18/10/2025
Sa lengguwahe ng mga kilabot, sisiga-siga, magkakaintindihan lang kapag kaya mong isalita ang kanilang lengguwahe.
Marami ang mga biktimang natitinag, naduduro at natatakot sa pananakit nitong mga kilabot, mga siga, mga bully sa komunidad.
Alam nitong mga kilabot na bully, mahaba ang proseso at perwisyo kapag nagreport ang kanilang mga biktima sa Barangay at pulis. Dahil dito, karamihan sa mga biktima ay nawawalan ng ganang magreport.
Sa BITAG, itatabla namin ang laban. Itatama namin sa pamamagitan ng pagsunod sa batas. Ididikdik namin sa kukote ng mga siga't kilabot na 'to na hindi sila "above the law."
Bukas lagi ang aming tanggapan sa mga mahihina ang loob na tumayo laban sa mga siga't bully sa inyong lugar.
Panoorin sa BITAG Official, bukas, Linggo ng tanghali. Share and like this post.