31/12/2025
PULOT-ARAL TAYO, KABAYAN.
Dating OFW si Kuya Ramon sa Saudi Arabia.
21 years siyang nagtrabaho doon.
May maayos na posisyon.
Malaki ang kita.
Pero sa sobrang pag-aaruga sa pamilya,
nakalimutan niya ang sarili niya.
Hindi siya nag-asawa.
Hindi siya nag-ipon para sa sarili.
Buong lakas at sweldo,
ibinuhos sa mga kapatid at pamangkin —
pinag-aral, pinagtapos, tinulungan.
December 2018, umuwi siya ng Pilipinas.
Hindi dahil tapos na ang kontrata,
kundi dahil hindi na kaya ng katawan.
Sa edad na 61,
dapat nagpapahinga na siya.
Dapat inaalagaan.
Pero kabaligtaran ang nangyari.
Nang tumigil ang padala…
nang wala nang maibigay…
unti-unti siyang nakalimutan.
Ngayon,
walang maayos na tirahan.
Madalas walang pagkain.
Sa Luneta na siya natutulog at naninirahan.
Masakit.
Pero totoo.
LIFE LESSONS:
✔️ Hindi masamang tumulong sa pamilya.
❌ Pero huwag mong ubusin ang sarili mo.
✔️ Tumulong.
✔️ Magbigay.
❌ Pero magtira ka para sa sarili mo.
❗ Hindi ka habang-buhay malakas.
❗ Hindi permanent ang trabaho.
Kaya matutong mag-ipon, mag-invest, at mag-negosyo.
Tanungin mo ang sarili mo ngayon:
“Kapag wala na akong trabaho… handa ba ako?”
Simple lang ang realizations,
pero sana may tinamaan.
At sana may nagising.