31/01/2026
ANG SAMPUNG UTOS NG PUSA. 😸❤️
🗓️1. Maaaring sampu hanggang labinlimang taon lang ang maibabahagi ko sa buhay mo, pero sa bawat araw, ikaw ang buong mundo ko. Huwag mo sanang kalimutan 'yon.
💞2. Hindi ko man palaging naiintindihan ang mga sinasabi mo, nararamdaman ko ang lahat—ang tono ng boses mo, ang mood mo, at ang pagmamahal mo. Magtiyaga ka sana habang sinusubukan kong maintindihan ang gusto mo.
💝3. Napakahalaga sa akin ang tiwala. Kapag ibinigay ko na ang puso ko sa’yo, iyo na iyon nang buong-buo.
🙏4. Huwag mo akong isantabi o parusahan nang mabigat. May mga kaibigan ka, trabaho, at ibang pinagkakaabalahan. Ako, ikaw lang ang meron ako.
🗣️5. Kausapin mo ako.
Mainit at masaya ang boses mo sa pandinig ko, kahit minsan hindi ko nauunawaan ang ibig mong sabihin.
❤️🩹6. Kung paano mo ako tratuhin— mapa puno ng pagmamahal o galit man ito—babaunin ko 'yon habambuhay.
🤬7. Bago mo itaas ang kamay mo o ang boses mo, tandaan mo: may kuko ako, pero hindi ko ginagamit laban sa’yo. Pinipili kong maging banayad. Sana piliin mo rin iyon.
💊8. Kung tila ako'y malayo, matamlay, o parang hindi na ako ang dating sarili, baka may sakit ako. O baka tumatanda na ako. Pakiusap, huwag mo akong balewalain.
😿9. Kapag ako'y tumanda na, huwag mo akong talikuran. Kailangan ko pa rin ang kandungan mo, ang haplos mo, ang pagmamahal mo—marahil higit pa kaysa dati.
🕯️10. At kapag dumating na ang oras ko, manatili ka sa tabi ko. Huwag mong sabihing, hindi mo kaya. Kailangan mong kayanin ito—dahil "Mahal kita." Hayaan mong ring mamaalam ako habang naririnig ko ang boses mo at nararamdaman ang kamay mo sa mga balahibo ko.
"Yun lang ang hiling ko sayo. Mahal, ko kayo."❤️
-MIMING 🙏😸
゚viral