
28/04/2024
"Bakit hindi mo pa sundan anak mo? Malungkot ang isa lang ang anak at kawawa"
STORY TIME!
Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep papasok sa trabaho ng makasabay ko ang isa sa aming kapitbahay. Habang naglalakad binati niya ako ng Good Morning, papasok ka na? Sumagot naman ako ng Opo, nagtanong ulit siya ilan na nga ulit ang anak mo? Sabi ko isa lang po, sabay sabi niya "bakit di mo pa sundan? Malungkot yung anak mo pag mag isa lang kawawa naman" I smiled at her and said, Hindi pa po muna siguro sa ngayon dahil mahirap ang buhay.
After our conversation, napatanong ako sa sarili ko pano ba nasasabi ng ibang tao na malungkot ang buhay ng mga ONLY CHILD? bakit na madalas pag naririnig nila only child ay agad pumapasok sa isip nila ay kundi malungkot, spoiled at kawawa. Bakit ang daling manghusga? Para sabihin ko po sainyo HINDI SPOILED AT HINDI MALUNGKOT ANG ISANG ANAK LANG, HINDI SILA KAWAWA! I asked my child pag uwi ko ng bahay sabi ko malungkot ba sya at na pi-feel ba niyang kawawa siya dahil wala siyang kapatid, isang "HINDI PO" ang sagot niya, He even asked me kung sino daw nag sabi na kawawa sya for not having a sibling para ma explain niya daw how blessed he is for having us as his parents. And from there, I came to realize..
Mas KAWAWA ang batang isisilang ko dahil gusto ko lang siya mabigyan ng kapatid. Kawawa because hindi kami ready ng husband ko. Hindi ba mas kawawa ang mga batang maraming kapatid pero iresponsable ang magulang, mas kawawa ang mga batang maraming kapatid pero walang maayos na tahanan, hindi makapag aral at lageng walang laman ang sikmura dahil salat sa kahirapan, Mas pinili namin ni husband na hindi muna siya bigyan ng kapatid dahil pareho kaming hindi pa ready. I'm at my 30's with PCOS and ovarian cyst. Sabi ng OB sa edad ko ay high risk pregnancy na din, ok na ako ang mahirapan wag lang ang maggng bata sa loob ng sinapupunan ko. Physically, not prepared. Financially - sobrang mahal ng gatas at diaper, pano pa ung magiging gastos during pregnancy? check up, vitamins, etc. (Hindi ready ang bulsa namin) we don't have enough savings, Ayoko mag luwal ng bata sa mundo para lang mag suffer siya dahil wala kaming pangbili ng gatas.
Hubby and I choose na maging responsableng magulang. Ayaw namin na maging malungkot at kawawa ang magiging anak namin dahil hindi kami ready.
Hindi kawawa ang anak ko dahil only child siya, hindi siya malungkot dahil wala siyang kapatid, at higit sa lahat ay hindi rin siya spoiled. Pinalaki namin siya ng maayos, may disiplina, may takot sa Diyos at never niyang naramdaman na may kulang sakanya dahil lang sa wala siyang kapatid.