21/09/2025
๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐๐ ๐๐๐ช ๐ฑ๐ฏ๐ฅ๐ ๐๐ก๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ
๐ฅ๐ฒ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ. ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐๐. ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ด๐ฎ๐ถ๐ป.
"๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ก๐๐ข๐๐จ๐ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐"
Karaniwang ginugunita sa dekadang 70s ang magarbong pananamit, masiglang tugtugin, at simpleng daloy ng buhay. Ngunit kung ikaโy isang Pilipino, itoโy itinuturing bilang isa sa mga lubhang madilim at madugong kabanata sa ating kasaysayan. Ngayong ika-21 ng Setyembre, ang taglay na karapatan ng mga mamamayang Pilipino ay inalipusta ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. Libo-libo ang dinahas, ibinilanggo, at pinaslang ng mga awtoridad sa ngalan ng kanilang โkatarunganโ.
Ngunit sa kasalukuyan, muling nauulit ang nakaraan. Patuloy na inaagnas ang ating demokrasya kasabay ng pagsasamantala at kawalan ng tunay na pagbabantay sa kapangyarihan ng pamahalaan. Bagamat ang kabataan ngayon ay mas mulat sa mga kaso ng pang-aapi, marami pa rin ang nananatiling nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa katotohanan.
Bilang isang Pilipino, obligasyon nating ipaglaban ang kasaysayan at katotohanan. Hindi dapat natin kalimutan ang matinding paglabag sa karapatang pantao na naganap sa ilalim ng batas militar. Ang Student Nursesโ Association ay naninindigan kasama ang sambayanan sa paglaban para sa ating demokratikong karapatan at sa pakikibaka para sa hustisya para sa lahat ng biktima ng Martial Law. Libo-libong Pilipino ang naging biktima ng tortyur, pagpaslang, at ang yaman ng bayan ay ninakaw habang nilubog sa utang at kahirapan ang bansa.
Ayon sa Amnesty International, sa loob ng 9 na taon ng Martial Law, 70,000 na katao ang ipinakulong, 34,000 ang pinahirapan, at 3,240 ang pinatay. Hanggang ngayon, libo-libong biktima pa rin ang hindi nakikilala at nabibigyan ng hustisya.
Noong panahong iyon, sinuspinde ni dating pangulong Marcos ang writ of habeas corpus, dahilan upang malayang ikulong ang mga Pilipinoโ may ebidensya man o wala. Nawala rin ang awtonomiya ng hudikatura at isinara niya halos lahat ng pahayagan at istasyon ng midya upang patahimikin ang kritisismo at itago ang katotohanan.
Hindi lamang kalayaan ang pinatay sa ilalim ng batas militar, kundi pati ang kabuhayan ng mamamayan. Bumagsak ang sahod ng mga magsasaka at manggagawa habang patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin. Dahil sa labis na paggastos at korapsyon, binalot sa utang ang bansa na pasan pa rin natin hanggang ngayon.
Nag-iwan ng malaking sugat sa kasaysayan ng ating bayan ang panahong ito. Patuloy pa ring umaalingawngaw ang nakaraan dahil sa kawalan ng pananagutan ng pamilyang Marcos. Iba-iba ang kwento ng mga tao, ngunit iisa lang ang datos, iisa lang ang katotohanan. Marami ang nasawi, kinulong, at nagdusaโ at marami pa ring naghahanap ng hustisya, hindi lamang sa pamilyang Marcos, kundi pati na rin sa mga nakilahok sa kaniyang walang makatarungan rehimen. Ang lahat ng ito ay hindi natin dapat kalimutan, at higit sa lahat, dapat piliin nating huwag kalimutan.
Ngayong ika-53 anibersaryo ng Batas Militar, tungkulin nating ipaglaban ang kasaysayan laban sa patuloy na banta ng historical revisionism at distortion. Hindi natin dapat hayaang baluktutin ang katotohanan o gawing bayani ang isang diktador na lumapastangan sa karapatan at dignidad ng libo-libong Pilipino. Ang panawagan ay malinaw: Never forget. Never again. Marcos is not a hero. Hanggaโt may pagtatangka na burahin o pabanguhin ang madilim na bahagi ng ating kasaysayan, patuloy tayong lalaban at maninindigan para sa hustisya, para sa demokrasya, at para sa kinabukasan ng sambayanan.
Advocacy by
ALBA, Jeremain - Student Welfare Committee
BAUTISTA, Trish Audrey - Student Welfare Committee
HINTAY, Sydney Rjay - Student Welfare Committee
PEREรA, Andrea Grace - Student Welfare Committee
Pubmat by
SARTO, Mark Martin - Media, Digital Graphics Committee