano ay hindi rebellion.
Delay.
Hindi sila nagsasabing “No.”
Ang sinasabi nila ay…
“Later.”
Pero ang delayed obedience ay disobedience pa rin.
Kapag malinaw na ang sinabi ng Diyos, hindi na kailangan ng panibagong confirmation.
Kailangan na ng obedience.
Marami ang nagtatago sa mga bagay na mukhang tama.
“Busy ako.”
“Pinagpe-pray ko pa.”
“Hindi pa timing.”
“Marami pa akong aasikasuhin.”
Pero minsan…
Ang tinatawag nating wisdom ay takot na pala.
Ang tinatawag nating waiting ay pag-iwas na pala.
Kaya maraming buhay ang…
Busy but not fulfilled.
Active but not effective.
Moving but never arriving.
Pakinggan mo ito:
When you say YES to everything, you are saying NO to your calling.
Hindi lahat ng maganda ay galing sa Diyos.
Hindi lahat ng opportunity ay assignment.
At hindi lahat ng delay ay wisdom.
Kapag ang Diyos ang tumawag, may urgency.
Hindi Niya hinihingi ang perfect timing mo.
Hinihingi Niya ang obedience mo.
At tandaan mo ito:
Every calling comes with weight.
Responsibility is heavy.
Leadership is heavy.
Obedience is heavy.
Kung mabigat ang assignment mo, huwag mong isipin na pinarurusahan ka ng Diyos.
Ibig sabihin lang, pinagkakatiwalaan ka Niya.
Hindi basta-basta nagbibigay ng assignment ang Diyos.
Hindi Siya nagsasayang ng calling.
Kung binigyan ka Niya ng responsibilidad, nakita Niya ang capacity na inilagay Niya sa loob mo.
Kaya tigilan na ang pakikipag-negotiate sa Diyos.
The will of God does not respond to negotiation. It responds to obedience.
Tanungin mo ang sarili mo:
1. Ano ang matagal nang ipinapagawa sa’yo ng Diyos na hanggang ngayon ipinagpapaliban mo pa rin?
2. Ano ang malinaw nang sinabi ni Lord, pero ipinagpe-pray mo pa rin dahil ayaw mo lang sumunod?
Tandaan:
You were not called to be comfortable.
You were called to carry.
At bago ka dalhin ng Diyos sa MORE, kailangan mo munang maging tapat sa CALL.
— Pastor Kim 🔥