
08/07/2025
17 PINOY SEAFARERS NAKALIGTAS SA PAG-ATAKE NG HOUTHI REBELS SA RED SEA
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa ligtas na kondisyon ang labingpitong Filipino seafarers at dalawa (2) pang crew ng isang bulk carrier matapos makaligtas sa pag-atake ng Houthi rebels habang naglalayag sila sa Red Sea malapit sa Hodeidah, Yemen.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac nangyari ang insidente noong July 6 kung saan habang naglalayag ang Liberian flag vessel na MV Magic Seas inatake sila ng mga rebeldeng sakay ng maliliit na bangka na armado ng automatic weapons at rocket propelled gr***de.
Nagawa namang makaganti ng putok ng apat na security team ng barko kaya natakasan nila ang mga rebelde.
Sinabi ni Cacdac na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa Licensed Mining Agency ng barko at sa iba pang ahensya ng pamahalaan para mapauwi ng bansa ang mga Pinoy seafarers.
Pansamantala silang namamalagi sa isang hotel sa Djibouti sa East Africia kasama ang iba pang dayuhang crew ng barko.
Ulat ni Donabelle Dominguez-Cargullo ( News Flash PH )