
25/02/2024
Kabilang Buhay—MAYROON NGA BA?
"Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa"
"Kapiling na niya ang Panginoon"
"Ginawa na Siyang anghel sa langit"
"Sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno"
Narinig mo na ba ito? Totoo nga Kaya ito?
Iba-iba ang sagot sa mga tanong na ito, pero ang isang mahalagang susi para malaman ang katotohanan tungkol dito ay ang unawain nang tama kung ano ang nangyayari sa mga tao pagkamatay nila.
Nasaan na nga ba ang mga mahal natin sa buhay na namatay na?
🍀Dahil alam ng mga buháy na mamamatay sila, pero walang alam ang mga patay - Eclesiastes 9:5
🍀Ang hininga niya ay nawawala, bumabalik siya sa lupa
Sa araw ding iyon ay naglalaho ang pag-iisip niya-Awit 146:4
🍀Sinabi pa niya: “Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog, pero pupunta ako roon para gisingin siya....
‘Si Lazaro ay namatay.’ ”—Juan 11:11-14.
🍀Ang kaluluwang nagkakasala—ito mismo ay mamamatay.” (Ezekiel 18:4)
🍀Sinabi ni Jehova kay Adan: “Ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:19)
Kaya :Ang mga namatay ay nasa libingan lang. Andoon sila. Walang alam-Tulad ng isang mahimbing ang tulog.
Hindi nakakadama ng sakit at lungkot. Pero malapit na silang buhaying muli. Kailan? Kapag ginawa nang Paraiso ang buong lupa.
Kaya, lakasan ang inyong loob! Magtiis! Magalak habang naghihintay! Oo nakakalungkot at nakakamiss na sila pero malapit ng kumilos ang Diyos, sabik na sabik na Siyang makita ang mga namatay na tapat at ang mga hindi nagkaroon ng pagkakataon na makilala Siya (Juan 5:28,29)
Pakimessage po ako kung may tanong kayo tungkol dito. Tutulungan tayo ng Bible na masagot ito.