09/10/2025
A gentle : Kapag may tyaga, may nilaga, guys. Yung totoong nilaga kasi, matagal yan bago lumambot, bago lumabas yung lasa kaya kailangan talaga ng tyaga. PARANG YUNG GINAGAWA MO NGAYON... Nilalaga mo yung pangarap mo hanggang maluto ng maayos. Patience is a virtue, ika nga. Yung puyat niyo at pagod para sa katuparan ng pangarap niyo ay, may katapat yan, investments yan, yung oras at yung efforts mo, na ikaw din ang aani at makikinabang! At tulad ng nilaga🍲, makakain mo at ma eenjoy mo, pwede mo pang i share to the people you love!
So dahil may WAITING PERIOD habang nilalaga mo iyan, pero gutom na gutom ka na, ano ang gagawin mo? Pumapak. Papak! Haha! Hanap ka ng small foods to keep the extreme hunger at bay, at di ka mahilo o mahimatay.
What are these? Hanap ka ng small things to appreciate. Feed your heart and soul with appreciating small successes. Sometimes the small things are really what matter e, they are the real big things because they're the ones that keep us going, na madalas nating nalilimot that's why we feel that our hearts and souls feel that "lack." Having felt such hunger, our hearts and souls lose the drive and overflowing energy we once had, and seem like we can no longer proceed to achieve what we want. Walang energy, ubos na... Why? Because they are hungry. Feed them well.
Now, may mga nilagang buong araw or ilang araw pinapakuluan, lalo yung mga very special talaga. Hindi naman pwedeng hindi ka kakain bago maluto yung gusto mo. Hindi lang papak ang dapat mong gawin dito, full meal dapat. Hindi kaya ng papak kapag long term goals. Kailangan full meals. So look for things that really nourish you. Find inspirations to keep you going - try to be radically grateful and appreciative for what you have right here and right now. Open your heart and mind for loving experiences; remember with gladness those you love and those who love you, and feel really inspired. Spend beautiful moments with yourself thinking of all the gifts you received in life, create good memories with your family, and with your special person, if any. Do whatever you can to feed your soul with joy, love, and happiness, so you can keep on going. Find anything that make you heart feel warmth and make it sing!
Hindi pwedeng, "ui kain ka na," tapos ikaw "mamaya na, mamaya na," yung kaka mamaya mo, nahimatay ka na, bumaksak na katawan mo, nagkasakit ka na. Mas lalo mong hindi makukuha ang pangarap mo o gusto mo. This is true and it often happens when we forget what truly matters in the moment. Nauupos ang tao without proper nourishments. Totoo din ito kapag ang puso pati na damdamin ay gutom.
You really have to feed yourself (physically, and for purposes of this post, emotionally) while waiting. Ito ang dahilan kung bakit tila baga nauupos na kandila ang ibang tao, nalilimot nilang kumain along the way, they skip important things because they are too focused in the future they forget to feed themselves in the process. So nagkakasakit na sila, at nauupos ang damdamin nila. HINDI PALA DAHIL IMPOSIBLE ANG GUSTO NILA - GUTOM PALA ANG DAMDAMIN NILA. Take wonderful and full meals too and continue looking after that special nilaga of yours.
Have you ever experienced na nakapag pahinga ka naman, ang haba nga ng tulog mo, pero wala ka pa ring energy? The body was fed and rested, but the heart and soul are hungry. We are too focused in the future, we forget to feed our hearts and souls in the process - in the present moment.
Appreciate what you have, appreciate each success sa bawat benta ng produkto mo, sa bawat subject na napasa mo, sa bawat tao na mabuti sa iyo, see the faces of your loved ones and appreciate each and everyone. FEED YOUR SOUL while waiting for the main dish so to speak. Start with the small things, and eventually you see, you won't mind the waiting period because you find yourself not that hungry anymore, you no longer cook that nilaga dahil gutom gutom na gutom ka, but because you just want to enjoy its taste and the fulfillment it brings. Nawala yung "desperation" naging enjoyment, naging kaligayahan ang pag gawa nito.
Kapag pumapak ka, kumain habang niluluto mo ang nilaga mo, hindi ka magkaka ulcer sa gutom. Hindi ka mabubunsol - hindi ka mahihimatay. Dahil kapag nabunsol ka sa gutom, at nahimatay ka, baka yung niluluto mo, masayang lang.
Sipag, tyaga, at diskarte guys. 💪🤓♥️⚡🧛♂️✨📚⚖🎉
Papapakin at pakainin hindi lang ang katawan, pati na rin puso at damdamin. Huwag silang gugutumin. Dahil kapag gutom iyan, baka hindi tayo makakarating. Nourish nourish nourish the body and soul along the way para makarating tayo sa gusto natin.
Tandaan din, with correct investments, walang sayang.
Atty Rob Gozun 🧛♂️♥️⚡
- IL Terrazzo, Tomas Morato, Q.C.