21/01/2026
Natry mo nadin ba itong Mercury Drugs Health Check Self Service Kiosk?
Most of the Mercury Drugs Store meron nyan, and dati nahihiya akong gumamit nyan... kasi parang eksena malapit sa Cashier e. Buti nalang sobrang baet din ng manong guard dyan kasi iaassist ka nya. Tapos it's good to know din kahit papano yung iyong health. Specially yung Body Mass Index mo. Dyan mo malalaman kung akma pa ba yung iyong timbang sa height mo! O diba? Though hindi po lahat ay accurate dyan 100%, iba padin yung meron kang self-awareness. Pero syempre pag may nararamdaman po kayong kakaiba, mag consult na po kayo agad sa doctor.
Kayo, wag na kayong mahiya at magtry nadin kayo. :)