21/11/2025
Hindi natatapos ang laban sa korapsyon.
Nagkaisa ang Pamantasang Ateneo de Manila sa kasama ang iba't ibang unibersidad ngayong araw, ika-21 ng Nobyembre, upang manawagan ng hustisya at pananagutan mula sa gobyerno.
Nakiisa sa pagtitipong ito ang mga organisasyon sa Ateneo at iba pang mga sektor ng lipunan, kung saan ipinahiwatig nila ang kanilang mga saloobing tumututol sa kawalan ng pananagutan matapos ang naganap na walkout noong ika-19 ng Setyembre.
Sapagkat patuloy ang korapsyon sa loob ng pamahalaan, hindi titigil ang paglaban at pakikibaka ng mga mamamayan hangga't hindi nakakamtan ang karapat-dapat na hustiyang hinahangad ng madla.
Sulat ni Jules Aranjuez
Kuha ni Rae Goco
Post-processing ni Haseena Montante