28/11/2025
P275-M Flood Control Project sa Arayat, “completed” daw—pero bakit hindi pa rin humuhupa ang baha?
Halos Php 275 milyon ang ginastos ng gobyerno para sa Candating Flood Control Project sa Arayat, Pampanga. Idineklara ng DPWH na tapos na raw ang proyekto noong Nobyembre 2024.
Pero ang katotohanan?
🔸 Hindi pa ito tapos.
🔸 Agad nasira dahil “substandard” ang materyales at pagkagawa.
🔸 Hanggang ngayon, baha pa rin ang problema ng mga residente.
Sa Macabebe naman, higit 6 na buwan nang lubog sa tubig ang maraming kabahayan sa Barangay San Vicente. Apektado ang kabuhayan at lalo na ang kalusugan—maraming nagkasakit ng dengue dahil sa dami ng lamok.
Kung maayos lang sana ang pagganap ng tungkulin ng lahat ng mga nasa pamahalaan at tapat na nagamit ang pondo mula sa kaban ng bayan, hindi sana dinaranas ng ating mga kababayan ang ganitong paghihirap.