21/07/2025
Just In!
Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan simula 1:00 ng hapon ngayong Hulyo 21, 2025.
Ang mga ahensyang may kinalaman sa health, emergency response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa operasyon.
Ipinapaubaya naman ang desisyon sa pribadong sektor sa kani-kanilang pamunuan.
Via Marian Navales Pulgo