04/07/2025
KULTURA | Charoterang Abstention
Hello, PhiAndYouOnes!
Stressamae ang lola nyey Ka Bute dahil isang malaking ilusyonada ang magsasabing may tunay na choice ang masang PNUan matapos kong makita ang bagong porma ng balotang inihain ng Student Electoral Consumission—ay, Commission pala! Kayo ulit ‘te? OVER!
Paano ba naman, ngayong 2025 PNU USC General Elections ay na-shockaru ang mga botante nang makitang pangalan na lang ang nakalagay sa Google Forms na nagsisilbing e-ballot. Waley man lang picture, partido, o mismong plataporma upang makilala man lang sana ang mga kandidato. At ang cherry sa ibabaw ng cupcake? Litaw na litaw ang ‘abstain’ hindi lang sa pagka-Chairperson at Vice Chairperson, kundi bago pa man makita ang listahan ng mga tumatakbo sa Councilor at Faculty/Institute Representatives. BFF, ano ‘to, press escape to democracy ang atake?
Sa ganitong anyo, parang speed dating ang pagboto—click lang nang click ng pangalan, tapos next! Tinanggalan na ng brilyanteng maging mapanuri ang mga botante sa pagtaya sa paninindigan ng mga kandidato. Kung ang balota mismo ang unang nagtutulak na huwag nang pumili, paano mahihimok ang mga botanteng magsuri at magpasya?
Ang two cents ko rito, bes: whether you vote or not, pareho lang ang ending. Dahil kulang sa malinaw na impormasyon, mukhang instant noodles, at pinababaw ang eleksiyon, wala na itong pinagkaiba sa pagboto at hindi pagboto.
Kung bumoto ka, parang tumaya ka na lang sa pangalang hindi mo naman lubos na kilala. Kung hindi naman, mas madali! Parang sinanay ka na lang na tanggaping walang saysay ang halalan sa pamantasan. Chz!
At sa ganitong sistema, paano ko itataya ang boto ko? Paano ko susuportahan ang panawagang wakasan na ang sabog na sistema ng OBTEC o ang nakakalito ever na daan ng TedPaths, kung hindi ko naman kilala kung sino ang matalas na may dala ng panininidigan dito? Ano, char char na lang tayo rito? Wit!
Sabi ng kumare kong SEC, ang dahilan daw ng “abstain first” ay technical limitation ng Google Forms.
“The reason why the 'abstain' or 'will you vote' option appeared first for the councilor and FIR positions is due to a technical limitation... Placing the abstain option alongside the candidates would cause submission errors…”
Pero mare, explain mo nga bakit noong mga nakaraang eleksiyon, wala namang ganyang hanash? Hindi ba’t dati puwede namang iwanang blanko kung ayaw mong bumoto sa iba? Ang tanong dito: bakit hindi ginawan ng paraan? Hindi ba't trabaho ng electoral body ang bumuo ng sistemang malinaw, makatao, at hindi ‘yung kung ano na lang ang mas madali—kahit magulo? Teh, hindi dapat trial version ang demokrasya!
Dahil sa totoo lang, kanino ba talaga pumapanig ang opsyong abstain? Sa sistemang kulang sa mukha, boses, at ugnayan, ang ‘abstain’ ay nagiging default, hindi desisyon. At kung dumami ang ganiyang boto, hindi kandidato ang talo kundi ang mga nakshie ni Inang na mawawalan ng kinatawan sa badyet, espasyo, at academic freedom. Gentle reminder lang, kumareng SEC, student representation ito at hindi lang survey-surveyhan.
Kapag naging normal na ang hindi pagpili, normal na rin ang pagkakait sa tinig ng PNUans. Kaya hindi sapat ang pagtingin sa abstain bilang karapatan, kung ang mismong sistema ang nagtutulak dito. Hindi ito tanong ng sipag bumoto, kundi kung may meaningful choice ba talaga.
To be fair, hindi naman totally sablay ang SEC today. May livestream, presscon, Miting de Avance (kahit ‘di dinig ang sound sa FB live–push pa rin!). May mga poster sa panel boards at talipapa, at paanyaya sa mga busyhey na anak ni Inang. Effort ‘yan at we see you, bestie. Pero kung layunin niyong buuin ang isang demokratikong espasyo, hindi sapat ang presence sa soc med kung sablay ang balota. Ang partisipasyon ay hindi nasusukat sa dami ng views o share sa page, kundi sa mismong akto ng pagpili at pagtasa sa mga kandidato.
Sa sobrang ikli ng campaign period, tapos may klase, thesis, at deadlines pa ang mga estudyante, natural lang na marami ang nangangapa. Pero imbes na gabayan ang botante, parang mismong balota pa ang nagtutulak na i-abstain na lang. Wish ko lang, my BFF, na tinaya niyo muna bago kayo gumawa ng big moves (not-so-gentle tapik).
Kasi kung ganito ang ‘pagsasanay sa demokrasya’ na gusto ninyong iparating, aba’y huwag na tayong magtaka kung bakit patuloy ang kawalang-interes, linaw, at kunekshewn sa mismong halalan. Kung voter’s turnout lang ang focus tuwing eleksiyon, tingnan niyo muna kung ilan ba riyan ang may sapat na batayan sa pagpili, ilan ang kilala talaga ang binoto nila, at ilan ang nag-click lang ng abstain sa option na dinagdag ninyo para done na agad?
Dahil sa totoo lang, ang mataas na turnout ay hindi awtomatikong tagumpay kung hindi naman empowered ang boto. Ang demokratikong proseso ay hindi lang tungkol sa numero, kundi sa kalidad ng pagdedesisyon. Kung mismong sistema na ang nagtutulak sa atin palabas, then girl… demokrasya ba talaga ‘to o any any na lang na halalan?
Let’s be honest, BFF, ang problema ay hindi na lang sa participation, kundi sa sistemang kulang sa transparency, empathy, at accountability. Invitation ito sa panibagong siklo ng kawalang-pananagutan at imbes itulak pasulong ang demokrasya, tinuturuan niyo ang PNUans na umatras sa kakayahang mamili at magtasa. At kung ganito palagi, mawawalan na talaga tayo ng gana mag-hope para sa next elections, dahil minadali ang serbisyo at atrasado ang sistema.
I rest my case!
Isinulat ni Ka Bute
Dibuho ni John Paul Arellano