24/07/2025
'THE MOST POWERFUL THING YOU CAN DO IS WALK AWAY AND SET YOURSELF FREE'
Iyan ang naging saad ni Yen Santos matapos mapag-usapan ang kanyang past relationship sa recent YouTube vlog nito.
"What happened to your last relationship?" tanong kay Yen.
"Napakalaking blessing na natapos na ‘yon. Malaking blessing na nagising na 'ko dun sa nightmare na ‘yon and I walked away kasi hindi talaga worth it. It wasn’t worth wasting my time, my energy, sa someone na kino-control ka, mina-manipulate ka. That kind of life drains you and you lose yourself in the process. So hindi mo gugustuhin talaga 'yung gano'ng klaseng buhay," saad niya.
"And minsan, the most powerful thing you can do is walk away and set yourself free. Piliin mo ‘yung sarili mo talaga. Sa una, kasi hindi naman ‘yan magpapakilala eh. The person I met in the beginning, that wasn’t really him. The one I saw in the end, ‘yun talaga siya," wika pa niya.
"Syempre sa una hindi naman 'yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh kasi gagawin nila lahat para makuha ‘yung loob mo. Tapos kapag nakuha na 'yung loob mo. Unti-unti na 'yan, dun na lalabas 'yung totoong pagkatao nila. And syempre, ako din, sa part ko, nahulog ako dun eh. Naniwala ako sa lahat ng mga pinakita nung una," dagdag pa niya.
"Kahit ga’no ko jina-justify dati na okay naman kami, masaya naman kami pero you know deep down, may mga taong nasaktan dun sa maling choices mo and it was wrong. Para sa 'kin, 'yung gano'ng klaseng tao, matatauhan ka talaga kapag ganun ka tinatrato and 'yun ang mahalaga... tapos na. And mas maayos 'yung takbo ng buhay ngayon," dagdag pa niyang muli.
(YouTube/Yen Santos)