05/11/2022
Eto naman ang apat na libro ko mula sa Mindmaster Publishing Inc.
Yung “Ang Kwento nina…” or “The Tale of…” ay tatlong istorya na rhyming style.
1) “Bentot Lembot at Ging-Ging Astig”ay kwento ng dalawang bata na may tanong sa kanilang pagkalalaki at pagkababae.
2) “Popi Puti at Mimim Makutim” ay kwento ng dalawang bata na may tanong tungkol sa kutis o panlabas na anyo.
3) “Ronron Meron at Lala Wala” ay kwento ng isang mayamang maangas na di pa sapat kung ano ang meron siya at isang mahirap na kuntento at masaya sa kung anong meron siya.
At isang tagalog love story tungkol sa mag-jowang taliwas ang paniniwala sa sugal. Ang “Wanna Bet on Love” ay para sa edad 14 pataas. Nailabas ko ang pagiging “babaeng bakla” bilang manunulat dito. Aaliwin kayo ni Aling Maring, ang katulong na magaling.
Lahat ito ay nasa Shopee o pwede magtanong kay Jaja Dacay Lorenzo sa fb messenger.