29/08/2026
Maraming salamat, 椿姉, sa napakagandang donation para sa TGA kiddos! Kahit na maulan ay nagpapaulan padin talaga ng biyaya!
Bukod sa mga Beyblade, may kasama pang stadium na siguradong mapapakinabangan ng ating mga bladers.
Ang mga donated na Beyblades ay balak nating ipadala sa ibang lugar na sakop ng ating community, para mas marami pang bata at players ang magkaroon ng pagkakataong makapag-Beyblade at makasali sa community. 💪
At syempre, may batang napadaan para bumili at agad ding nabigyan ng Beyblade! 🥹❤️ Nakakatuwang makita na unti-unting lumalawak ang community at mas maraming kabataan ang nahihilig sa Beyblade.
Abang-abang sa announcement para sa ating paparating na FREE TOURNAMENT! 🏆🌀
Maraming salamat sa suporta, Tsubaki Ane! Salamat sa pagtulong na mapalawak pa natin ang Beyblade community. ❤️