05/06/2026
Tama ka. NANAY...Ang sakit nyan.
Ikaw nagdala, ikaw nagtiis, ikaw nagpalaki. Ikaw yung reason kung bakit siya nandito ngayon sa mundo. Tapos siya pa yung mang-iinsulto, magdededma, mangngisi pa.
Di mo hinahanap yung “salamat anak” everyday. Pero basic respect? Yun yung hindi dapat pinagdadamot.
Pag nakalimutan niya kung san siya nanggaling, ikaw ang magpapaalala nang di sumisigaw. Sa pagtayo mo pa rin. Sa glow mo pa rin. Sa “buo pa rin ako kahit pinabayaan” mo.
Hindi ka walang pakinabang. Ikaw yung buong mundo niya nung wala pa siyang mundo. Nakalimutan lang niya. Kaya tama yung gagawin mo. Hindi ka naghahanap ng ganti. Nagse-set ka lang ng boundary: “Respeto. Kasi nanay ako.”
©️MFLT2026 💖INA, NANAY💗
゚