Pinoy Weekly

Pinoy Weekly Voice of the Marginalized Pinoy

TINGNAN | Pagkatapos ng program sa Luneta, nagmartsa ang libo-libong mamamayan patungong Mendiola bitbit ang effigy nina...
30/11/2025

TINGNAN | Pagkatapos ng program sa Luneta, nagmartsa ang libo-libong mamamayan patungong Mendiola bitbit ang effigy nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte. /Macky Macaspac

TINGNAN | "I am doing this for your children and grandchildren," sabi ni Sr. Carmel Cosico, 86, ng Canossian Sisters. Pi...
30/11/2025

TINGNAN | "I am doing this for your children and grandchildren," sabi ni Sr. Carmel Cosico, 86, ng Canossian Sisters. Pinakamatanda na siya sa kanilang kongregasyon na nagtipon sa EDSA People Power Monument mula pa sa mga bayan sa Laguna at Batangas.

Sabay ang kanilang panawagan at pananalangin habang idinadaos ang ecumenical and interfaith service ng Trillion Peso March. /Andrea Jobelle Adan

TINGNAN | Nagbigay ng mensahe sa   2.0 ang mga artista tulad nina Mae Paner AKA Juana Change at at Bibeth Orteza na bina...
30/11/2025

TINGNAN | Nagbigay ng mensahe sa 2.0 ang mga artista tulad nina Mae Paner AKA Juana Change at at Bibeth Orteza na binasa ang menahe ni Gina Alajanar. /Marc Lino J. Abila

TINGNAN | Nagsama-sama ang mga lider-estudyante ng mga UAAP school para manawagan ng pagkakaisa sa hanay ng kabataang es...
30/11/2025

TINGNAN | Nagsama-sama ang mga lider-estudyante ng mga UAAP school para manawagan ng pagkakaisa sa hanay ng kabataang estudyante laban sa korupsiyon. /Marc Lino J. Abila

TINGNAN | Pormal nang binuksan ang programa ng   2.0 ngayong umaga sa isang panalangin ng iba’t ibang Kristiyanong grupo...
30/11/2025

TINGNAN | Pormal nang binuksan ang programa ng 2.0 ngayong umaga sa isang panalangin ng iba’t ibang Kristiyanong grupo. /Marc Lino J. Abila

TINGNAN | Nasa Luneta, Maynila na ang mga kalahok sa protesta ngayong Araw ni Bonifacio na tinawag na “  2.0” para igiit...
30/11/2025

TINGNAN | Nasa Luneta, Maynila na ang mga kalahok sa protesta ngayong Araw ni Bonifacio na tinawag na “ 2.0” para igiit ang pagpapanagot sa mga sangkot sa korupsiyon at katiwalian lalo na sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte. /Marc Lino J. Abila

Ngayong Unang Linggo ng Adbiyento, sa pagsisimula ng bagong taong liturhikal, tayo’y inaanyayahang magnilay kung gaano t...
29/11/2025

Ngayong Unang Linggo ng Adbiyento, sa pagsisimula ng bagong taong liturhikal, tayo’y inaanyayahang magnilay kung gaano tayo kahanda. Basahin ang pagninilay ni Anjon Fredrick C. Mamunta, SSP: https://tinyurl.com/rn2w8rjn ✍️

29/11/2025

TINGNAN l “Pack up na, mga korap!” giit ng mga manggagawa sa pelikula sa press conference ng Film Workers Against Corruption (FWAC) sa UPFI Film Center nitong umaga ng Nob. 28.

Binubuo ang FWAC ng mga direktor, editor, writer, production designer at lahat ng mga manggagawa sa likod ng kamera. Nanawagan sila ng mas maayos, ligtas at makataong kalagayan sa trabaho.

Ipinahayag nila ang suporta sa nalalapit na protesta sa Nob. 30 na Baha sa Luneta 2.0 upang ipanawagan ang pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian. /Arabella Mariano at Milyn Carreon

Ipinanganak ang bantog na food technologist at bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na si Maria Orosa noong Nob. 29, ...
29/11/2025

Ipinanganak ang bantog na food technologist at bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na si Maria Orosa noong Nob. 29, 1892 sa Taal, Batangas.

BASAHIN: https://tinyurl.com/3kvw94us 🔗

Tunay na may dahilan para ipagbunyi ang tagumpay ngayon. Tandaan lang marami pang kailangang ipaglaban kinabukasan. Basa...
29/11/2025

Tunay na may dahilan para ipagbunyi ang tagumpay ngayon. Tandaan lang marami pang kailangang ipaglaban kinabukasan. Basahin ang kolum ni Danilo Araña Arao: https://tinyurl.com/3t9urzaw ✍️

TINGNAN | Bilang bahagi ng kanilang sitdown strike laban sa korupsiyon, nagprotesta ang mga g**o sa pangunguna ng Allian...
28/11/2025

TINGNAN | Bilang bahagi ng kanilang sitdown strike laban sa korupsiyon, nagprotesta ang mga g**o sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Philcoa sa Quezon City ngayong hapon ng Nob. 28.

Sinamahan sila ng iba pang mga kawani ng gobyerno at manggagawa sa pribadong sektor para ipanawagan ang pagbibitiw at pagpapanagot kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte na anila'y hari at reyna sa likod ng talamak ng korupsiyon sa mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay Propesor Gerry Lanuza, ang pondo ng bayan na nalustay sa korupsiyon maari sanang nagamit para mas maraming maregular na empleyado sa UP at para mas maraming kabataan ang makapasok sa unibersidad.

Nanawagan naman ang ACT sa mga g**o at mamamayan na sumama sa dambuhalang protesta laban sa korupsiyon sa Luneta sa Nob. 30. /Neil Ambion

28/11/2025

Kasado na ang anti-corruption protests sa iba't ibang bahagi ng bansa sa Nobyembre 30. Bitbit na panawagan ng progressive groups, 'Marcos-Duterte, resign.' Pag-usapan natin 'yan sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis kasama si Prof. David San Juan ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot.

Tumutok at makisali sa diskusyon! 🔥

Address

Quezon City

Website

http://www.pinoyweekly.net/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Weekly posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share