01/10/2025
Tol Robin Padilla ninakawan tayo ng mga matalino. Tama ang sinabi nila mangmang tayo! Mangmang ang mga pilipino ninakawan na ng billion at trillion pero walang ginawa kundi hayaan na lamang na malunod ang kinabukasan ng Bansa. Pagkatapos nila magnakaw mag Resign lang ano ang tingin nila sa pilipinas parausan Lang. Kapag ang sundalo ang nagkasala tinatanggalan ng ranggo at binawian ng armas. Ang dapat sa mga kurakot na politiko ay tanggalin sa pwesto at bawiin ang kayamanan. Lalatiguhin natin sila hanggang sa ibalik nila ang kanilang ninakaw. Nanawagan ako sa ating kapulisan at sa ngalan ng hukbong sandatahan ng Republika ng pilipinas. Katahimikan o Karapatan, trabaho o kinabukasan ng Bayan, tungkulin o katarungan, kapayapaan o kalayaan mamili kayo!! Kung ayaw niyo kumilos kasi magulo, taong Bayan ang kikilos paalala Lang sa inyo wag kayo mag buwis ng buhay Para sa mga kurakot, ang buhay ay inaalay sa Bayan hindi sa politiko na nang aapi sa Bayan. Papasukin namin ang malakanyang ng walang sakitan! Kailangan namin ng may lahing ninja kasi tatalon kami sa barikada at sa bakod ng malakanyang. wag kayong mag alala dahil pag nakapasok kami magdadasal Lang kami sa loob ng malakanyang hindi kami lalabas hanggat hindi nagbago ang isip ng presidente! Inaasahan namin na makiisa kayo sa aming pag kilos sapagkat ang lahat ng ito ay Para sa inyo na naghihikahos. Walang baha samin pero nandito ako para ipaglaban kayo kasi Ayaw ko na inaapi kayo! Sabi sa kartilya ng katipunan ipagtanggol ang mga naapi supilin ang umaapi. Walang api kung walang nagpapa api. Para sa inang Bayan Lusob mga kababayan👊🔥