03/10/2025
Na aalala ko a years ago nung mag simula ako mag tinda lahat ng paninda naitinda kona ata.😄
Hanggat sa pati partner ko naimpluwensyahan ko na mag benta kami online.😌
Btw mga ka chikawings yung first pic yan ung mini space namin for pictorial, live, packing lahat dyan din kami nakain at natutulog, mga panahon na doon pa kami sa side ni partner naka pisan. Maliit ang space pero maraming happy memories lalo na diyan kami nag start.❤️ Super hassle at tambak talaga sa terrace pag may bulto kami since maliit lang talaga ang space, sabi ko noon sana dumating yung time na maka bukod tayo yung kahit papaano may big space or mas maganda ang set up or backround natin o di kaya magkaron tayo ng shop o pwesto.😁 Almost 4yrs din na pagtitinda namin yan ang space namin, pero ang naiisip ko lang ng mga oras na yun ay mag patuloy, hindi ako nag mamadali sa mga bagay bagay kumbaga sige lakad lang ng lakad makaka abante din.😊
Tapos ngayon na nakabukod na kami almost year narin, wala pa kaming shop o pwesto pero yung pangarap ko noon na may magandang lighting, backround, mas big space ay andito na kami.❤️
Ano yung gusto ko sabihin? Mag patuloy ka lang kasi hindi mo namamalayan na yung mga dating "soon" mo ay andun kana pala, minsan feeling mo walang abante kasi tinitignan mo yung wala, pero ang totoo meron. Bago mo tignan kung ano yung kulang, just learn to appreciate ano yung andiyan. Always remind ur self na dapat grateful ka maliit o malaking bagay man.❤️ Kapag kahit sa simpleng bagay ay puspusan ang pasasalamat mo, mas lalo kang pag papalain ng Panginoon.🙏
Ngayon, andito kami patuloy na nag papatuloy, minsan mag-papahinga pero babangon para sa pangarap. Sabi ko Lord i believe na yung pwesto na gusto namin soon ibibigay mo pero from now on mamahalin namin kung ano yung meron at pinagkakaloob mo sa ngayon!🙌
PADAYON!!❤️
-Mommy Chaii and Family