DZUR News

DZUR News DZUR-FM (107.9 FM), broadcasting as 107.9 DZUR News, is a radio station owned by Reliance Broadcasting Unlimited and operated by One Broadcasting Company.

Balita Pa at Musika, Pinagkakatiwalaan.

BASAHIN: Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng bomb threat mula sa isang indibidwal na ipinadala sa opis...
17/09/2026

BASAHIN: Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng bomb threat mula sa isang indibidwal na ipinadala sa opisyal na page ng lungsod.

Agad namang nagsagawa ng sweeping at inspeksyon ang mga awtoridad sa buong Quezon City Hall compound, ngunit walang natagpuang kahina-hinalang bagay.

Iniimbestigahan na ito ngayon ng Quezon City Police District katuwang ang PNP Anti-Cybercrime Group upang matukoy ang pinagmulan ng banta.


OBC NEWS DEVELOPMENT: Police officers discovered the victim's body wrapped and stuffed inside the appliance after concer...
17/09/2026

OBC NEWS DEVELOPMENT: Police officers discovered the victim's body wrapped and stuffed inside the appliance after concerned neighbors reported a foul odor emanating from the unit.

Investigating officers revealed that the victim's live-in partner was the last person seen leaving the residence before the discovery. Law enforcement personnel have launched a manhunt operation to locate and apprehend the suspect as crime scene investigators gather forensic evidence from the apartment.

17/09/2026
Natagpuang wala nang buhay ang isang 30-anyos na babae sa loob ng itim na refrigerator sa isang apartment sa Barangay Sa...
17/09/2026

Natagpuang wala nang buhay ang isang 30-anyos na babae sa loob ng itim na refrigerator sa isang apartment sa Barangay San Jose, Rodriguez (Montalban), Rizal nitong Miyerkules, Setyembre 16.

Ayon sa inisyal na ulat, unang nagtungo ang landowner sa tirahan noong Setyembre 10 ngunit walang sumagot. Bumalik ito kinabukasan, subalit wala pa rin ang nakasagot.

Noong Setyembre 16, napansin umano ang masangsang na amoy mula sa bahay kaya ipinaalam ang insidente sa may-ari ng apartment at kalaunan sa mga awtoridad.

Pagdating ng mga pulis, dito nadiskubre ang bangkay ng babae na nakasilid sa loob ng refrigerator.

Ayon kay PLt. Col. Arwyn Gaffud, hepe ng Rodriguez MPS, person of interest ang lalaking huling nakasama ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang paghahanap ng mga CCTV sa paligid upang matukoy ang mga pangyayari. Patuloy rin ang pagkilala sa biktima.

Tinatayang may taas na 5’2”–5’3”, maputi at balingkinitan ang pangangatawan ang biktima.

JUST IN: Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na isasailalim ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ...
17/09/2026

JUST IN: Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na isasailalim ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert status para sa anibersaryo ng Martial Law sa Lunes, September 21.

Sa press briefing na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Spokesperson PCOL. Allen Rae Co na ang nasabing status ay epektibo na ng 12:01 ng madaling araw ng Sabado, September 19.

Kaugnay nito, nasa higit 15,000 na mga pulis ang ide-deploy sa Metro Manila para sa nasabing posibleng aktibidad.

Sa ngayon, ay wala namang namo-monitor na banta ang PNP para sa September 21.

17/09/2026

Umanaw ng matinding pambabatikos si Miss Hart matapos kumalat ang panibagong video kung saan hayagan nitong pinalagan at minura ang probisyon ng batas at ang mga bumuo sa Republic Act No. 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998, na inamyendahan ng R.A. 10631.

Nagmula ang galit ng publiko sa unang viral livestream kung saan diumano'y ipinahuli, ipinag-utos na bugbugin, at ipinapatay ni Miss Hart ang dalawang a*o matapos sirain ang kaniyang mamahaling tsinelas. Sa kabila ng mga paalala ng mga netizen at mga animal welfare advocates na labag sa batas ang kaniyang ginawa, tinawag pa umano ng vlogger na "abnormal" ang mga nagsulong ng batas at sinabing hindi siya mag-aalinlangang pumatay ng a*o sa harap mismo ng may-ari nito kung magiging perwisyo ito sa kaniya.

Dahil dito, pormal nang naghain ng ka*o ang grupong Animal Kingdom Foundation (AKF) at iba pang tagapagtaguyod ng animal rights laban sa vlogger para sa paglabag sa Animal Welfare Act. Nakuha na rin at naisalin sa pangangalaga ng AKF ang tatlong a*o mula sa Lemery, Batangas upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Paalala ng mga awtoridad at animal welfare groups, hindi lisensya ang damage sa ari-arian upang saktan o patayin ang mga hayop. Manatiling nakatutok sa ating patuloy na pagsubaybay sa ka*ong ito.



COURTESY: BAKLANG HART YU

17/09/2026

PROSECUTION PANEL, NANAWAGAN NG PANTAY NA PAGPAPATUPAD NG SUB JUDICE RULE

Nanawagan ang prosecution panel ng patas at pantay na pagpapatupad ng sub judice rule sa lahat ng sangkot sa impeachment trial.

Ayon kay Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa, nararapat umanong imbestigahan ang mga pahayag na posibleng makaapekto sa integridad ng Senate Impeachment Court, anuman ang pagkakakilanlan ng mga naghayag nito.

Inihayag ito ni Tolosa matapos maglabas ang impeachment court ng show-cause orders laban sa ilang miyembro ng House prosecution panel dahil sa posibleng paglabag sa Rule 18 o sub judice rule.


Bumisita si Pinay tennis ace Alex Eala sa kanyang alma mater na Colegio San Agustin-Makati nitong Setyembre 16.Malugod s...
17/09/2026

Bumisita si Pinay tennis ace Alex Eala sa kanyang alma mater na Colegio San Agustin-Makati nitong Setyembre 16.

Malugod siyang sinalubong ng mga opisyal ng paaralan, kabilang si School Rector Fr. Dante M. Bendoy at Vice-Rector Fr. Julian C. Mazana, na matagal nang sumusuporta sa kanyang tennis career.

Nag-practice din si Eala sandali, bilang bahagi ng kanyang homecoming sa paaralang unang humubog sa kanyang passion sa tennis.



📸 Colegio San Agustin Makati

117 PASAHERO AT CREW, NAILIGTAS MULA SA SUMADSAD NA ROROLigtas na nakababa ang nasa 117 pasahero at crew ng passenger ve...
17/09/2026

117 PASAHERO AT CREW, NAILIGTAS MULA SA SUMADSAD NA RORO

Ligtas na nakababa ang nasa 117 pasahero at crew ng passenger vessel na Roromaster 5 matapos itong sumadsad malapit sa Sitio Sigman, Barangay Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro, madaling araw nitong Huwebes, Sept. 17, 2026.

Galing Batangas Port ang barko nang mangyari ang insidente bandang 12:30 AM.

Bandang 7 AM ay nakababa na ang mga sakay nito at nabigyan ng medical checkup, pagkain, tubig at transportasyon patungo sa Abra de Ilog Pier.



Courtesy: Abra de Ilog MDRRMO

BASAHIN: OPISYAL NA PAHAYAG NG DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (DICT)Ipinahahayag ng Department ...
17/09/2026

BASAHIN: OPISYAL NA PAHAYAG NG DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (DICT)

Ipinahahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang buong paggalang sa paggamit ng Kamara de Representantes sa kanilang oversight powers kasunod ng paggawad ng deferment sa panukalang 2027 budget ng kagawaran dahil sa mga hindi pa na*osolusyunang usapin kaugnay ng kumpanyang Meta.

Binigyang-diin ng DICT na habang ang ibang mga teknolohiyang plataporma ay nagpapakita ng makabuluhang pakikipagtulungan at konkretong pag-unlad sa pagprotekta sa mga gumagamit, patuloy na nagkukulang ang Meta sa kanilang responsibilidad at komitment para sa kaligtasan ng mga kabataan.

Ang paulit-ulit na kabiguan ng mga tech giant na tugunan ang mga banta sa kabataan ay nagdudulot ng pagkasira ng tiwala ng publiko. Dahil dito, naninindigan ang DICT na hindi pwedeng isantabi at 'non-negotiable' ang proteksyon ng mga bata at ng mamamayang Pilipino online.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang DICT sa Kongreso, mga law enforcement agency, child protection groups, at iba pang tech companies upang magpatupad ng mas mahigpit na regulatory controls at maisulong ang isang mas ligtas na digital space para sa lahat.



COUTESY: DICT

Address

PBC Broadcast Center, Kalayaan Avenue Diliman
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZUR News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category