22/10/2024
NOT FEELING WELL: DIGONG, 'DI MAKADADALO SA QUAD COMM HEARING. “Unfortunately, despite his keen intention to attend, my client respectfully manifests that he cannot attend the public hearing set on 22 October 2024,” sabi ni Atty. Martin Delgra III, legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa susunod na pagdinig ng House Quad Committee at dahil masama ang kanyang pakiramdam ay hindi ito muna mangyayari, abiso ng kanyang legal counsel na si Martin Delgra III.
Ayon kay Delgra, dumating si Duterte sa Davao City nitong Oktubre 17 at natanggap niya ang imbitasyon ng Quad Committee noong sumunod na araw.
Sinabi pa ni Delgra na pumayag si Duterte na magpakita sa ika-siyam na pagdinig ng joint panel upang ihayag ang kanyang panig hinggil sa diumano'y kanyang pagkakasangkot sa extra judicial killings sa ipinatupad na "war on drugs" noong ito ay nakapuwesto pa sa Malacanang subalit nakiusap ito na itakda ang hearing pagkalipas ng Nobyembre 1.
Ang liham ni Duterte, na nilagdaan ni Delgra at may petsang Oktubre 21, 2024, ay naka-address kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, na siya ring chairman ng joint panel.
Idiin din si Duterte ng self-confessed killer na si Leopoldo Tan sa pagpatay ng tatlong Chinese drug lord sa loob ng kanilang piitan sa Davao Prison and Penal Farm noong Agosto 2016.