
02/07/2025
• Gusto mo ba ng gobyernong puwedeng magdagdag ng bilyon-bilyong pondo sa isang probisyon na hindi mo alam kung kanino galing?
• Gusto mo ba ng batas na pinagtibay ng mga usapang hindi natin narinig, ni nabasa man lang sa transcript?
• Gusto mo ba ng lider na naglalagay ng pangalan sa proyekto, pero hindi umaako sa desisyong ginawa sa dilim?
• Gusto mo ba ng sistemang ginagamit lang ang salitang transparency, pero nilalapastangan ito sa mismong proseso ng paggawa ng batas?
Kung hindi mo gusto ang sistemang ito, tulungan mo kaming magpanawagan ng liwanag. I-share mo ang post na ito. Tanungin mo ang kinatawan mo sa Kongreso: Bakit walang livestream sa bicam? Ano ang tinatago ninyo? Gusto ba talaga nating magtiwala sa sistemang ayaw magtiwala sa mamamayan?
Ang Dilim sa Bicam: Bakit Dapat Liwanagin ang Pinakamakapangyarihang Komite ng Kongreso
Sa lahat ng bahagi ng Kongreso, ang Bicameral Conference Committee o bicam ang isa sa may pinakamalaking kapangyarihan ngunit pinakamaliit na transparency. Dito nagkakatagpo ang mga piling miyembro ng Senado at Kamara para ayusin ang mga pagkakaiba ng kanilang bersyon ng panukalang batas, alinsunod sa Article VI, Section 26(2) ng 1987 Philippine Constitution. Ngunit sa aktwal na proseso, dito rin nangyayari ang mga probisyong tinatawag na "last-minute insertions" o mga probisyong hindi napag-usapan sa plenaryo ng alinmang kapulungan, pero lumilitaw sa pinal na bersyon ng batas.
Sa maraming kasaysayan ng budget legislation sa Pilipinas, inirereklamo ang kawalan ng transparency ng bicam. Halimbawa, sa 2023 General Appropriations Act, iniulat ng ilang mambabatas tulad nina Sen. Koko Pimentel at dating Sen. Ping Lacson ang pagkakaroon ng lump-sum funds at mga pondong ipinasok sa bicam na hindi malinaw ang pinanggalingan o layunin. Walang full public access sa proceedings, at walang requirement para sa full minutes o stenographic records.
• Wala tayong public access sa full transcripts o video recordings ng mga bicam proceedings
• Wala ring batas o House/Senate rule na nag-o-obliga na pangalanan ang nagpanukala ng specific insertions o amendments sa bicam
• Hindi accessible sa publiko ang comparative matrix ng original House at Senate versions at kung paano ito naresolba
Sa mga bansang may mataas na antas ng transparency at mababang antas ng corruption gaya ng Sweden, Norway, Finland, at New Zealand, ang mga legislative proceedings kabilang ang budget hearings at committee meetings ay open to the public and livestreamed or published online. Sa New Zealand Parliament, ang mga Select Committee sessions ay available via livestream at may archived videos sa kanilang opisyal na website. Sa Finland, lahat ng amendments ay documented publicly at may records kung sinong MP ang may akda. Sa Sweden, nakatala ang bawat parliamentary debate at committee decision para sa pampublikong pagsusuri.
Sa Pilipinas, ang bicam proceedings ay hindi open sa publiko, at ayon sa mga kasalukuyang Senate at House rules, ang bicam committee ay may discretion kung paano ito magkokonsulta, kaya nananatili itong isang “closed-door” negotiation. Wala ring requirement na ipakita sa publiko ang breakdown ng insertions o amendments, maliban kung boluntaryong ibinunyag ng miyembro ng komite.
Ano ang dapat nating gawin:
• Gawin nang regular ang livestreaming ng lahat ng bicameral conference committee meetings na may dokumentado at naka-archive na public record
• Isa-publiko ang pangalan ng bawat miyembro na nagpanukala ng insertions o amendments
• I-upload online ang comparative matrix ng House at Senate versions kasama ang final bicam reconciled version, at ang dahilan ng bawat pagbabago
• Magbigay ng public comment period para sa mga panukalang batas na nagdaan sa bicam bago ito iratipika
Hindi ito simpleng isyu ng transparency. Ayon sa Article III, Section 7 ng Konstitusyon, “The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized.” Dagdag pa rito, sa landmark case ng Legaspi v. Civil Service Commission (1987), sinabi ng Korte Suprema na may obligasyon ang gobyerno na payagan ang access sa impormasyon kung ito’y may kaugnayan sa pampublikong interes. Kung ang budget ay nagmumula sa buwis ng mamamayan, obligasyon ng pamahalaan na ipaliwanag kung paano ito pinagpapasiyahan, lalo na sa huling yugto ng batas kung saan kulang ang pag-uulat at halos wala ang accountability.
Kung ganito ang sistema ngayon na walang liwanag, walang record, at walang pananagutan, anong klaseng pamahalaan ang tinatanggap natin?
• Gusto mo ba ng gobyernong puwedeng magdagdag ng bilyon-bilyong pondo sa isang probisyon na hindi mo alam kung kanino galing?
• Gusto mo ba ng batas na pinagtibay ng mga usapang hindi natin narinig, ni nabasa man lang sa transcript?
• Gusto mo ba ng lider na naglalagay ng pangalan sa proyekto, pero hindi umaako sa desisyong ginawa sa dilim?
• Gusto mo ba ng sistemang ginagamit lang ang salitang transparency, pero nilalapastangan ito sa mismong proseso ng paggawa ng batas?
Kung hindi mo gusto ang sistemang ito, tulungan mo kaming magpanawagan ng liwanag. I-share mo ang post na ito. Tanungin mo ang kinatawan mo sa Kongreso: Bakit walang livestream sa bicam? Ano ang tinatago ninyo? Gusto ba talaga nating magtiwala sa sistemang ayaw magtiwala sa mamamayan?
—
Comment the following for the post to reach more Filipinos:
1.
2.
Support your favorite unpaid troll-slayer. Keep this page independent—dahil ang utang na loob ko ay sa taumbayan. Donate to help fight fake news and fuel my chismis with receipts: https://www.facebook.com/share/p/1ZnstFdqTo/?mibextid=wwXIfr