
26/05/2025
Hugs mga ka-TRES. 🥹
ANO'NG LAST DIGIT NG PLATE NUMBER MO, KAPATID?
Nakatakda nang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang odd-even scheme sa EDSA simula Lunes, June 16.
Paliwanag ni News5 Chief Data Expert Edson Guido, ang mga plakang 3 at 7 ang "biggest losers" sa bagong polisiyang ito dahil isang beses lamang sa bawat weekday makadadaan sa EDSA ang mga sasakyang ito. "Mas maswerte" naman ang mga plakang 4 at 8 dahil tatlong beses magagamit ang daan sa kada weekday.