Dyaryo Ng Bayan Bandera Pilipino

Dyaryo Ng Bayan Bandera Pilipino The Dyaryo Ng Bayan BANDERA PILIPINO was launched in 2007 under RCB PUBLISHING HOUSE

LOOK: Marami ang natuwang ng makita at masilayan muli si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos dumalo sa ikatlong...
16/09/2026

LOOK: Marami ang natuwang ng makita at masilayan muli si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos dumalo sa ikatlong status conference sa International Criminal Court (ICC) para sa ka*ong crimes against humanity ngayong Miyerkules, Setyembre 16. I via RONALD BULA

(📸: ICC-CPI)

PARAÑAQUE NAKIISA SA NATIONWIDE CARAVAN NA "HANDOG NG PANGULO SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT"Namahagi ang pamahalaang lu...
16/09/2026

PARAÑAQUE NAKIISA SA NATIONWIDE CARAVAN NA "HANDOG NG PANGULO SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT"

Namahagi ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Edwin L. Olivarez ng cash assistance, libreng bigas, at iba pang serbisyo sa libu-libong residente sa Parañaque bilang pakikiisa sa nationwide caravan na "Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat" sa pagdiriwang ng ika-69 kaarawan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr..

Libu-libong residente sa Parañaque ang napagkalooban noong Lunes, Setyembre 14, ng libreng bigas at cash assistance, handog serbisyong pangkalusugan, at iba pang programa sa ilalim ng "Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat" nang sabay-sabay na idinaos sa iba't ibang lugar sa lungsod.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 2,000 residente na nakatanggap ng tig-P2,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at 2,375 PWDs naman ang nakatanggap ng tig-P3,000 sa Barangay San Dionisio.

Nasa 3,615 PWDs, mangingisda, social pensioners, at solo parents sa San Dionisio ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa ilalim ng ikaapat na yugto ng libreng bigas program.

36 naman na pamilyang walang permanenteng tirahan ang benepisyaryo ng Multi-riverside social housing project ng National Housing Authority sa Barangay Sto Niño ang nakatanggap ng Certificates of Lot Assignment.

Ang tulong pangkalusugan ay pinalawig din sa pamamagitan ng programang PhilHealth YAKAP, na nagsilbi sa 350 mag-aaral at g**o mula sa Parañaque City College at humigit-kumulang 2,000 parolees.

Maraming residente din sa lungsod ang nagkaroon ng access sa mga libreng legal na konsultasyon, abot-kayang mga produkto sa pamamagitan ng President's Kadiwa, at libreng sakay.

Ang serbisyo ng beterinaryo ng lungsod ay nagbibigay din ng libreng serbisyo tulad ng pagbabakuna laban sa rabies, deworming, at micro-chipping sa 100 alagang a*o at pusa.

Ang mga libreng serbisyo ay ginanap sa Parañaque Coliseum, Parañaque City College, Barangay Don Bosco Gym, Parañaque City Sports Complex, Ayala Malls Manila Bay, Sucat Road, at sa lumang Barangay San Dionisio Gym. (RONALD BULA)

14/09/2026

PANOORIN: Matinde ang tensyon sa Sultan Mandayan sa Matanog, Maguindanao del Norte ngayong Lunes, Setyembre 14, 2026, habang nagpapatuloy ang pagboto sa mga polling precinct.

Napilitang magpaputok ng warning shot ang isang pulis matapos umano itong mahirapang mapigilan ang mga nagtutulakang botante sa lugar.I via RONALD BULA

11/09/2026

VP SARA BINIRA SI PBBM, PAHIRAP UMANO SA BAYAN SINUNGALING ABUSADO AT WALANGHIYA

Hayagang binira ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang talumpati sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Quezon City ngayong araw, Setyembre 11, 2026.

Direkta niyang tinawag ang pangulo na "sinungaling," "abusado," "walang hiya," at sinabing "walang dala si Marcos kundi pahirap sa taumbayan." Kasabay nito, hayagan din niya itong pinagre-resign sa pwesto.

Naganap ang matinding banat ng bise presidente matapos kanselahin at iurong ang kanyang nakatakdang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kinakaharap nitong ka*ong grave threats. I via RONALD BULA

LOOK : Iniutos na ng Sandiganbayan Third Division na ikulong si dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City...
10/09/2026

LOOK : Iniutos na ng Sandiganbayan Third Division na ikulong si dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas. I via RONALD BULA

08/09/2026

PANUKALANG 5-YEAR TERM PARA SA BARANGAY, SK OFFICIALS PASADO NA SA KAMARA

Sa botong 211-13-1, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill no. 10971 na layong palawigin ang term of office ng barangay officials at Sangguniang Kabataan members sa limang taon.I via RONALD BULA

OFFICIAL MUGSHOT NI REP. ROMUALDEZOfficial mugshot ni dating House Speaker Martin Romualdez inilabas na ng DILG matapos ...
08/09/2026

OFFICIAL MUGSHOT NI REP. ROMUALDEZ

Official mugshot ni dating House Speaker Martin Romualdez inilabas na ng DILG matapos ihain ang kanyang warrant of arrest sa ka*ong plunder noong Lunes, Sept. 7. I via KAREN GRAMPIL

TINGNAN: Sumailalim na sa booking procedures si dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang arestuhin ng mga aw...
07/09/2026

TINGNAN: Sumailalim na sa booking procedures si dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad habang naka-confine sa isang ospital sa San Juan City.

Ayon kay CIDG-NCR chief PCol. John Guiagui, isinagawa ang proseso para sa ka*ong plunder matapos maisilbi ang warrant of arrest.

Dahil sa kanyang kalagayan, hindi muna inalis ang mga medical apparatus na nakakabit kay Romualdez habang isinasagawa ang booking procedures.

Inilagay lamang muna sa kanya ang detainee shirt. I via RONALD BULA

TINGNAN: Makikita si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez na nakahiga sa hospital bed matapos isilbi ang ...
07/09/2026

TINGNAN: Makikita si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez na nakahiga sa hospital bed matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay ng ₱7.4-bilyong ka*ong plunder na may kinalaman sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Naghain ng mosyon ang kongresista para sa hospital confinement dahil sa mga iniinda umano niyang karamdaman. I via KAREN GRAMPIL

📷: Not Mine

Higit 150,000 residente nakapag-enroll na sa PhilHealth YAKAP sa ParañaqueMahigit 150,000 residente ng Parañaque ang nag...
06/09/2026

Higit 150,000 residente nakapag-enroll na sa PhilHealth YAKAP sa Parañaque

Mahigit 150,000 residente ng Parañaque ang nagkapag-enroll na sa PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan) program ni Mayor Edwin Olivarez ang mga kwalipikadong residente na nagpatala at makakuha ng benepisyo sa kalusugan.

Sinabi ni Olivarez na ang dumaraming bilang ng mga enrollees ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagdadala ng mga pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga komunidad, partikular na ang mga serbisyong pang-iwas na makakatulong sa mga residente na matukoy ang mga problema sa kalusugan sa maagang yugto.

Ang kampanya ng pamahalaang lungsod na palawakin ang access sa mga serbisyo ng YAKAP ay nagpatuloy na nagsimula noong Miyerkules, Setyembre 2, sa pamamagitan ng PhilHealth Service Caravan sa Don Bosco Covered Court.

Sinabi ng alkalde na ang mga daycare learners at kanilang mga magulang ay nag-avail ng libreng dental checkup, cancer screening, blood test at laboratory examinations sa aktibidad.

Ang mga bitamina at gamot para sa hypertension at iba pang mga kondisyon na nangangailangan ng maintenance na gamot ay ginawang magagamit din sa mga benepisyaryo.

Hinikayat ni Olivarez ang mga residenteng hindi pa nakakapag-enroll na samantalahin ang programa. I via KAREN GRAMPIL

Address

25-C Doña Rosario Novaliches
Quezon City
1123

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dyaryo Ng Bayan Bandera Pilipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share