30/06/2025
"Hindi naman kasi kayo kita!"
Isa na namang pahayag ng mga motorista tungkol sa aming mga nagbi-bisikleta na talagang nakakarindi nang pakinggan.
Lahat na ng hakbang para maging visible sa lansangan ginagawa ko:
✅ ️Nagsusuot ng reflectorized vest bukod pa sa helmet
✅️ May samu't saring ilaw sa likod at harap ng bisikleta na bukas kahit maaraw
✅️ May side mirror para makita ko ang mga sasakyan sa likuran ko
✅️ Gumagamit ng hand signals to communicate with motorists
✅️ Gumigitna sa outer lane para visible sa front windshield, rear view mirror, at side mirror ng mga motorista
Pero privileged ako na makapag-invest sa ganyang klase ng visibility at proteksyon. Maraming mga siklista na payak lamang ang pamumuhay at walang sapat na salapi para makapag-invest sa ganyang mga kagamitan.
At kahit naman sangkaterbang kagamitan pa ang ilagay ko, ay talaga namang nakakasalamuha pa rin ako ng mga pasaway na motorista — kotse man, tricycle, e-trike, o motorsiklo na ginigitgit at pinipinahan ako sa lansangan.
Isa lamang ang malinaw samakatuwid — HINDI SAPAT ANG VISIBILITY! Kailangan mismong mga motorista, linawan din ang mata at i-pokus ang sarili sa pagmamaneho para hindi sila makasagasa o makapinsala ng mga siklista at pedestrians. Magkaroon ng malasakit sa mga nasa paligid mo at hindi puro pansariling kapakanan lamang ang inaatupag sa harap ng manibela! Tandaan na ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan na maaaring makapinsala ng kapwa, kaya nga ang pagkakaroon ng driver's license at rehistro ng sasakyan ay isang pribilehiyo lamang na mahigpit (dapat) na nire-regulate ng gobyerno.
Kapag iniingatan mo ang kapwa mo sa lansangan, iniiwas mo rin ang sarili mo sa pagkakamali, panganib, and pinsala!
Idagdag na rin dito ang proteksyong nakakabit sa mismong lansangan — BARRIER PROTECTED BIKE LANES! Makikita mo sa mga mauunlad na bansa na ang kanilang mga bike lane ay nakahiwalay sa normal na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng mga barrier-protected bike lanes, sa halip na simpleng guhit-pintura lamang sa kalsada. Yung iba, may mga sariling traffic lights, cat's eyes, at bollards pa! Panawagan sa MMDA at mga LGU sa na gawing MAS LIGTAS ang disenyo ng mga bike lane sa buong Pilipinas!