27/06/2025
Huwag Kang Maging Tagapagmana
Real Talk sa Trabaho, Leadership, at Respeto
Alam mo yung mga katrabaho na parang…
boss kung umasta,
hari kung mag-utos,
pero pag may kailangan nang gawin,
nawawala, busy, o di kaya… ’di ko trabaho ‘yan.’
At ito ang pinakamasakit:
Hindi sila boss.
Pero kung umasta, daig pa ang may-ari.
Sila yung tipong inuuna ang image kaysa impact,
yung gustong laging bida sa meeting,
pero wala naman sa field. Yung gusto ng recognition, pero allergic sa responsibilidad. Minsan, credit grabber pa maging bida lang.
Ang tawag sa ganyan?
“Tagapagmana ng kumpanya.”
Hindi dahil tunay na tagapagmana sila.
Pero kasi, parang lahat ng bagay, feeling entitled sila.
Wala sa pangalan nila ang kumpanya, pero parang kanila. Ang trabaho, parang option lang.
Pero ang opinyon, parang batas. Kung makautos, akala mo nasa payroll ka niya. Kung magalit pag di napag- bigyan, akala mo pag-aari buhay mo na di siya pwede tanggihan.
Hindi Mo Kailangan Maging Maingay Para Maging Mahalaga.
Minsan yung mga tahimik lang ,
yung hindi palasabat, hindi palabida,
sila pa yung nagtatrabaho ng sobra.
Sila yung nag-aadjust, sumasalo, gumagawa kahit hindi na part ng trabaho.
Pero hindi sila napapansin. Hindi rin narerecognize. Minsan sila pa minamalas.
Kasi sa mundong ‘to,
mas napapansin ang maingay kesa sa masipag.
Pero tandaan mo ‘to:
May Diyos. At may karma.
At sa huli, hindi volume ng boses ang sukatan, kundi bigat ng kontribusyon.
Kung Isa Ka Sa Tinamaan, Baka Panahon Nang Magbago.
Baka nga kasi ikaw yung magaling magsalita, pero kulang sa gawa.
Baka ikaw yung laging nauuna sa litrato, pero wala sa trabaho.
Baka ikaw yung nauuna sa evaluation, pero hindi sa ex*****on.
Reality check lang.
Hindi ka tagapagmana.
Lahat tayo, puwedeng palitan.
Puwedeng mawala.
At puwedeng malimutan.
So habang nandyan ka pa,
magtrabaho ka nang may puso, may respeto, at may silbi.
At Kung Isa Ka Sa Mga Tahimik Lang Pero Gumagawa…
Saludo ako sa’yo.
Kahit ‘di ka palaging nakikilala,
kahit ‘di ka man napromote pa,
tapat kang naglilingkod at may malasakit sa kapwa.
And that speaks louder than any power play.
Because real leadership is felt, not flaunted.
At hindi kailangang maging boss para makagawa ng pagbabago.
Hindi Mo Kailangang Maging Tagapagmana Para Mag-iwan ng Legacy.
You just need to work with integrity, humility, and consistency.
At kung ang trabaho mo ngayon ay tila walang nakakakita,
Huwag kang bibitaw, gawin mo lang lahat ng tama. At the end of the day, mas masarap matulog ng may maganda kang nagawa.
May Diyos.
May tamang panahon.
At may gantimpala sa mga gumagawa kahit walang pumapalakpak.