22/06/2026
SAAN GALING ANG GINAMIT NA MGA BARIL SA SHOOTING INCIDENT?
Pagmamay-ari ng isang policewoman mula Police Regional Office (PRO) 8 ang 9mm G***k na ginamit ng isa sa mga suspek sa shooting incident sa isang paaralan sa Tacloban, batay sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Col. Allen Rae Co.
Pamangkin umano ng naturang pulis ang isa sa mga suspek. Ayon kay Co, nasa ilalim na ng kustodiya ng Regional Police Office ang pulis at iniimbestigahan na.
“The PNP will ensure that she will face whatever necessary… cases na maipa-file sa kaniya for infidelity in the custody of her own firearm,” sabi ni Co sa isang press briefing.
Bukod sa 9mm G***k, isa pang baril — Caliber .38 — ang ginamit ng isa pa sa mga suspek. Nakarehistro ito sa isang security agency sa Cebu City. I via Jazz Paredes