03/09/2026
'SA HULI, SINO ANG TUNAY NA APEKTADO'⁉️
Noong August 28, nagbahagi sa kani-kanilang social media accounts sina Toni Fowler, Yumi Garcia, at Jen Oliveros ng mga post mula sa party na kanilang pinagsamahan.
Sinundan ito ng iba pang posts na naging usap-usapan online kaugnay sa isyung kinasasangkutan nila.
Nagbahagi pa si Jen ng isang pahayag tungkol sa pag-unawa sa “laro” ng social media. Samantala, “Main topic” naman ang naging caption ni Yumi sa isang larawan na ibinahagi niya online.
Makalipas ang ilang araw, napansin ng ilang netizens ang pananahimik nina Yumi at Jen habang patuloy na pinag-uusapan ang naturang isyu.
Samantala, napansin din ng ilang netizens na tila hindi na ma-search ang social media accounts nina Tyronia Fowler at ng kanyang mommy.