04/08/2025
Isang hindi matukoy na bagay sa himpapawid ang nakunan ng video ni YouScooper Jesselle Viguesilla Calanday sa Brgy. Caramay, Roxas, Palawan nitong Lunes, August 4, 2025, pasado 6 PM.
Sa pakikipag-ugnayan ng Super Radyo Palawan sa Philippine Space Agency, sinabi nila na nakatanggap din sila ng mga kaparehong ulat at patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng kanilang Technical Working Group on Orbital Debris Protocols kung may kinalaman ang mga ito sa Long March 12 rocket launch ng China.
Nitong Lunes ng hapon, naglabas ng paalala ang NDRRMC kaugnay ng mga posibleng debris mula sa naturang rocket na pinalipad ng China na posible raw umabot sa identified drop zone nito na tinatayang 21 NM (DZ 1) mula sa Puerto Princesa, Palawan at 18 NM (DZ 2) mula sa Tubbataha Reef Natural Park.
COURTESY: YouScooper Jesselle Viguesilla Calanday